ISY26.

28.7K 624 21
                                    

Warning : Minors are not allowed.

Bawal ang inosente at nagfifeeling inosente. 😂

~~

Bigla siyang nanigas mula sa kinatatayuan nang magtama ang tingin nila ng lalaking kinatatakutan niya. Nakangising nilapitan siya nito at hinawakan ang beywang niya. Katabi nito ang isang lalaking ngising-ngisi din habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Tinampal niya ang kamay nito at agad siyang humakbang paatras mula sa mga ito.

"A-anong ginagawa mo dito? Huwag kayong lalapit sa akin!" Pilit pinapatapang ang boses na saad niya habang pilit na inililibot ang tingin sa paligid para may mahihingan ng tulong.

"Oh come on, pretty baby! Don't you missed me?" Anito at humakbang palapit na ikinataranta niya.

"Huwag ka sabing lalapit! Sisigaw ako!"

Imbes na matakot ay tumawa pa ang mga ito habang humahakbang palapit sa kanya. Kaya sa sobrang takot niya ay dali-daling tumakbo siya kahit naka high heeled shoes pa siya. Dire-diretso lang siya sa pagtakbo lalo na at naririnig niya ang mga yabag ng mga ito na papalapit. Naiiyak na siya at lalo lang siyang napahagulgol nang biglang may humablot sa kanya.

"No! Please no! Don't touch me!" Aniya habang sumisigaw at pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya.

"Fuck! Ssh! It's me, baby. Calm down." Anang boses na sobrang pamilyar sa kanya. Hinarap niya ito at agad siyang humahagulgol na yumakap sa nobyo. Iniangat nito ang pisngi niya na puno ng luha. Igting ang bagang at madilim ang mukha nito na puno ng galit. She can almost hear the fast beating of his heart and his heavy breathing. Tiningala niya ito at niyakap ng mahigpit. Natatakot parin siya. Paano nalang kung balikan siya ng mga ito?

Nanginig siya dahil sa sobrang takot. Agad naman siya nitong sinikop at naglakad patungong kotse nito na nakaparada sa di-kalayuan. Niyakap niya ang sarili nang makaupo siya sa passenger seat ng kotse nito.

"Wear this, baby." Anito at iniabot sa kanya ang jacket na kinuha nito sa likurang bahagi ng sasakyan nito. Agad naman niya iyong isinuot para ibsan ang panlalamig na nararamdaman niya. He's driving real fast like a madman kaya napakapit siya ng mahigpit sa kanyang gilid.

"Dahan -dahan lang please, baby. Natatakot ako. Baka madisgrasya tayo." Mahina ang boses na saad niya. Saglit na nilingon siya nito at malakas ito na napabuntong -hininga bago hininaan ang pagdadrive nito.






"Now, tell me baby? Why did you run that fast? Who's running after you?" Anito pagkatapos niyang makainom ng tubig.

"Vin-vincent Del Mundo. He's with another guy." Nanginginig ang boses na sagot niya.

His face darkened as he heard what she said. Napahilamos ito sa mukha at pabalik -balik na naglakad sa harap niya.

" What did he do to you, baby? Tell me! Did he touched you? Fuck! Where? Huh?" Sunod -sunod na tanong nito sa kanya.

"Hinawakan niya ako dito." Aniya habang itinuturo ang beywang niya. "I was too stunned and afraid to move, baby. But I ran away when he tried to touched me again." Naiiyak na pagsasalaysay niya sa nangyari kanina. He groaned out loud cursing as he got his phone and called someone.

"Kev." Anito sa kabilang linya. "I want you to fucking dig into Vincent Del Mundo's mess. I want him crawling again." Nakaigting ang bagang nito habang nakikipag-usap sa kabilang linya. "Yes. Yes. Do what you have to do to ruin him." Dagdag pa nito bago ibinaba ang cellphone nito. Agad naman siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Damn baby! I will kill that asshole! Pagsisisihan niyang hinawakan niya ang akin." Hinapit pa siya nito sa beywang at pinaghahalikan ang pisngi niya. Nakangiting tinitigan niya ito. All her fears gone.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now