ISY17.

29.1K 675 16
                                    


Ilang beses na napabuntong-hininga si Belice. Pabalik-balik sa paglalakad sa loob ng opisina niya ang tanging ginagawa niya.

It's been what?

One week na ata since that meeting in Dela Vega Holdings,Inc. at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinokontak para sa kanyang presentation. This is bad. Malapit pa namang bumalik ng Pilipinas ang boss niya. Ano naman ang ibabalita niya kay Ezekiel? Ang kawalang pakialam ng ex niya? She hissed as she decided to take a seat. Nahilo tuloy siya sa ginawa niya.

Inangat niya ang auditibo nang mai dial ang numero.Maya-maya lang ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Hi! This is Belice Anicette Villaflor of Valiera Industries. I would like to confirm if there is already a schedule for my presentation with Mr. Dela Vega." Magalang at nakangiti pang saad niya ngunit dagling nabura ang ngiti sa mukha niya dahil sa sinagot nito.

" I'm so sorry ma'am but Mr. Dela Vega has been busy this week. I'll inform you right away if there is already a schedule for your presentation."Anang sa kabilang linya sa magalang na pananalita.

She heaved a deep sigh and say her thanks bago ibinaba ang telepono.
Napahilot siya sa kanyang noo at nagdesisyong lumabas nalang. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaburo niya sa opisina. She glanced at her phone. It's already past six. She decided to have her dinner at La Grech.

Nakangiting sinalubong naman siya ng waiter pagkapasok niya at iginiya siya sa bakanteng upuan na nasa bandang gilid. Kiming nginitian niya lang ang nakatulalang waiter na titig na titig sa kanya habang nag oorder siya. She wanted to laugh at his reaction. It's not new to her. Sanay na siyang tinititigan ng mga lalaki. Alam naman niyang may maipagmamalaki siya. Frankly speaking, she could pass for a model with her height,body and face. She's a mestiza and it's a plus for her to stand out in a crowd.

Pagkatapos mailapag ang order niya ay nagsimula na siyang kumain. She's eating happily when her two eyes caught something that made her heart ache. It stings. He's busy huh? Busy siguro sa date niya sa babae niya. Napairap siya sa kawalan habang pasulyap-sulyap sa mga ito. The lady he's with is a statusque. Magkasingtangkad lang ata sila. She's not fair though. But she looked rich. A socialite perhaps. Pilit na nilunok niya ang pagkain habang nakatingin pa rin sa mga ito. And she couldn't deny how perfect they are for each other. Napailing siya at tinapos na ang pagkain bago pa siya mamatay sa kakaself pity niya.

Dire diretso siyang naglakad palabas not minding the stares of the people inside the resto is giving her especially the guys but her eyes caught his stare. Nakaawang ang labi na nag-iwas siya ng tingin nang titigan siya nito habang nakaigting ang bagang nito. Galit ito? Bakit? Bawal ba siyang kumain sa resto na ito? Ito ba ang may-ari? Napairap siya sa kawalan at dali-daling naglakad palabas para lamang manigas nang may kamay na pumigil sa kanya.

Bumilis bigla ang tibok ng puso niya.
Oh my God Belice! Calm your tits for now. It's just Brian. Si Brian na minahal niya at sinaktan siya at patuloy na minamahal niya. How pathetic!

She plastered a small smile on her face pagkabaling niya rito. Ngunit dagling nabura din iyon nang masilayan ang napakagwapo ngunit nakakunot nitong mukha.

"Why are you here?"He asked in a clipped tone. Nananatiling nakahawak ang kamay nito sa braso niya.

"Fancy seeing you here,Mr. Dela Vega." Aniya imbes na sagutin ang tinanong nito.

"I'm asking you why are you here." Nakaigting na ang bagang na saad nito at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.

She grimaced at his touch. Tinitigan niya ito ng masakit.

"You're hurting me,Mr. Dela Vega.Get your hands off me."Pilit tinatapangan ang boses na saad niya. She wanted to congratulate herself for not faltering with her words.

"Answer me then."

"Get your hands off me first. Mind you,we're already creating a scene and your girlfriend is on her way here."She cleared her throat. Pilit na kumawala siya sa mahigpit na hawak nito ngunit lalo lamang nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Don't mind them and answer me first."

"Tss."She rolled her eyes at him."Restaurant to diba? Natural kumain ako."Pabalang na sagot niya.

He smirked upon hearing her answer.

"Really huh?" Parang hindi makapaniwalang sabi nito. Akmang sasagot pa siya nang lumapit ang babaeng kasama nito. Napairap na naman siya sa hangin. Ni hindi na nga niya mabilang kung ilang beses siyang napairap sa araw na iyon.

"What's this all about,Sen?"Anito habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa."And who is she?"Dugtong nito habang tinititigan siya na parang pinag-aaralan ang mukha niya.

In fairness. Ang ganda talaga ng girl. Napaismid siya sa isip.

"It's nothing.Don't mind us Nat".Masuyong nginitian nito ang babae na ikinabagsak ng puso niya. Napaiwas siya ng tingin habang pilit pinipigilan ang pagsungaw ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"But she looked really familiar though." Saad pa rin nito."What's your name,miss? Are you a model? You're gorgeous."

"Come on,Nat. Don't be a brat.Let's just go home." Pilit namang pinipigilan nito ang babaeng nagngangalang Nat sa pag-uusisa sa kanya.

Home huh? Are they living together? Wala na ba talaga siyang pag-asa? Will what they have should be buried in the past?

Kiming nginitian niya lang ito.

"I'm sorry for this.I'll head out first."Dali-daling tumalikod siya pagkatapos magpaalam kahit tinatawag pa siya ng magandang babae.

Sunod-sunod na nagpatakan ang luha sa kanyang mga mata pagkapasok niya palang sa kanyang sasakyan. Naiinis na hinampas niya ang kanyang dibdib para maibsan ang sakit na unti-unting pumapatay sa kanya. She couldn't believed herself. She thought she's a grown up ngunit pagdating pa rin kay Brian ay nananatili ang kanyang batang puso na patuloy na nagmamahal dito.

Masakit.

Sobrang masakit.

At hindi niya alam kung kailan siya makakabangon.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now