ISY29.

25.8K 607 31
                                    

Nakangusong nakatingin lang siya sa kanyang cellphone na kanina pa tumutunog. Dalawang araw na siyang absent dahil masama din ang kanyang pakiramdam. Kaya napag-isipan niyang pumasok na ngayong araw. Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Lalo lang siyang pumuti. Maputla na nga dahil hindi man lang siya lumbas ng kwarto niya sa dalawang araw na pag-absent niya. Naglagay nalang siya ng konting make-up at inayos ang kanyang humahaba ng buhok. Hanggang balikat na ito ngayon.

She texted her assistant that she'll be reporting to work today. One last glance of herself in the mirror and off she'll go.




Kiming nginitian niya lang ang mga bumati sa kanya at agad siyang dumiretso sa kanyang opisina upang madatnan lamang ang kanyang nobyo na naghihintay sa kanya. Nag-angat ito ng tingin mula sa pagkakayuko at nanlalaki ang matang tumayo para salubungin siya. Niyakap siya nito ng mahigpit na ikinabigla niya.

"Damn,baby! Pinag-alala mo ako." Frustration and worry etched on his handsome face. "Where did you stay, huh? You're not in your apartment. Wala kadin sa bahay nila Margareth. Mukhang mababaliw na ako sa kakahanap sayo."

"Pasensya na,Brian. I just needed time to think. But I'm fine now." Aniya at kumalas na sa pagkakayakap nito. Agad siyang naupo at tinitigan ito.

"How did your talk go?"

"Huh?"

"Diba sabi mo mag-uusap kayo ng babaeng Barbie doll? Nakapag-usap ba kayo?" Aniya sa seryosong boses. She missed him so much but she has to control herself when it comes to him. Baka mamaya umiyak na naman siya.

"You're calling her Barbie doll?" Natatawang sagot nito sa kanya.

"Mukha naman talaga siyang manika ah! Anong nakakatawa dun?" Medyo inis na sabi niya. Pinukol niya ito ng masamang tingin ng hindi man lang ito tumigil sa pagtawa. Nakakairita! Wala naman talagang nakakatawa sa sinabi niya.

"Nothing, baby. Eh ano namang tawag mo sa sarili mo kung ganun?" Nakangising umupo ito sa harapan niya at pinakatitigan siya. Bigla tuloy siyang nailang dahil sa pagkakalapit ng mga mukha nila. Feeling birheng Maria pa ata ang peg niya.

"Lumayo ka nga,Brian! Bwisit to!"

Natatawang dinampian nito ng masuyong halik ang labi niya bago ito umayos sa pagkakaupo.

"Lunch later, baby?"

Tumango nalang siya dito dahil gusto na din niya itong makausap mamaya. Dalawang araw siyang nag-ipon ng lakas ng loob. Kailangan niya talaga itong makausap.


Busy siya sa ginagawang bagong proposal na ipepresent na niya next board meeting nang biglang pumasok ang boss at kaibigan niyang si Zeke. Seryoso ang hilatsa ng pagmumukha nito. Nakakatakot tuloy itong tingnan.

"Zeke! Good morning!" Aniya sa masayang boses. Tinanguan lang siya nito at pahinamad itong naupo sa bakanteng upuan.

"You're not busy? May ipagagawa ka?" Napailing ito at tinitigan lang siya ng walang kangiti-ngiti. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan habang nakatitig dito.

"How long have you been together again, Bea?"

"Ha?Ni Brian ba?"Naguguluhang saad naman niya.

"Bakit?May iba pa ba?"He hissed at her.

"Siyempre wala na!" Mataas ang boses na sagot niya sa kaibigan. "Natataranta kasi ako sayo. Nakakatakot ang mukha mo,Zeke. Ayusin mo nga yan!" Natatawa ng dugtong niya at komportableng bumalik sa kanyang pagkakaupo.

Lukot parin ang buong mukha nito ngunit hindi na ito gaanong nakakatakot sa paningin niya. Nakahinga din tuloy siya ng maluwag.

"Mga dalawang buwan na kaming nagkabalikan, Zeke. Bakit?" Aniya sa tanong nito kanina.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now