ISY25.

29.5K 595 3
                                    

Ang nakangiting mukha ng boss niya ang kanyang nabungaran nang pumasok siya sa Dela Vega Holdings, Inc. ng umagang iyon. He's on his casual clothes making him a lot younger and handsome. Kaya nga crush niya eto. Crush lang naman. Loyal naman siya sa baby niya.

Akmang lalapitan niya ito at yayakapin nang bigla siyang higitin pabalik ng katabi niya. Umuusok ang ilong nito habang tinitingnan ang boss niyang pangiti-ngiti lang sa harapan nila.

"What are you gonna do, baby?"

"Iwi welcome siya. Bakit?" Naguguluhang sagot niya dito.

"By hugging him?! The fuck! Subukan mo lang at makakatikim yan sa akin!" Nangangalaiting sigaw nito kung kaya't napatingin na sa kanila ang ibang empleyado. Napailing nalang siya dahil sa naging reaksyon nito. Ang OA.

"Such a possessive man, huh? Hindi ka parin nagbabago, Brian." Nakakaloko ang ngiting sabat ng boss at kaibigan niya. Yes. Boss niya ito at kaibigan narin. Ilang taon din kasi siyang nagtrabaho sa kompanya nito kung kaya't naging close sila. Alam niya din ang paghihinagpis nito at pagiging bitter sa ex nitong diyosa.

"Shut the fuck up, Zeke! Why are you here anyway? Nagkabalikan na ba kayo ni Thalia?"

Biglang nagdilim naman ang mukha ng boss niya pagkarinig sa pangalan ng ex nitong minamahal. Napangisi siya. Bitter na bitter ang peg.

"Tama na yan! Mamaya dito pa kayo magsuntukan." Awat niya sa dalawa at agad kinalakdkad ang boyfriend na nakangisi parin kay Ezekiel. Tinampal niya ito na ikinabusangot nito.

"Behave ka nga, baby! Why do you know Zeke? Kaibigan mo din siya?" Pang-usisa niya pa nang makapasok na sila sa opisina nito.

"Yeah. And stop asking, baby. I won't answer you anyway."

"Aba't! Ang -

Naputol ang sana'y pagtatalak na gagawin niya nang iniluwa ng pinto ang seryosong mukha ng boss nila. Tinitigan nito ng masakit si Brye na nakangisi lang habang prenteng nakaupo sa swivel chair nito.

Hay! Ang saya mabuhay kung ganitong pinaliligiran ka ng mga Adonis.

"I saw Thalia the other day. She's stunning, man. Bakit mo pinakawalan?" May pang-iinis sa boses na saad ng boyfriend niya. Naniningkit ang matang binalingan niya ito ng tingin. Huwag lang itong magkakamaling purihin ang babae dahil siguradong matatamaan ito sa kanya.

"Shut the fuck up, Brian! Mind your own business." Inis na sabat ni Zeke at naupo na sa bakanteng upuan. Tinawanan lang naman ito ng isa na lalong ikinainis nito.

"Pag-uusapan lang ba natin dito ang ex mo boss?" Hindi maiwasang may halong kabitteran na sabat niya.

"Don't blame me, Bea. Si Brian ang kanina pa hindi maawat sa pagsasalita diyan."

"Bea? Why are you calling her that? She's Belice!" Nangangalaiting sabat na naman ng nobyo niya na tumayo na at niyapos ang braso sa beywang niya. Uminit tuloy ang pisngi niya dahil napatitig doon ang boss niya.

"She likes it when I'm calling her Bea. Right, Bea?"

"Oo naman. Ang ganda nga eh!" Nakangiting saad niya. Tinakpan naman ng katabi niya ang bibig niya na ikinabigla niya. Pinandilatan niya ito ng mga mata ngunit lalo lang nitong tinakpan ang bibig niya. Kinurot niya tuloy ito dahil sa inis niya kaya nabitawan nito ang pagkakatakip sa bibig niya.

" Why did you do that?! Papatayin mo ba ako?!"

"Of course not!" Anito habang umiiling. "Huwag ka kasing ngumiti sa harapan ni Zeke. Mamaya mainlove yan sayo!" Kunot ang noong sabat nito na ikinailing niya.

"I'm a loyal man. You know me." Natatawang sabat ni Zeke na palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Kahit na. Mahirap ng maagawan." Bubulong -bulong na saad nito habang dumidikit na naman sa kanya.

" Sa tingin ko makakapag-asawa kana, Bea. Dapat magpasalamat ka sa akin."

" Tumahimik ka Zeke! Kung anu-anong sinasabi mo! Lumayas kana nga dito!" Pagtataboy niya dito na ikinatawa lang nito. Nakataas ang dalawang kamay nito sa hangin na parang sumusuko.

"Fine. Fine. I'll just be back probably tomorrow, Brye." Baling nito kay Brian na hindi na maidrawing ang pagmumukha. Nginitian lang siya nito bago ito tumalilis palabas. She heaved a deep sigh. Akala niya ibubuking na siya nito eh. Nakakahiya kung sakali.

Napatalon siya nang padabog na umupo si Brian habang madilim ang mukha. Naguguluhang tinitigan niya ito.

"Anong problema mo?"

"Wala."

"Wala? Then why are you acting like that? Daig mo pa ang nagmemenopausal." Aniya sabay ismid dito.

"Okay."

"Seryoso? Yan lang ang sasabihin mo?!"

"Fine. What do you want me to say then?"

"Ewan ko sayo! Kausapin mo ang sarili mo!" Nangangalaiting sigaw niya at agad na tumalilis palabas ng opisina nito. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya.

Tss. Ito lang ba ang pwedeng mabadtrip? Ang aga -aga sinusumpong agad ito. Bwisit na lalaki! Nakakainis.


Isang mahigpit na yakap ang nagpatigil sa paglalakad niya. Nagpumiglas siya ngunit lalo lamang nitong hinigpitan iyon. Naiinis na ipinadyak ang mga paa sa sahig.

"Bitiwan mo ako, Brian! Ayaw kong makipag-usap sayo!" Naiiyak na singhal niya dito. Wala siyang pakialam kung nag-eeskandalo man siya. Galit siya. At pag galit siya, wala siyang pakialam sa paligid niya.

"Hey! Ssh! I'm sorry, baby. Let's talk inside, okay?" Masuyong bulong nito habang hinahagod ang likod niya at pilit siyang pinapakalma.

"Kausapin mo ang sarili mo! Bitawan mo ako sabi eh! Nakakainis ka!" Naiiyak na sigaw niya. Pinihit siya nito paharap at masuyong dinampian ng halik ang labi niya. Napatingala tuloy siya dito. Namumula ang mukhang napayakap siya dito nang mapansin niya ang pang-uusyuso ng mga empleyado sa kanilang dalawa.

"Don't mind us. Go back to your work!" Sigaw nito sa mga empleyado na dali-dali namang bumalik sa kani-kanilang trabaho. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya pabalik sa opisina nito. Tahimik na sumunod nalang siya dahil sa sobrang hiya. Ang kapal ng mukha niyang mag-eskandalo. Hindi naman siya ang may-ari ng kompanya.

"Nakakainis ka kasi! Tingnan mo tuloy kung anong nangyari. Nakakahiya!" Pagmamaktol niya pagkarating nila sa opisina nito. Nakapout na naupo siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya sa kamay.

"I know,baby. It's my fault. I'm sorry." Masuyong anas nito habang ipinapantay ang mukha sa kanya. Nakakuros ang brasong inirapan niya ito.

"Oo na. Kainis! Kung hindi lang kita mahal."

"I love you too, baby." Ngiting-ngiti na saad nito bago siya kinindatan na ikinapula ng mukha niya. Nahihiyang hinawakan niya ang pisngi at iniwas ang tingin dito. Deym! Bakit ba ang dali niyang kiligin? Isang kindat lang nito lusaw na ang inis niya. Ang unfair.

"Huwag mo nga akong titigan! Magtrabaho kana nga!" Bulyaw niya na ikinatawa lang nito. Dahan-dahang bumalik ito sa pwesto nito habang napapailing.

"Lalabas na ako." Maya-maya ay paalam niya na nagpaangat ng tingin nito mula sa ginagawa. His brows creased as he stared at her.

"Why?"

"Anong why? Siyempre magtatrabaho din ako. Ang boss ko nga nagtatrabaho ako pa kaya?" Taas-kilay na sagot niya at lumabas na ng opisina ng hindi hinihintay ang sagot nito.Mamaya pigilan na naman siya nito. Magiging unproductive pa ang araw niya. Kailangan pa naman niyang magsave para sa kinabukasan niya.
















~~

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

I SEE YOUWhere stories live. Discover now