ISY1

106K 1.3K 18
                                    

I SEE YOU 1

Belice hurriedly walks down the corridor, hoping that she would find him before he went home. She sighed deeply out of frustrations.

"Nakakainis! Asan na ba yung lalaking iyon??" nakanguso niyang saad.

Palinga-lingang hinanap niya ang lalaking gustong- gusto niya simula pa ata nung first year college siya. Eh fourth year na siya ngayon pero hindi pa din siya napapansin nung gusto niya.Nakakabadtrip!

Dagling nawala ang pagkainis niya nang makita ito na papunta na sa sasakyan nito. Tumakbo siya at tinawag ito sa malakas na boses.

"Brian!!"

Kunot-noong lumingon ito. Ang gwapo talaga!

"Hi!" aniya sabay ngiti dito ng ubod tamis. Humalukipkip lang ito habang nakatingin sa kanya.

"Pauwi kna?" nakangiti parin niyang saad.

"Who are you?"

Syet. Dapat pala introduction ang una. Saan ba napunta ang utak niya?

Dahan-dahan niyang inilahad ang kanang kamay at ngumiti ng ubod tamis dito. Nakakasakit tuloy ng panga.

"I'm Belice pala..Hello!"

"K!" sagot lang nito at tumalikod na at sumakay sa kotse nito at umalis.

Laglag ang pangang naiwan siya.Napayuko nalang siya at nagdesisyong umuwi na. Kabadtrip!!

Mapapansin mu din ako Brian Johanssen Dela Vega! Itaga mo pa sa bato!





















Nakapangalumbaba at nakatanaw siya sa labas ng classroom nang matanaw niyang padaan si Brian.

"Shit!"

Napaayos siya ng upo. Sobrang gwapo talaga nito.Tingnan mo nga't halos lahat ng estudyante ay napapatitig dito. Ang dami niya tuloy karibal. Tulalang nakatitig lang siya dito nang may pumitik sa noo niya.

"Aray!'' Galit na binalingan niya ng tingin ang kaibigang si Maggie.

"O bakit?" nakataas-kilay na sagot naman nito.

"Bakit mo naman ginawa iyon?Masakit kaya!" reklamo niya at umayos na sa kanyang pag-upo.

"Para magising kana at mukhang binabangungot kna eh!"

Napasimangot naman siya.

"Grabe ka naman Maggie! Ang sakit mo namang magsalita!" Totoo. Can't she just support her? Magbest friend naman silang dalawa.

Naupo naman ito sa tabi niya at tiningnan siya ng masama.

"Ang pangit mo!!"

"Aba't - " Nanlalaki ang matang kukurutin sana siya nito. Mabuti nalang at dumating na ang professor nila.

































"Bry, you don't want to go home yet?"

Napalingon siya sa kaibigan.

"Later," tipid na sagot niya kay Kevin. Kasamahan niya ito sa basketball at kabarkada.

"Okay. Mauuna na ako."

Napatango lang siya. Tinapik lang siya nito sa balikat at umalis na ito.
Nakatingin lang siya sa kawalan nang mapansin niya ang dalawang babaeng nakatayo at mukhang nagtutulakan pa mula sa kalayuan. Tumayo na siya at naglakad papunta sa mga ito.






















I SEE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon