ISY4.

27.5K 627 6
                                    


Stalking101 na naman ang peg niya ngayong umaga. Hehe. Pasilip-silip siya mula sa classroom niya at binabantayan ang pagdaan ng lalaking gusto niya. Napa pout siya. Ang tagal namang dumating ni Brian. Kung bakit kasi hindi niya ito nakita kahapon eh. Namimiss na niya tuloy ito.

Naiinis na talaga siya. Kanina pa siya nakabantay eh ngunit hindi pa din ito dumadaan. Halos kumpleto na nga ang mga kaklase niya sa loob. Ilang minuto nalang talaga at magsisimula na ang klase.

"Belice!" Tawag ng kaibigan mula sa upuan nito.

Napalingon siya dito.

"O bakit?" Kunot-noo na sabi niya.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Balik kana dito." Sabat naman ng isa sa malakas na boses.

"Ang ingay mo naman,Margareth! Sandali lang nga." At ibinalik na ang tingin sa labas ngunit hindi pa din ito napadaan.

Napayuko nalang siya at malungkot na tumalikod na nang tumunog ang buzzer para sa unang klase sa umaga at siyang dating ng professor nila.

"O bakit ganyan ang hitsura ng mukha mo bes?" Anito sa mahinang boses pagkaupo niya.

"Hindi siya dumaan bes..Nakaka sad naman." Parang naiiyak na sabi niya.

"Sus..si Brian na naman? Move on kana kasi." Patuloy na pag-uusap nila sa mahinang boses kaya nagulat nalang sila nang tawagin ang pangalan nila.

"Belice and Margareth?" Anang guro na nakatitig sa kanila ng masama.

"Yes Ma'am?" Napatuwid tuloy sila ng upo dahil may pagka strikto ang professor nila.

"Care to tell us what your topic was all about?" She asked with her brows raised and knotted forehead.

"Wala naman po..

"I told you to speak in English when you're inside the room,Margareth!"

"I'.ahm..

"We're very sorry,Ma'am. We will not do it again." Sabat nalang niya dahil napipi na ata ang kaibigan niya na nasa tabi niya.

"Very well said,Belice. Next time you talk there, you'll be outside the room already. Understood?" Mataray na saad nito at bumalik na sa pagtuturo.

Napabuntong-hininga nalang siya at nakinig nalang sa guro niya. Mahirap na at baka mapalabas pa sila.





"Hey Brye! You're late huh?" Bungad agad ng kaibigang si Ashton pagpasok niya palang sa room nila.

Nagkibit- balikat lang siya at diretsong naupo sa silya niya. He's not on the mood to talk. He's sleepy alright. But he won't tell a soul why. That would be embarrassing. His jerk friends will surely laugh their asses off if they will knew the reason or should he say who's the reason.

Ngunit sobrang kulit talaga ng kaibigan niyang si Ashton at itinabi pa ang upuan nito sa kanya. The professor don't mind and won't mind though. Takot lang nito sa kanya. His family had the biggest shares in this universiry so no one should mess with him or they will be sorry.

"You got laid last night huh?" Taas kilay na tanong nito agad pagkalapit sa kanya.

"You want a punch?" Supladong sagot niya at hindi man lang ito binalingan ng tingin.

Natawa lang ito sa pagsusuplado niya. Sanay na ito sa ganoong ugali niya kaya parang wala lang dito kahit pagsungitan niya pa ito. Sa lahat kasi ng barkada niya ay ito ang pinakaclose niya. Kilalang- kilala na siya nito and vice versa. And he was like a brother to him.

"Come on bro..You don't have to be a pvssy you know."

"I'm not talking to you,Ashton. Just shut the fvck up. Got it?" Aniya na nakatingin lang sa harapan ngunit ang isip ay lumilipad naman. Nakarating na nga ata siguro sa ibang building eh.

Damn! This is bad! Really really bad! He might lose in the bet if this continues. Ginamitan ata siya ng gayuma ng babaeng iyon kung kaya't ayaw mawala nito sa isip niya.

This is insane! Never did he imagine that he'll drop her a gaze but what's this? Ayaw na atang mawala nito sa isip niya.

"Earth to Brian..Hey!" Pagpukaw ng kaibigan sa naglalakbay niyang diwa.

"Bakit?" Napatagalog tuloy siya dahil sa pagkabigla.

"Sh!t! You spoke Tagalog. May himala ba?" Napahalakhak pa ito na ikinalingon ng lahat ng tao sa loob ng room. Napailing nalang siya. Now, they have catch their attention.

"Don't mind us people. Continue what you're doing."Nakangiting sabi nito.

"So, you wanna tell me now,Brye?"

"No."

"Yes."

"No." Napapikit nalang siya dahil sa kakulitan ng kaibigan. Talagang hindi siya nito titigilan hanggat hindi siya nagsasalita. May pagka chismoso pa naman ito. Mabuti pa sana kung Broadcasting ang kinuha nito eh. Siguradong bagay pa dito. Swerte niya at iba ang kurso ng iba nilang barkada. Kung andito ang mga iyon siguradong mag-iingay lang ang mga iyon at manglalandi ng mga babae sa room nila.

Akala niya tumigil na ito nang tumahimik ito kung kaya't nabigla siya sa sinabi nito.

"What?"Aniya sa pasigaw na boses. Napamulat siya mula sa pagkakapikit.

"Eh di si Belice nga! Huli ka bro." At natawa ng malakas na ikinalingon na naman ng mga kaklase nila.

"What are you staring at?" Galit na bulyaw niya sa mga ito. Napabalik tuloy ang mga tingin ng mga ito sa unahan.

"What do you mean by that?Huh Ashton?"

"Kung maka react ka kasi eh! Nahuli ka tuloy." Ngiting-ngiti na sumandal ito sa upuan nito.

"I dont know what you are talking about, Ashton.Don't mention her name in front of me. I don't know her." He tried to sound unaffected and looked unaffected. Magaling pa namang mangilatis ang kaibigan niya. Talented ito eh.

"Suit yourself,Brye. Mahuhuli ka rin sa sarili mong bibig." Makahulugan nitong saad na ikinakunot ng noo niya.

"Tss.." Aniya.

Never. She's just a nobody. A girl like her will never exist in his world.. In Brian Johanssen Dela Vega's world.

That Belice girl will just be a normal girl that will fall for him and be left broken. She's not special and never will be.

Mark a Dela Vega's words.

A Dela Vega never ate his words.That's a promise. And he will prove that a promise is not meant to be broken.

I SEE YOUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu