ISY10.

25.5K 580 4
                                    


"Uy! Hindi pa ba tayo uuwi,Bel? Past five na oh!" Anang kaibigan niya habang nasa labas sila ng university.

"Ahmm.. Mauna ka nalang bes. May pupuntahan lang muna ako." Kiming-ngiti ngunit nakaiwas ang tingin na sagot niya sa kaibigan.

Mahirap ng mahuli siyang nagsisinungaling. Hehe.

Nagtaas naman ito ng kilay dahil sa  isinagot niya at sinuri siya ng mabuti.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin dito.
"Ang scarey mo,Maggie!" Bulalas pa niya.

"Ang ingay mo!" Pakli nito." Oo na, mauuna na nga ako! Siguraduhin mo lang na uuwi ka mamaya ha?!" Babala nito bago siya nilayasan.

Naku naman! Daig pa ni Maggie ang mama niya kung magbantay. Nakakatakot naman!

Napailing nalang siya at pumara ng sasakyan para pumunta sa The Fire & Ice. Pupuntahan niya kasi si Brian dahil nagtext ang kaibigan nito na lasing na ito.

Hay naku! Pasaway din na lalaki! Ewan ko nalang sa kanya! Kung hindi ko lang yun mahal nungkang papakialaman ko yun!

Oo na! Inaamin ko na!Maliban sa patay na patay ako sa kanya ay in love na rin ako sa kanya!

Makalipas ang ilang minuto ay nakatayo na siya sa harapan ng The Fire & Ice. Ang sosyal naman ng pangalan.

Dahan-dahang naglakad siya papasok nang may humarang sa kanyang bouncer.

"Miss, bawal pumasok ang bata sa loob."Anito na ikinalaki ng mga mata niya.

Gusto pa niyang matawa dahil sa sinabi nito. Siya bata? Sa laki niyang ito? Tss..iba na talaga ang baby face. Hehe.

"Manong bouncer, hindi na po ako bata, okay? Alam kong napakaganda ko at baby face. Kaya papasukin mo na ako." Pacute pa niya dito.

Napailing lang ito at napangiti dahil sa isinagot niya.

"Bawal talaga ang menor de edad,Miss."

Hindi niya tuloy napigilang mainis dahil nangangalay na ang mga paa niya sa kakatayo.

"Hindi nga ako menor de edad,manong! Twenty na ako, okay?Twenty! At may susunduin ako sa loob!" Sarap sabunutan ni manong. Pasalamat ito at malaki ang katawan nito. Hmmp.

"Kung gusto mo tanungin mo pa sila sa loob! Si Brian ang susunduin ko! Si Brian Johanssen Dela Vega,manong!" Salubong ang kilay na maktol niya.

"Oo na Miss. Pasok kana nga." Anito at sinundan siya papasok. Ang dami pa kasing arte. Papapasukin din naman siya. Buseet. Nasisira ang taglay kong kagandahan dahil kay manong.

Nagpalinga-linga si Belice nang makapasok sila sa loob ng bar.Napakunot ang magandang noo niya.Ang aga pa ba't ang dami ng tao? At halos kababaihan pa ang nakikita niya sa gilid na halatang kinikilig habang nakatingin sa isang sulok ng bar. Hmp.Mga malalandi! Hindi naman kagandahan. Puno lang ng make-up ang mga mukha. Di hamak na mas maganda siya ng ilang paligo.

"Dito miss." Anang bouncer at iginiya siya sa sulok na kanina lang ay tinitingnan niya. Nanlalaki ang matang napatitig siya sa mga lalaking may mga partner na babae maliban sa isa. Oh my God! Sila ba ang pinaglalawayan ng mga hitad na iyon? Ang kakapal ng mga mukha!

Naglakad siya papalapit sa mga ito nang una siyang mapansin ni Kevin.

"Oh! Brye! Your girlfriend is finally here!" May kalakasan na saad nito na ikinalingon ng mga malalandi na nanlalaki pa ang mga mata. Tinaasan niya ng kilay ang mga ito. Kala niyo hah! Ako kaya ang legal!

Nilapitan niya ang gwapong nilalang na namumungay ang mga matang nakatitig sa kanya. Ngumiti ito at hinapit siya bigla kaya't napaupo siya sa kandungan nito. Namumulang nag-angat siya ng tingin nang magkantyawan ang mga kabarkda nito.

"Brye..Bitawan mo nga ako.Nakakahiya kaya." Aniya at pilit kumawala sa pagkakakandong dito.

"Hmm." He sniffed her neck and kissed it lightly na nagpatindig ng balahibo niya.

Oh em gee! Is this a fcking PDA? Sh!t! Yes, it is Belice!

"You're shy, baby? Don't be." He smiled.

"Baby daw oh!" Sabay tawanan na naman ng mga ito.

"Ang cheesy. ' Wag naman masyadong clingy pare. Baka magsawa si Bel niyan sayo at iwan ka." Dugtong ni Ashton na ngiting-ngiti.

"Shut up,assholes!" He shouted and hugged her tightly. Geez. Ang clingy nga ng baby ko! Ang sarap halikan.Hehe. Siyempre, joke lang! May hiya pa naman akong natitira noh!

"Brye..bitaw na please." Bulong niya dito na ikinakunot ng noo nito. Lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya at pinaupo siya sa tabi nito na nasa pinakagilid.

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Aniya mayamaya nang makitang pasado alas siyete na. Mabuti nalang at wala ang mama niya dahil nasa tita niya ito at nagbakasyon ng ilang araw doon. Siguradong sasabunin siya nito kapag nalaman nitong ginabi siya at pumuntang bar. Nakauniform pa naman siya. Mabuti nalang at pinasuot sa kanya ni Brian ang jacket nito. "Gabi na kasi  masyado eh."

Natawa ito bigla sa sinabi niya at inakbayan siya. She could smell alcohol and his musky scent. Nakakadarang.

"Baby, past seven is too early. And it's Saturday tomorrow. No worries."

"Ahm..kasi ano..

"What is it? Your mom is not at home, right? Don't worry. I'll drive you home later." Anito at tinungga ang inumin na nasa harapan nito.

"Bel, inom ka oh! Isa lang. Bawal kj dito." Nakangiting alok ni Kevin na ikinailing niya lang.

"Salamat Kev pero ayaw kong uminom." Kiming-ngiti niya at sinulyapan si Brian na nakatitig na pala sa kanya."Bakit?" Tanong niya dito.

"Nothing." Napailing pa ito ngunit nanatili ang mga titig sa kanya. Nailang tuloy siya. Maganda pa kaya siya? Ay ewan! "You wanna go home, really?"

Napatango siya.

"Magbabantay nalang ako ng sasakyan sa labas. Marami naman ang dumadaan eh."

"No." He plainly answered as stood up while holding her hand. Napatingin tuloy siya dito." We'all go first guys. Enjoy the rest of the night." He declared and dragged her hand na ikinailing lang ng mga ito.

Kinawayan niya nalang ang mga kaibigan ng mga ito at nahihiyang nginitian.

Nadaanan pa niya ang mga babaeng clown na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Napahigpit tuloy ang kapit niya kay Brian na lalong ikinangitngit ng mga ito.

Mainggit kayo! Babush. Nakangiti lamang siya dahil sa pilyang iniisip.

Ang saya ng life!

Ang swerte ko!







I SEE YOUWhere stories live. Discover now