ISY27.

27.1K 621 9
                                    

Ubod ng laki ang kanyang ngiti habang pinapasadahan ng tingin ang kanyang kaibigan na kalong-kalong ang anak nito. Kapapanganak lang nito kaya agad siyang dumiretso doon pagkatawag ng asawa nito. Nasa likod naman niya ang nobyo na seryoso lamang na kinakausap ang kaibigan nitong si Ashton.

"Kamusta kana, Maggie? Masakit ba?" Aniya na ikinatawa ng kaibigan niya.

"Syempre naman bes. Kaya ikaw?" Sabay turo pa sa kanya. "Ihanda mo na ang sarili mo sa sobrang sakit." Natatawa na dugtong pa nito na ikinasimangot niya.

"Why are you telling her that Maggie?" Kunot -noong sabat naman ni Brian habang nakatingin na sa kanilang dalawa. "Don't scare her."

Napaismid bigla ang kaibigan niya dahil sa tinuran ng kanyang nobyo.

"Eh sa totoo namang masakit eh! Hindi na nga makakaulit itong asawa ko sakin. Kung makangalabit akala mo naman ito ang magpapakahirap sa panganganak."

"Honey naman, gusto mo din naman eh! Minsan ikaw din naman ang nangangalabit." Nakangising saad naman ni Ashton. Napatakip siya sa kanyang tenga dahil nahihiya siya sa lumalabas sa bunganga ng mag-asawa. Hindi pa niya maiwasang mapasulyap sa nobyo na ngingisi-ngisi lang sa kanyang tabi.

"Tumahimik na nga kayong dalawa! Mamaya pati sexcapades niyo mabulgar pa." Aniya sa malakas na boses na ikinalingon ng mga ito sa kanya.

"Bakit bes? Birhen ka pa ba? Sus. Mas nauna ka pa nga sa akin eh!" Anang kaibigan na ikinapula ng buong mukha niya. Akmang lalapitan at sasabunutan niya ang mahaderang kaibigan ng isang mahigpit na yakap ang pumigil sa kanya.

"She just gave birth, baby. Sa susunod kana gumanti." Anang Brian habang pigil-pigil siya. Inis na tinitigan niya nalang ng masakit ang kaibigan at buong pusong inirapan. Hmmp. Makakaganti din ako sayo, Margareth! Hintayin mo lang.




Kahit nakauwi na sila ay nakanguso parin siya dahil hindi parin nawawala ang inis niya sa kaibigan. Kung hindi lang talaga ito nanganak, nungkang palalampasin niya ang pang-iinis nito sa kanya.

"Stop pouting, baby. You looked like a duck." Anito at naupo agad sa sofa.

"At least magandang duck." Aniya bago  tumabi at yumakap dito. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito at hinigpitan ang pagkakayakap dito. Pasimpleng inamoy niya pa ito habang nakangisi. Ang bango talaga ng boyfriend niya. Parang hindi man lang pinagpawisan.

"Stop sniffing me, baby. And stop moving. You're turning me on." Mahinang anas nito sa bandang tenga niya. Napatingala tuloy siya dito at muntikan ng maglapat ang labi nila. Her heart beats faster. Feeling nga niya lalabas na ito sa dibdib niya. She suddenly wet her lips as she anticipated for his kiss but her stomach rumbled which made her face flushed. Nahihiyang nagbaba siya ng tingin habang ito naman ay natatawa sa kanya.

"So my baby is hungry, huh?" He said teasing her. Tinitigan niya tuloy ito ng masakit. Ang gago lang talaga. Nang-iinis pa.

"Tumahimik ka nga! Bwisit!" Sigaw niya na tinawanan lang nito. Inis na tumayo siya at akmang aalis na nang hablutin siya nito kaya napaupo siya sa kandungan nito. At halos manlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang kahandaan nito sa ilalim niya. Damn! He's fcking turned on!

"As much as I want to make love to you, baby. I don't want you hungry. I can wait." He said as he dropped a soft kiss on her neck. She groaned out loud as she felt her body tensed. Gosh! Manyak narin ata siya.

"What do you want to eat, baby?" Masuyong saad nito habang titig na titig sa kanya. Feeling niya tuloy siya na ang pinakamagandang babae sa mundo dahil sa klase ng tingin na iginagawad nito sa kanya. Napakurap siya bigla nang biglang uminit na naman ang pakiramdam niya. Gusto niyang umiyak dahil hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Yes,she's hungry but she's sexually frustrated too.

"Hey! Are you okay, baby?" May pag-aalalang nakaguhit sa mukha nito nang hindi man lang siya umimik sa tinanong nito.

Tumango-tango lang siya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya.

"What do you want to eat then, baby?"

"Gusto kong kumain ng siomai,baby. Yung sobrang anghang sana." Nakapout na sagot niya. Iniimagine niya palang ang siomai ay naglalaway na siya. Namiss pa naman niyang kainin iyon. Paborito nilang kaining dalawa ni Maggie yun eh.

"It's almost lunchtime, baby. You need to eat more. You can eat siomai afterwards." Seryosong sagot nito habang nagsimulang magdial sa cell phone nito.

"Ayaw kong kumain ng rice, baby. Gusto ko siomai lang."

"No, Belice Anicette. No siomai for you if you won't eat rice." Anito na ikinairita niya. Nag order na ito at halos mapanganga siya sa dami niyon. May kasama ba silang kakain?

"It won't take a while, baby. Can you wait,huh?" Masuyo ng saad nito habang yapos -yapos siya. Masuyong pinaraanan pa ng  mga daliri nito ang tiyan niya na halos magpatayo ng balahibo niya. Parang gusto na naman niyang maiyak sa hindi malamang dahilan.

"Why are you not talking? Are you that famished,baby? Gusto mong tayo nalang ang lumabas para kumain?"

"Ayoko. Dito nalang tayo, Brye." Aniya habang napapailing." Tinatamad din naman akong lumabas. Tipid na ngumiti lang ito at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasang maging masaya. He's being clingy but she's loving it.




Natatawang pinaghahampas niya si Brian nang hindi man lang ito gumalaw para bumangon. Nakadapa ito at kita ang hubad na likod na kanina pa niya pinagpapantasyahan.

"Baby!" Aniya habang nakasigaw. "Gumising kana nga!"

Isang ungol lang ang isinagot nito na ikinasimangot niya. Ang sarap tuloy nitong hambalusin.

"Malelate kana kaya! May meeting kapa diba? Gising na sabi!" Malakas ang boses niya habang niyuyugyog ito ngunit wala epek parin dito. Ni hindi man lang ito nagmumulat ng mga mata.

"Bahala ka nga diyan! Basta ako papasok." Padabog na umalis siya ng kama at dali-daling dumiretso sa banyo. Akmang isasara na niya iyon nang dali-daling pumasok ang halatang wala pa sa sariling si Brian. Kunot na kunot ang noo nito at parang ang lalim ng iniisip.

"Anong ginagawa mo dito? Lumabas ka nga at maliligo na ako!"

"Let's just cuddle the whole day, baby. I'm not in the mood to go to work."

Tinaasan niya ito ng kilay habang nakahalukipkip sa harapan nito.

"Kung wala ka sa mood magtrabaho Brian Johanssen Dela Vega, huwag mo akong idamay. Naiintindihan mo? Kailangan kong magsave noh!" Aniya habang pilit na itinataboy ito palabas. Bwisit na lalaki! Anong akala nito? Mayaman din siya na okay lang maghilata siya buong maghapon? Hah! Mabuti sana kung ganun. Ang tagal na niyang nagpapakahirap sa pagtatrabaho ngunit hindi talaga siya yumayaman. Hindi ata niya destiny na yumaman. Ang saklap lang!

"Why would you need to save, baby? Kaya kitang buhayin at magiging mga anak natin. So, let's just cuddle,okay?" Anito kaya natigilan siya sa pagtulak dito palabas. Her cheeks flushed at what he just said.

Sinasabi ba nitong handa na itong magkapamilya sa kanya? Is he proposing? Nananaginip pa ata siya o ito talaga ang nananaginip sa kanilang dalawa. Kaya hindi na siya nakaimik ng hilahin siya nito pabalik sa kama. Wala na siyang naririnig kundi ang lakas ng tibok ng puso niya para sa lalaking minamahal niya. Wala na siyang kawala. Siguradong-sigurado na siya na ito ang lalaking magiging forever niya.






~~

Click the 🌟 and hit comment.

OiBhabie

I SEE YOUWhere stories live. Discover now