ISY5.

26.5K 589 2
                                    

What a bad night!

Talo na naman ang Purefoods Starhotshots.😢

~~

"Maggie! Yuhoo!" Ani Belice sa malakas na boses habang kinakawayan pa ang kaibigan.

Nakangusong lumapit naman ito sa kanya at iniangkla ang braso sa braso niya.

"Ang ingay mo." Anito habang magkaagapay silang naglalakad sa hallway.

"Break time naman ah! Okay lang  na mag-ingay noh." Pagrarason niya at ngiting-ngiti pa habang papuntang canteen. Excited na siya! Sana naman makita na niya ang lalabs niya. Ilang araw na niyang hindi nakikita si Brian eh. Namimiss na niya ito.

"Ewan ko sa iyo. Excited kalang makita siya eh." Anang kaibigan at nauna ng maupo pagkapasok nila sa canteen. Mabuti nalang at marami pang bakanteng mesa. Pinili nila ang nasa bandang gilid kung saan madali niyang makita kung papasok si Brian kasama ang grupo nito.

"Ilang araw ko din siyang hindi nakita eh! Suportahan mo nalang ako Maggie,okay?" Aniya habang palinga linga nang magsimula nang dumami ang estudyante sa canteen.

Magpakita ka please! Please! She chanted on her mind while closing her eyes for a couple of minutes when she heard a loud gasps from the crowd.

Dagling nagmulat siya ng mga mata upang mabigla lamang sa taong nasa harapan niya.

"What are you doing?" Anito habang seryosong nakatitig lang sa kanya.

Sh!t! Ang gwapo talaga nito!

"Ahm..ano..Ano." Pautal-utal na saad niya dahil sa kabang nararamdan dahil kaharap niya ito. Dininig na ata ng Panginoon ang panalangin niya. Sobra- sobra pa nga kung tutuusin.

"What?" Poker faced pa rin na saad nito habang ngiting-ngiti naman ang ibang kasama nito na nasa likod nito. Kung hindi siya nagkakamali ay mga kasamahan nito iyon sa basketball. Ang tatangkad eh! Di niya ma reach.

"Ah..nag pe pray ako! " Biglang sagot niya dahil sa pagkataranta."Tama! Nag pe pray ako! He he.." Sabay pekeng tawa.

"I see." Anito at naupo nalang bigla sa harapan niya habang ang ibang boys ay kumuha ng mesa at silya para ipagtabi para magkasya sila. Naririnig pa nga niya ang mga bulungan sa paligid ngunit wala siyang pakialam. Mga chismosa lang yan eh! Inggitera pa..Hehe.

"Bakit dito kayo naupo?"

"Bawal ba?" Kunot-noong binalingan siya nito na ikinapula ng pisngi niya. Napahawak siya tuloy sa mukha niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin upang makita lamang na nilalandi nang isang kaibigan nito ang kaibigan niya.

"Maggie." Mahinang tawag niya sa kaibigan habang tinutusok-tusok niya ang braso nito.

"Bakit?" Baling ng kaibigan niya na namumula din ang mukha. Kinikilig din ba ito gaya niya?

Napailing-iling lang siya at ibinalik ang tingin sa harapan niya para lamang makita ang matiim na pagtitig sa kanya ng lalaking gusto niya. D@mn! Bakit nahihiya siya? Wala naman sa bokabularyo niya ang mahiya ah?

Nahihiyang nagbaba siya ng tingin upang mabigla lamang ng hawakan nito ang mukha niya at iangat iyon na ikinasinghap naman ng mga estudyante.

"Don't be a shybaby. What do you want to eat?"

Imbes na sumagot ay napanganga siya. Tinawag ba siya nitong baby? O baka nagugutom lang siya at kung anu-ano ang naririnig niya.

"Huwag na. Pipila kami. Tara na, Margareth." Tumayo siya at akmang hihilahin ang kaibigan nang pigilan siya nito. Napabalik tuloy siya sa pag-upo dahil sa lakas ng paghila nito.

"Aray naman." Pagrereklamo niya habang nakangiwi.

"I'm sorry. Your being a pain in the ass. Just sit down, will you? I'll get your food." Biglang saad nito at tumayo na.

Tulalang naiwan na lamang siya sa kanyang upuan hanggang sa makabalik ito at inilapag ang mga pagkain sa harapan niya.

"Ang dami naman nito." Naka pout na sabi niya bago kumuha ng pagkain.

He smirked. " Don't pout. Hati tayo sa pagkain baby so don't you worry. Eat. You're so skinny."

"Skinny? Eh ang taba ko kaya?!" Sabat ni Belice sa medyo may kalakasang boses na ikinalingon ng ibang estusyante.

"You're not. Just eat well. And tone down your voice,okay?"

Ni hindi nila napansin ang palipat-lipat na tingin ng mga kasama nila sa table kung hindi pa nagsalita si Kevin.

" Yuhoo! Baka nakakalimutan niyo guys na nandito pa kami. May LQ ba kayo?" Sabat nito at natawa ng malakas.

"Oo nga best. Kayo ba?" Anang kaibigan niya at naguguluhang tumingin sa kanya.

" Don't mind them. Just eat. We don't have much time left." Brian interrupted.

Napatango- tango na lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Nagutom ata siya bigla dahil sa pagsasagutan nila.

"I'm done." Aniya maya-maya at ngiting-ngiti na hinimas ang tiyan niya. " Busog na busog ako best." Sabay baling sa kaibigan na nakanguso lang.

"Bakit?" Naguguluhang saad niya.

"Akala ko hindi kana matatapos sa pagkain eh! Late na kaya tayo." Pagmamaktol nito.

"Don't blame her. I told all of you to go attend your classes but you didn't budge."

Nanlalaki ang matang napatitig siya sa kanyang harapan. Oh my God! Bakit ba niya nakalimutang may kasama sila ng best friend niya. Si Brian pa! Burn Belice. Sa sobrang katakawan niya ay na late pa sila!Ang sarap naman kasi ng pagkain eh!

"Hala. Sorry talaga!" Hiyang-hiya na sabi niya habang namumula ang mukha at tumayo na.

" Salamat sa food Brian at sa inyo rin. " Dali-daling kinuha niya ang bag at hinila ang kaibigan na kinawayan nalang ang ibang kasama nila sa table.

"Dahan-dahan naman,Belice! Late na naman tayo noh!"

"Kaya nga dapat nating bilisan ang paglakad." Aniya habang kinakaladkad ang kaibigan na putak lang ng putak sa tabi niya.

"Ang takaw mo kasi eh!"

"Oo na. Matakaw na ako." Napairap siya dito. Sana wala si Ma'am please! Please! She crossed her fingers bago pumasok sa room nila upang mabungaran lamang ang mga kaklase niyang nagkukwentuhan. Nilibot niya ang paningin. No sign of their professor.Napangiti siya ng malawak.

"Yes!" Sigaw niya na ikinalingon ng mga kaklase niya. Ni hindi niya napansin ang pagkulbit ng kaibigan niya nang may marinig siyang magsalita sa likuran nila. Namutla siya.

"Out of the way.You're late. I don't tolerate late comers in my class." Mataray na saad ng Prof nila bago pumasok sa silid.

D@mn! Malas. Akala niya nakalusot na sila. Palpak na crossed fingers yun! Di man lang nakisama.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now