ISY13.

27.3K 735 12
                                    

Kunot- noong inilibot ni Belice ang kanyang tingin pagkapasok niya palang sa kanilang university. Panaka- nakang tinititigan siya ng mga kaklase niya habang nagtatawanan pa ang mga ito. Hindi niya alam ngunit kinabahan siya bigla dahil sa gawi ng mga ito.

May dumi ba siya sa mukha?

Alam niyang haggard siya dahil sa kakaiyak niya kagabi but nung chineck niya ang sarili kanina sa salamin ay maganda naman siya.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad nang biglang natigilan siya dahil sa mga narinig.

Akala mo kung sinong santa, santa santita din pala. Sabay tawa ng mga ito bago tumalilis.

Akala niya siguro seseryosohin siya ni Brian. Sino ba siya sa akala niya? Tangang babae.Anang Elizabeth, ang pinakabitch na babaeng nakilala niya sa tanang buhay niya nang harangan siya nito sa kanyang paglalakad.

"Tama Liz. Hindi naman kagandahan." Segunda naman ng alalay nito na nakaismid habang nakatingin din sa kanya.

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Pilit tinatatagan ang sarili  na sabat niya. Matapang na sinalubong niya ang mga nang-aakusang mga titig ng mga ito. Ni hindi niya alintana ang  mga nang-uusyosong tingin ng ibang mga estudyante.

"Bakit? May iba pa bang slut dito,Belice? Diba ikaw lang naman?" Anito sabay tawa na ikinainit ng ulo niya. "Tanga pa." Dugtong pa nito  na ikinapula ng mukha niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo,Elizabeth! Sumusobra kana ha!" Galit na sagot niya habang nakakuyom ang mga kamao.
Bakit ba galit na galit ito sa kanya? Dahil ba kay Brian?

"Why should I? Tanga ka naman talaga! Slut pa! Diba guys?" Sigaw nito na sinang-ayunan ng iba. " Pinaglaruan kana, nagtatanga-tangahan kapa?! Come on Belice? Isang Ferrari lang ang katapat mo?! So cheap." Bulalas nito na ikinalaki ng mga mata niya.

"Anong ibig mong sabihin,Elizabeth?Anong Ferrari?Hindi ko- ko alam kung ano ang pinagsasabi mo?" Pilit pinipigilan ang pag-alpas ng luha sa kanyang mga mata na saad niya.

"Kasi nga tanga ka! Ask Brye.. hmmp. Ciao!"Anito habang taas- kilay na iniwan siyang tulalang nakatayo lamang doon.

Pinagpustahan siya? Isang Ferrari ang katapat niya? Bakit? Paano?

"Belice.." Anang Margareth at niyakap siya. " Dont listen to them. Brye can't do that to you. All right?" 

Pilit na ngumiti siya sa kaibigan habang nagsimula ng maglakad. She needed to see Brye.

"There they are!" Nakangiting anas ni Margareth nang makita  nila si Brian at mga kaibigan nito na nag-uusap sa likod ng gym.

Ngumiti lang siya sa kaibigan at naunang maglakad papunta sa mga ito nang matigilan siya dahil sa kanyang narinig.

"So, you and Belice huh? Congrats Brye! Walang kupas!" Natatawang saad ni Kevin at inihagis ang isang susi na sinalo lang ni Brian habang seryoso lang na naninigarilyo.

"Pasakay naman sa bagong Ferrari, Brye!" Natatawa ring pakli ni Ashton.

Ni hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya maigalaw ang mga paa habang dahan-dahang nakalandas ang mga luha sa kanyang pisngi. So, it's true? Ang dangal niya, isang Ferrari ang kapalit? She wanted to laugh at herself. Nananaginip ba siya?

"I thought you kinda like Belice, Brye? So, what happened?" Anang James na kunot- noo lamang na nakatingin kay Brian.

"She's not my type. She looked like a freaking puppy that's why I give in to her.Nakakaawa naman kasi."  Anito na parang kutsilyong tumatarak sa puso niya. Ni hindi niya pinansin ang panghahatak ni Margareth na naiiyak na rin sa tabi niya.

"Gago! Haha.. You're really Brian Johanssen dela Vega!" Pakli ni Kevin na natatawa pa rin.

"This calls for a celebration! Don't you think,Brye?"

"Fine. My call." Seryoso ang mukha na sabat lang nito.

Dahan-dahang humakbang siya papalapit sa mga ito habang pilit pinapahid ng mga kamay ang mga luhang walang patid sa pagtulo sa pisngi niya. Wala siyang pakialam kahit magmukha pa siyang basahan sa harapan ng mga ito dahil sobra pa nga ang mga ginawa ng mga ito sa kanya. Hawak- hawak naman ni Margareth ang isang kamay niya at pinipigilan siya.

"Am I not invited?" She barged in wearing a sarcastic smile that made them pale.

"Bel.." Gulat ang mukha na saad ni Kevin.

"Hi Brian!" Pilit ang ngiti na sabi niya kahit alam niyang nagsisimula na namang tumulo ang panibagong batch ng mga luha niya. Ang tanga talaga niya! Akala ba niya matapang siya? Iiyak din pala siya. Pathetic Belice Anicette.

"What are you doing here?" Walang emosyon na saad nito na lalong nagpasakit sa umiiyak na niyang puso.

"How could you? What have I done for you to hurt me like this?" Bulalas niya habang umiiyak sa harapan nito.

"It was fun. You're there so who am I to spoil the fun?" He answered while his face still holds no emotion.

"It's not my fault you spread your legs in front of me." Walang habas na sabi pa nito na ikinaputla niya.

Did he just embarrass her in front of them?

"Brye! Stop it! That's foul!" Galit na sabat ni James na tumayo na at pilit na hinaharangan siya kay Brian.

Natawa siya ng mapakla dahil sa sinabi nito. He's a monster.  How could she fell in love with a guy like him?

"Sumusobra ka ng lalaki ka! Ang sama-sama mo!" Galit na akmang hahampasin ng kaibigan niya si Brian nang pigilan ito ni Ashton.

"Get your hands off me, you jerk!" Pagwawala nito sa hawak ng lalaki.
"Bakit ba na inlove ang kaibigan ko sa isang gaya mo?! You are nothing but a pretty face!" Sigaw ni Margareth habang dinuduro pa ang lalaki.

"Get your girl's face in front of me, Ashton. Or she'll be sorry." Madilim ang mukha na sabi nito na ikinaatras ng kaibigan niya.

"Tama na,Maggie. Umuwi na tayo, please." Nanghihina at naghahabol ng hininga na pigil niya sa kaibigan.

"Oh God! You looked pale,Belice! Are you okay?" Histerikal na sabi ng kaibigan niya at hinawakan siya.

"Bel? Are you okay?" May pag-alala din sa mukha na saad ng mga ito.

"Assholes! This is all your fault!" Mangiyak ngiyak na usal ng kaibigan niya habang niyayakap siya.

"Tama na please.. " Malungkot na tinitigan niya ang gwapong mukha ng lalaking minahal niya. "I'm sorry for being so nosy Brian. I'm so sorry for being a puppy for a long time. I didn't know. And thank you for letting me feel that you indeed has feelings for me even for a while. I'm inlove with you for a long time. And I think this love has to end. I'm so sorry for messing with you guys." Naiiyak siya habang pilit pinapatahan ng kaibigan niya. Hirap siyang habulin ang hininga niya kung kaya't dali-daling tumalikod siya at tumakbo not minding the stares of the students and her bestfriend's shouts.


Goodbye Brian Johanssen dela Vega! I give up this time.












I SEE YOUWhere stories live. Discover now