ISY40.

59.6K 1K 63
                                    

Mahigit isang buwan na magmula nang magkaayos silang lahat. All is well, ika nga. Kaya hindi na siya nagulat na nakaharap na siya sa isang malaking salamin habang suot-suot ang isang puting-puting gown.It was not that revealing and sexy.Nakakahiya naman kasi sa malaki na niyang tiyan. Mukha lang naman siyang nasobrahan sa supply ng kanyang pagkain.

Napalingon siya nang biglang bumukas ang pinto kung saan siya inaayusan. Iniluwa nun ang kanyang mama na ngiting-ngiti habang papalapit sa kanya.She pouted.

Bakit mas sexy pa ang mama niya kaysa sa kanya? Ang daya.

"Kamusta ang maganda kong anak?"Niyakap siya nito ng mahigpit bago pinakawalan at inayos ang laylayan ng kanyang gown.

"Bakit ang sexy niyo, Ma?"Napapalatak na saad niya imbes na sagutin ang tanong nito.Mabuti pa ito may pasilip ng cleavage. Eh siya?Nganga.

"Talaga,nak?"Tawang-tawa na umikot pa ito sa harapan niya. Siste. Feel na feel talaga nito ang maging bagets.

"Ang daya.Look at me, Ma!" Nakangusong saad sabay turo sa kanyang sarili. "Wala man lang pasilip sa cleavage ko!Asan ang hustisya dun?Dapat flaunt what you got, eh!"

Natatawang pinitik nito ang ilong niya na ikinanguso niya.

"Napakaganda mo parin,anak.Hindi mo na kailangang magpakita ng cleavage.Dapat exclusive nalang yan para sa magiging asawa mo."

"Sus! Ikaw nga matanda na nagpapakita parin ng cleavage."Bubulong-bulong na saad niya bago bumalik sa harap ng salamin.Pinakatitigan niya ang sarili.She's glowing.Lalong tumingkad ang pagiging mestiza niya.Babae siguro ang magiging anak niya.Hay!Excited na siyang maging asawa ng lalaking pinapangarap lang niya noon.Iba na talaga kapag maganda ka.Walang imposible. Charot!



Kung pwede lang sigurong manigarilyo ay kanina pa niya ginawa.He's fucking tense and nervous.Kanina pa siya hindi mapakali habang naghihintay sa pagdating ng mapapangasawa niya.

"Okay kalang,bud?"Anang bestfriend at bestman niyang si Ashton.Ngiting-nang-aasar ang iginagawad nito sa kanya.Gumaganti ata sa ginawa niya dito noong kasal nito."Mukhang nagbago na ang isip ni Bel.Sabagay,ang dami namang mas gwapo sayo."Natatawang dugtong nito na ikinainis niya.

"Just shut the fvck up,Ash!Kung ayaw mong maging abo."

Tatawa-tawang tinapik lang nito ang balikat niya at inginuso ang harapan ng simbahan.His mouth gaped at the sight of his bride slowly walking towards him.She's beaming and she's the sexiest bride ever with her bump showing.

Namputsa!Napakaganda talaga ng baby niya.

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love
When I'm afraid to fall
Watching you stand alone
All of my doubts suddenly
goes away somehow

One step closer

I have died everyday waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you
For a thousand years
I love you for a thousand more

He reached for her hand as tears continued streaming down her beautiful face.Napapikit siya dahil sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.At last, mapapasakanya narin ang babaeng pinakamamahal niya.

Today,we are gathered to witness the...

Wala na siyang naririnig kundi ang malakas na tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa babaeng mahal niya na ngiting-ngiti habang nakikinig sa pari.
Parang kahapon lang nang masilayan niya ang magandang mukha nito na bumihag sa kanya.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now