ISY30.

28K 613 17
                                    

Kanina pa siya tulala habang nakatitig sa kawalan. At patuloy lamang ang paglandas ng luha sa kanyang pisngi. Masakit na masakit ang puso niya. Parang pinipiga iyon sa sobrang sakit.

Napangiti siya ng mapait nang maalala ang lahat ng pinagdaanan niya nung una palang siyang masaktan sa pag-ibig. Is she going to experience it again? Paulit-ulit nalang ba siyang iiyak at magmomove-on? Ilang taon na naman kaya ang gugugulin niya para doon? Napatitig siya sa katabing cell phone na kanina pa tumutunog. Napailing siya nang makita ang pangalan ng boyfriend doon.

Oh no! Ex-boyfriend na nga pala.

Napahiga siya at niyakap ang unan ng mahigpit na parang maiibsan noon ang lahat ng pighati na kasalukuyan niyang nararamdaman. She heaved a deep sigh. Namiss niya tuloy ang mama niya. And that brought her to tears again. Parang tangang buong maghapon lang siyang umiyak. Kung hindi pa tumunog ang tiyan niya ay wala pa sana siyang planong gumalaw-galaw. Napangiwi siya nang maalalang hindi pa pala siya nakakapananghalian. Mamaya magka-ulcer pa siya dahil sa pesteng heartbreak. Not good. Mabawasan pa ang iniipon niyang pera.

Pahinamad na naupo siya sa kama at binuksan ang cellphone niya. Ang daming missed calls at text messages galing sa ex niya,kay Zeke at kay Margareth. Nireplayan niya lang ang dalawang kaibigan at agad din iyong pinatay. Gusto niya munang mapag-isa at makapag-isip ng mabuti. Sa tingin nga niya wala nang laman ang utak niya sa sobrang pag-iisip. Pati ba naman utak mawawala sa kanya? Nakakaloka.

Inayos niya ang sarili at nang makontento ay agad siyang lumabas bitbit ang kanyang cellphone at purse. Ngunit dagli siyang napatda nang masulyapan niya ang isang taong nakayuko habang nakaupo sa tabi ng pinto niya. Her heart suddenly ached the sight of him. Gusto na naman tuloy lumabas ng mahaderang mga luha niya.Biglang nag-angat ito ng tingin na ikinapitlag niya. Agad na nag-iwas siya ng tingin at napalunok.

"Baby." Paos ang boses na saad nito. Napabalik ang tingin niya dito. Malungkot ang mga mata nito at puno ng pagsusumamo habang nakatitig sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Aniya sa matigas na boses. Napaatras siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya. Agad siya nitong niyakap habang umiiyak sa balikat niya. She stood on her own feet as she heard him whimpered. Kagat-labing napatingala siya. Gusto niyang matawa nang makakita ng dalawang magkatabing butiki sa kisame. Mabuti pa ang butiki mukhang may forever.

"Plea-se,please. Let's talk,baby. Hear me out, please?" May halong garalgal pa ang boses na saad nito habang yakap-yakap parin siya. Pinilit niyang kumawala sa mahigpit na pagkakayakap nito. Tinitigan niya ito ng seryoso.

"Anong gusto mong sabihin, Brian? Na pinaglaruan mo ako? Na may pinangakuan kana pala ng kasal? Na nainlove ka sa ibang babae? Dahil kung yan lang pala ang sasabihin mo. No need. Alam na alam ko na iyan. Just save your breath to other things. Don't bother explain yourself to me. It's not your entire fault anyway. Kasalanan ko dahil sa pangalawang pagkakataon nabilog mo na naman ako.Tatanga-tanga naman kasi ako." Aniya habang napapailing. Her chests hurt. "Ano? Ano na naman ang pinagpustahan niyo? Bahay at lupa ba? Isang malaking kompanya? Ano? Sagutin mo ako?!" Mahabang litanya niya sa harap nito. Tinampal niya ang dibdib nito dahil nakatitig lang ito na parang tanga sa mukha niya. Nagsilaglagan ang mga luha nito sa pisngi ngunit wala siyang maramdamang awa para dito. Galit na galit siya at gusto niyang saktan ang pagmumukha nito.

"Sagutin mo ako, Brian?! Ano?! Pipi kana ba? Iiyak-iyak ka sa harapan ko! Ano?!" Natawa siya ng malakas ng umiling lang ito sa kanya. Ni hindi niya pinansin ang mga tsisimoso at tsismosang nakapaligid sa kanila. Buong lakas na sinampal niya ito na ikinasinghap ng mga tao sa palibot nila.

"Fuck you, Brian! I hate you! Sagad. Sagad na sagad."

"I'm really sorry, baby. But please, I need you to hear me out. Give me another chance, please?" Tinampal niya ang kamay nito na humawak sa pisngi niya. Tinitigan niya ito ng nakamamatay.

"A chance?" Pagak na tumawa siya dito. Agad na bumalatay ang sakit sa mga nito but she couldn't care less. Ito na ang number one sa hate list niya.

"I already gave you your chance,Brian. Ilang pa bang chance ang gusto mo?Third chance? Fourth chance? Hah! Manigas ka dahil hindi ko ibibigay yun sayo!" Aniya at agad na tinalikuran ito ngunit napabalik siya dito nang bigla siya nitong higitin.

"Bitawan mo ako,Dela Vega!"

"No."

"Bibitawan mo ako o babayagan kita?" Pananakot niya pa na ikinailing lang nito. Hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya bago dinampian ng halik ang mga daliri niya. It could have been a sweet gesture kung hindi lang siya nito ginawang tanga.

"Let go of my hand, Brian Dela Vega! Huwag mong hintayin na kamuhian na talaga kita."

Agad naman na binitiwan nito ang mga kamay niya. Puno ng takot ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. He looked exhausted and wasted but she doesn't care. Nawalan na siya ng paki. Agad na naglakad siya palayo habang pilit na kinakalma ang mabilis na tibok ng kanyang puso.




She's on her way to the nearest restaurant when she felt someone walking behind her. Kunot-noong binalingan niya ng tingin ang kanyang likuran. Wala namang sumusunod sa kanya. Guni-guni niya lang siguro. Ngunit ilang tapak palang ang ginawa niya nang maramdaman niya namang may sumusunod talaga sa kanya.

"Lumabas kana." Aniya habang hinihintay na lumabas ang taong sumusunod sa kanya. Napapakamot ang ulong lumabas ito mula sa isang puno.

"Anong ginagawa mo? You're playing stalker now?"

"I'm sorry. Did I scare you, baby?"

"Tigilan mo ako sa kakababy mo, Brian! Bumalik kana doon sa totoong baby mo! Pwede ba?" Hindi mapigilang singhal niya sa mukha nito.

"Ikaw lang ang baby ko, Belice. Sa iyo lang ako babalik."

"Hah! As if maniniwala pa ako sayo!" Ismid niya at nagpatuloy na sa kanyang paglalakad.

Kagat-labing pumasok siya sa isang restaurant at tinanguan lang ang lalalaking attendant. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Wala pa gaanong tao dahil masyado pang maaga para sa dinner. Pinili niyang maupo sa bandang gilid at nagtawag ng waiter.

"Good evening! What's your order, ma'am? " Anang waiter habang malaki ang ngiti sa harap niya. Napangiti nadin tuloy siya. The guy's a looker. He's a bit chinky. Nagagandahan siya sa mga mata nito.

"I'll take grilled pork, boneless bangus and a glass of pineapple juice, please? Dagdagan mo narin ng rice. Thank you!"
Inulit nito ang kanyang order at agad na tumalikod nadin para asikasuhin iyon.

Napasulyap siya kay Brian na naupo sa isang mesa di kalayuan sa kanya. Nakaharap ito sa kanya kaya hindi niya maiwasang mapairap dito nang magtagpo ang paningin nila. Tss. Antipatiko!

Agad na nginitian niya ang cute na waiter nang inilapag nito ang order niya sa kanyang mesa. She mouthed her thanks to him. Ngunit dagling nabura ang ngiti niya nang hindi sinasadyang mapasulyap siya sa pwesto nito. Madilim ang mukhang nakasunod ang tingin nito sa waiter na kangitian niya kanina. Her mouth hanged open when he called one of the waitress. Namutla ang mukha nito kung kaya hindi niya maiwasang kabahan lalo na ng dali-daling naglakad palapit sa pwesto nito ang babaeng manager.

Shit! No! Not again, Dela Vega!

Napatayo siya nang namumutlang lumapit din ang kaninang waiter na kausap niya. Galit na nagmartsa siya palapit doon at walang babalang hinila ito papunta sa mesa niya.

"What do you think are you doing,Brian?!" Aniya habang pinipigilan ang sariling sumigaw. "Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko?"

"Wala akong ginagawang masama,baby.Kumakain lang ako doon."Anito sa seryosong boses. Nakangising pinitik niya ang noo nito na ikinasimangot naman nito.

"Lokohin mo ang lelong mong panot,Brian. I'm warning you! Umayos ka!"

"Yes, ma'am!" Parang batang sumaludo pa ito na ikinanguso niya. Ang gago talaga! Kainis! Bwisit! Napapailing na bumalik nalang siya sa kanyang upuan at kumain na. Hinayaan niya itong maupo sa harapan niya at sumabay sa pagkain niya. Pagod na siyang makipag-usap dito. Bahala ito sa buhay nito.

I SEE YOUWhere stories live. Discover now