16: FIRST AND PROBABILITY

9.2K 211 29
                                    

^Grethel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Grethel

Mahal ko si Chichoo kaya medyo nagi-guilty akong magtrashtalk kay Grethel. Pero no worries, bibigyan ko ng hustisya ang character niya. Gagawa ako ng sarili niyang story :) Soon.


****

Chapter 16 — First and Probability

Jazzella's Point Of View

Ang init!

Nandito ako sa gate ng school. Ngayon ang first photoshoot namin at ang usapan ay 1:00pm ay magkikita kaming lahat sa labas ng campus.. Malapit nang mag alas-dos wala pa rin ang anino ng gurong yon.

Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay dahil pinagpawisan na ako. "Potek, nasaan na ba si ma'am Kazzi?" reklamo ko.

"Malay din namin." sagot ni Kelly na nakupo sa bench. Magkatabi sila ni Hanz, magkatabi rin si Mayka at yung Jayzee. Edi ako na forever alone.

Si Neil, nakikipagusap kay Mico at Markhel tungkol sa team nila habang katabi niya si Suzy na kinakausap rin si Grethel. Si Rhea at Aljo naman ay nagbibiruan. Si Jeff at Ryce ay may sariling mundo. Si Stacey at Bubbles, magkatabi rin pero hindi naman nag-uusap, busy sila sa sariling phone.

Nakatayo lang ako dito sa gilid habang hinihintay ang pabebeng guro na yun. Ang usapan ay magkikita kami sa harap ng gate, pero nasaan na siya?!

"Relaks ka lang gurl, darating din yun. Alam mo namang may jowa yun." ani Bubbles nang hindi nakatingin. Inayos ko ang wayfarer ko at sinuklay ang buhok kong pinalid ng hangin.

"Ang init-init. Hindi ako makakarelax."

"Jazz," tinapik ako ni Mayka sa braso nang tumayo si Jayzee para tumabi kay Neil at Markhel. Lumingon ako sa kaibigan ko kaya tinuro niya ang direksyon ng dalawa naming kasamang lalaki na nag-uusap. "Ang gwapo ni Jeff noh?" she giggled to herself.

My eyes twitched. Kakaalis lang ng boyfriend niya sa kanyang tabi, naghahanap kaagad siya ng ibang lalaki. Minsan hindi ko talaga nababasa ang utak ng babaeng to. Sinaktan na't lahat, hindi pa rin tumitigil sa pag-asa sa lalaking yun.

"Good afternoon!" Muntik ko na siyang sabunutan nung lumapit siya sa amin na may malaking ngiti sa mukha. Masayang-masaya talaga siya na na-late siya noh?

"Ma'am! Dumating ka pa?" usal ni Rhea na naiinis rin sa pagiging huli ni teacher.

"Ano ka ba naman!" aniya. "Sinabi ko nang wag niyo akong tawaging ma'am or teacher diba? Kazzi na lang." Hindi pa rin nawala sa mukha niya ang maaliwalas niyang ngiti kaya lalo akong nainis. Hindi man lang niya napansin na halos pumiti na ang mata namin sa kakahintay sa kanya!

"Oh if you insist! Tara na Kazzi! Bandila na." ani Jayzee at inakbayan pa siya. Siniko naman siya ni Kazzi sa tiyan kaya napabitaw siya at dumaing.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon