46: SUZY

175 5 0
                                    



^Suzy Aquino heart heart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Suzy Aquino heart heart.

****

Chapter 46 — Suzy

Hanz's Point Of View

Nang lumabas na ang lahat para maligo sa dagat ay kaagad akong lumapit kay Jazz. Nakatulala lang siya habang naglalakad papunta sa exit.

"Jazz!" tawag ko pero hindi siya lumingon. Mas lumapit pa ako sa kanya, baka hindi niya ako nadinig. "Jazzella." Tawag ko ulit pero hindi pa rin niya ako pinansin.

Ano bang problema niya?

Hinigit ko siya sa braso. "Teka nga!"

Nagulat siya nang makita ako pero kaagad kumunot ang kanyang noo.

"Bakit?"

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako nilingon." I stated. Umirap lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ang sungit niya talaga kahit kailan. Buti pa si Kelly bumabait ng konti.

"Hindi kita narinig." Sagot niya. Bingi na pala siya? "Ano nga kasi?"

"Hindi mo ginawa ang sinabi ko." I said. Tumigil siya sa paglalakad tsaka napatampal sa noo.

Nakalimutan niya nga!

"Please help me, Jazzella." I pleaded.

Tinitigan niya ako. Pagkatapos ay napabuntong hininga siya.

"Anong gusto mong gawin ko?" sabi niya na para bang wala na siyang ibang choice.

Napangiti ako. Yes! Pumayag na siya. Pero... ano nga bang magandang gagawin? Paano nga ba sumuyo ng babae? Hindi naman sinabi nila kuya sa akin. Baka si Jazz, may alam siya since babae siya.

"Don't tell me wala kang plano?" naiiritang tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko para hindi makita ang masama niyang tingin.

Nakakatakot nga siya. Kaya siguro napa-under niya sa Mico. Tsk kawawa yun kapag maging girlfriend niya si Jazz. Hindi niya mapapaamo to.

"Ano bes hindi ba tayo magkikibuan dito?"

Bumalik ako sa ulirat ng nagsalita siya. Fvck ano nga ba ang dapat kong gawin?

"Ano ba sa tingin mo ang magandang gawin para mawala ang galit ni Kelly?" tanong ko.

"Ay ganun? Ako pa ang mag-iisip ng plano para magkabalikan kayo? Galing niyo rin eh noh? Una si Jeff. Tapos ikaw? So tulay-tulayan ako? Hindi niyo ba naiisip na nakakapagod rin tong ginagawa ko?" mabilis niyang sabi. Ngumiwi ako.

"Tsk, ang sabihin mo bitter ka kasi wala kang boyfriend."

Sinamaan niya ako ng tingin kaya nag-iwas ulit ako. Nakakatakot talaga. Hindi ba natatakot si Mico sa kanya?

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon