42: MY BOYFRIEND

194 5 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


^Jeff Maravilla

Ang gwapo syet makalaglag panty.

****

Chapter 42 — My Boyfriend


Jazzella's Point Of View

"Jazzella," tawag ni Mico sa akin nang akma akong susunod kay Mayka at Jayzee. Nakaalis na ang lahat pwera sa kanya. "Pwede bang humingi ng favor?"

Inuutusan niya ang iba pero pag dating sa akin ay favor lang?

"Ano yun?" tanong ko sabay lahad ng water bottle niya. Kinuha niya ito.

"I was thinking if maybe..." sabay kamot niya ng batok. Pansin kong iyon ang mannerism niya kapag nahihiya. "Maybe you could sing with us later? For the second time?"

Mamaya ulit? Kakanta na naman ako kasama si Mico at ang members ng D'Lads? Hindi ko alam kung bakit bigla akong na-excite gayong nung una akong kumanta kasama sila ay kabadong kabado ako.

Ngumiti ako sa kanya. "Sure."

Natulala siya nang tumingin sa akin at nakatitig sa mukha ko kaya kumunot ang noo ko. "A-Ah, sige... Magpractice tayo ngayon, okay lang ba?" tanong niya.

"Sige." Ngumiti siya bago tumakbo palayo. "Teka, saan ka pupunta?"

"Kukunin ko lang yung guitar. Babalik kaagad ako." Aniya nang makalayo. Wala akong nagawa kundi ang umupo ulit kung saan ako nakapwesto kanina, katabi ang bag niya.

Matatagalan pa yatang bumalik si Mico kaya ngumisi ako. Binuksan ko ang bag niya, konti lang ang nasa loob nito. May extra t-shirt na red, tubig, Gatorade, sapatos, yung phone niya, puting at snapback. Naalala kong nakapaa lang pala siya habang tumakbo sa hotel.

May naaninag akong itim na wallet kaya kinuha ko ito. Ngumisi ako nang mapansin makapal ito dahil sa laman.

Nang binuksan ko ito ay ang una kong napansin ay ang puro yellow, bluegreen, at violet na bills. Mayaman talaga pero hindi marunong magbudget. Tama bang magdala ng maraming pera? Paano kung ma-hold up siya? Edi ubos kaagad?

Natigilan ako nang mapansin ko ang dalawang picture na nasa gilid. Picture nilang dalawa ni Mayka noong bata pa sila, nakaakbay si Mico sa kanya at magkasingtangkad pa.

True, chubby nga si Mayka noon at naka-pigtails pa ang buhok. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang itsura ni Mico noon, malayong malayo sa porma niya ngayon.

Mahaba at nakababa ang buhok niyang itim at may eyeglasses siyang malaki at bilog. Malaki ang ngiti niya kaya kita ang pagiging kulang ng ngipin niya sa gitna at hindi pa ito pantay.

Sa isang picture ay ang latest, probably kinuha last month. Ginaya nila ang pose nung picture na bata pa sila.

Nakaakbay ulit si Mico kay Mayka pero this time, hanggang baba na lang ang babae. Malaki ulit ang ngiti ni Mico pero nahiya na siguro ang ruler dahil sa pantay at puti ng kanyang mga ngipin. Nakataas na ang kanyang buhok at maaliwalas tignan ang mukha dahil wala na siyang salamin.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon