22: HUMAN AUCTION

442 8 1
                                    


^Jayzee Salvador

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Jayzee Salvador

****

Chapter 22 — Human Auction

Jazzella's Point Of View

Nang makarating sa isang room sa backstage ay nakita ko ang ibang clubmates ko. Si Hanz, Kelly at Mayka ay nandito na rin. Si Neil at Jayzee ay nag-uusap habang naka-kabit na naman ang unggoy niyang girlfriend sa kanyang braso.

Magkasama naman si Markhel, Jeff, Al, Ryce, at Jayzee habang nag-uusap tungkol sa basketball game. Si Bubbles, Rhea, Grethel, at Stacey ay may sariling mundo rin.

Lumingon si Neil sa amin nang sinara ang pinto at kumunot ang noo niya nang makita ang kasama ko.

Nag-iwas ako ng tingin at iniwan si Mico sa entrance tsaka nilapitan ang dalawa kong kaibigan. "Anong meron?" I asked.

"Malay rin namin." Sagot ni Mayka. Lumingon ako kay Kelly pero nagkibit balikat lang rin siya.

Natahimik ang lahat nang pumasok sa kwarto si teacher Kazzi. Isa-isa niya kaming tinignan na parang nagbibilang. Nang malamang kumpleto kami ay tumango-tango siya sa sarili at lumabas na walang sinabi.

Nagtinginan kaming tatlo at sabay na nagkibit balikat. Nagtaka naman ang dalawa naming kasamang lalaki.

"Walang sinabi si Kazzi sayo, Mics?" tanong ni Hanz sa kanya. Tignan mo to, kung maka-Kazzi, parang hindi namin siya teacher. Sabagay, siya na rin ang nagsabi na wag na namin siyang i-address ng ganun kasi nakaka-tanda daw.

"Wala naman." Sagot niya.

Ilang minuto kaming nag-uusap nang marinig namin ang boses ni teacher Kazzi mula sa mga speakers. "Good evening, students of Xaris University."

Sabay sabay kaming nagreact dahil alam naming may gagawin na naman kaming labag sa aming loob. I have a bad feeling about this. Tuwing may gagawin siyang walang pasabi at may kinalaman kami, hindi ko mapigilang kabahan. Ano kaya ang gagawin namin this time?

"I hope you're having a good time." Sabi niya. "Because tonight, we will be having a last-minute, special event for you from the Xaris Student Council and yours truly, the Model's."

Yup, bad feeling it is.

Lumingon kaming lahat nang biglang um-on ang tv na nasa pader. Nakita namin ang mukha ng club holder namin habang nagsasalita sa gitna ng stage at may hawak na microphone.

Wow, she's unusually sexy right now. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. She's in her dark red long dress. The dress has a thigh-high slit and low neck kaya nasisilayan namin ang cleavage niya. And to make everything sexier, her pouty lips are covered in vampire red matte lipstick.

She's really alluring tonight. What comes to her mind? Maybe she has a goal, maybe she's seducing someone. Nandito siguro ang boyfriend niya.

Her outfits are mostly formal kapag nasa school kami. She's bubbly and optimistic kaya seeing this unordinary sight, it made me marveled.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon