39: LOVER'S QUARREL

247 7 0
                                    

        ^Kelly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Kelly

Chapter 39

Kelly's Point Of View

"Why aren't you touching your food?" tanong ng lalaki na nasa harap ko.

I raise my gaze only to find him looking at me. Kaagad akong yumuko ulit. "Ah... Busog ako."

"Hindi ka nagbreakfast kanina." He stated. I hauled up again to catch his eyes full of worry. He lifted his hand and touched my hair gently as he tucked a strand behind my ear. "Is something wrong?"

Maamo ang mukha niya habang tinanong niya yun pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang ginawa niya sa akin kagabi. How can he ask me if something is not right when he clearly knew there is? Nagbubulag-bulagan ba siya o sadyang ayaw niya lang na malaman ko ang tungkol doon?

Although I like the feeling of his touch, marahan kong inilayo ang ulo ko mula sa kamay niya at umiling.

"Wala." I muttered coldly. Gusto kong malaman niya may mali siyang ginawa kahit na hindi ko na kailangang ibanggit sa kanya.

I don't care if I'm being spoiled or whiney. He lied to me, and he needs to realize that on his own since it is his fault. He has to figure everything out if he doesn't want to be mistaken.

Ala-una ng hapon natapos ang photoshoot kanina. Hindi na ulit ako lumabas ng kwarto pagkatapos kong magtanghalian. Buong araw akong nagmukmok dito sa loob. Inaya pa nga ako ni Jazz na maligo sa dagat kanina pero hindi ako pumayag habang si Mayka naman ay tinatamad gumala. In the end, dito nalang kami sa kwarto tumambay. Hindi naman kami nag-uusap kasi abala silang dalawa sa phone nila.

Ewan ko ba pero wala akong gana ngayong araw. Kumain naman ako ng marami, hindi ako nilalagnat o ano, at hindi rin ako dinadalaw. Sadyang wala lang talaga ako sa mood maglaro. Minsan kinakausap ako ng dalawa pero 'oo' at 'hindi' lang madalas kong sinasagot.

I'm kind of bothered at what I witnessed last night.

I caught them talking in secret. Why do they have to see each other furtively? Pwede naman silang mag-usap sa harap ko kasi hindi ko naman kakainin ng buhay si Cheska kapag nangyari yun. Although I'll btch the hell out of her, I still wouldn't dare touch her. Just like what Jazz mentioned to me, she's fragile and easily broken. Yung parang isang salita ko lang sa kanya ay magbe-breakdown siya kaagad.

And why does Hanz have to hide that? Why does he have to lie? Lalo na't alam niyang ayaw ko sa mga sinungaling. I told him that several times, nakalimutan niya ba o hindi siya nakinig sa akin nung sinabi ko yun sa kanya. But that doesn't change the fact that he lied in front of my face.

Tapos kanina ang lakas ng loob niyang makipagharutan kay Bubbles na para bang wala lang sa kanya na nagsinungaling siya sa akin. It's like he's not even guilty. Na parang wala lang sa kanyang konsenya.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon