32: FINALS

214 7 0
                                    

Chapter 32

Jazzella's Point Of View

Tuluyan nang napuno ang gym pagsapit ng 2:30 pm. Malapit nang magsisimula ang game kaya medyo kinakabahan na ang Underdogs. Ang captain nilang si Jeff ay kalmado lang pero halatang nag-alala sa outcome ng game nila, lalo na't first finals niya to as the team captain.

Jeff is standing beside their young coach, helping him monitor for flaws. Neil and Markhel are talking, planning for some strategies. Mico was alone at the corner near the entrance, stretching his left arm sideward.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nagtaka siya nang makita ako sa tabi niya. "Oh? May kailangan ka?" tanong niya.

Umiling ako at tahimik na nanood ulit sa paligid. Naghihintay ako ng tamang timing para sabihin sa kanya ang gusto niyang marinig. Nakakahiya, pero wala akong maggawa. Kung pwede nga ay magtago ako buong maghapon para hindi siya makita.

I cleared my throat and looked elsewhere. "Good luck." I mumbled, not sure if he heard it.

Natigil siya sa pagstretch ng baywang niya tsaka lumingon sa akin na parang nagulat. Kalaunan ay nakita ko ang ngisi mula sa labi niya at tumawa ng mahina. Oh, he heard it, okay.

"Yun na yun?" Nakangiting reklamo niya. Kumunot ang noo ko, demanding ha? Sisitain ko sana siya nang bigla niyang nilapit ang pisngi niya sa akin habang nakapikit.

What the fvck? Siraulo yata to eh.

"Whoo!" narinig kong sigaw ng mga kasama namin kaya lumingon ako sa kanila. Binuksan rin ni Mico ang mata niya habang may ngiti pa rin sa labi. "Kiss na yan!"

A sigh of irritation left my mouth and glared at Mico who's actually amused by their teases.

"Jazz! Halikan mo na yan!" asar pa nila kaya sinamaan ko sila ng tingin. Mga loko loko talaga.

"Hoy." Tawag ko kay Mico kaya lumingon siya sa akin. Napaatras ako nang mapansin kong ang lapit ng mukha niya sa akin, kaya kaagad ko siyang pinakyuhan sa harap ng mukha niya. "Hindi ka sinuswerte brad."

Natawa siya sa ginawa ko, maging yung mga kasama namin maliban kay Suzy at Neil na nanatiling walang emosyon sa mukha.

"Ang harsh mo, Jazz!" sigaw ni Bubbles sa akin na sinangayunan naman ng iba.

Nag-iwas nalang ako ng tingin at humarap kay Mico na nakangisi. "Anyway, dapat manalo kayo. Kung hindi malalagot ka sa akin."

Tinaasan niya ako ng kilay. "May reward ba ako?"

I crossed my arms over my chest and eyed him. "Malamang, trophy."

Tumawa lang siya ng marahan at nagpatuloy sa pagstretching. Hindi na rin ako nagsalita at pinagmasdan ang paligid. Natuon ang paningin ko kay Neil na nakikipag-usap kay Markhel.

Noon, dito ako tumatambay tuwing nagpa-practice ng basketball si Neil at iba niyang ka-team. Every time he shoots the ball, he will look for me and wink or blow flying kisses, and I think that's cute.

Dito ko siya hinihintay at tsaka niya ako ihahatid sa condo ko. Minsan nga doon siya natutulog, pero magkaiba kami ng kwarto.

"Neil!" tawag ng ka-team niya sa loob ng gym.

"Oh?" narinig ko ang boses niya mula sa malayo kaya napangiti ako kahit hindi ko alam kung bakit. Ganito ba basta in love?

"May naghahanap sayo!" sagot niya at tinuro ako na nandito sa labas. Nakita kong sumulyap si Neil dito sa entrance at nang makita ako ay ngumiti siya ng malawak at kumaway habang hawak ang basketball.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon