15: BOY HUNT

9.5K 227 53
                                    


^Kelliah

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Kelliah

****

Chapter 15 — Boy Hunt


Kelly's Point Of View

"Bitawan mo nga ako! Para kang tuko!" bulyaw ko sa papansing si Hanz. Hindi siya natinag at nanatili lamang ang ngiti niyang kinaiinisan ko.

"Saan nga tayo?" tanong na naman niya. Inirapan ko siya at hindi pinansin. Winakli ko ang braso kong kanina niya pa kinakalabit at naunang naglakad.

I heard him sigh then ran to keep up with my pacing. "Tara? Doon na lang tayo sa bahay? Mukhang wala ka namang plano."

Napatigil ako sa paglalakad at napa-awang ang bibig. Hindi pa man ako makapag-react, hinila na niya ako tumakbo kami papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.

He opened it for me para makapasok ako. I looked at him, confuse. "Hindi bagay sayo." I stated as I stare at him.

"Ang ano?"

"Maging gentleman." Ako na ang nagsarado ng pinto. Dali-dali naman siyang naglakad papunta sa driver's seat.

"Ya think?" he smirked sheepishly. "Sorry naman, first time na may babaeng pumasok dito eh. Seat belt."

"Weh?" Inayos ko muna ang seat belt ko bago tumingin sa kanya. "Maniwala tanga."

"Ewan ko sayo." Ngumiti siya at umiling, tsaka nagdrive paalis.

"Marunong ka palang magdrive?" tanong ko pagkaraan. Tumango lang siya at nagkibit ng balikat. "17 ka palang diba?"

"I have my connections." Sabay ngisi niya.

Tahimik ang byahe papunta sa bahay niya. Tinatanong niya ako minsan kung kamusta ako, anong nangyari sa akin sa loob ng isang taon, at mga walang silbing tanong na sinasagot ko naman. Kinamusta ko rin siya. Kung ilan na ang binuntis niya, ilan na ang lalaking anak niya, at iba pa na hindi niya sinasagot ng maayos.

"Girlfriends shouldn't ask these questions." aniya nang hindi pa rin ako tumitigil. "You'll get hurt."

Ngumiwi ako. "Asa, fren." Ang hangin ng lalaking to.

Nang makarating kami sa bahay nila, pinapasok niya kaagad ako. First time kong makapasok sa bahay kaklase ko, partida sa isang lalaki pa. Malaki ang bahay nila at modern ang design. The living room is mostly in white, beige, and brown and it's pleasing to the eyes.

Dumiretso kami sa living room. "Manang, pahanda po ng snacks." tawag niya sa isang matandang babaeng naglilinis sa may hagdanan.

"Oh, nandito ka na pala hi... jo... At may kasama ka pala. Oh sya, sandali lang. Maghahanda ako." Dali-daling umalis yung babaeng hula ko ay nasa early 50s pa.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon