41: PATINTERO

173 7 0
                                    

^Bubbles Sandoval

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Bubbles Sandoval

Ganda niya noh? Wag kayong tumabi sa kanya. My second update as a legal person.

****


Chapter 41 — Patintero


Mayka Kate's Point Of View

From: Jazzella
Nandito ako sa dagat malapit sa cottage. Samahan mo ako.

Kumunot ang noo ko sa text niya. Kaya pala hindi bumalik sa kwarto. Naglalakwatsa.

Sinuot ko muna ang aking gray cardigan bago pumunta sa dagat.

Natigilan ako nang iba ang nadatnan ko. Hindi si Jazz ang nandoon.

Si Jeff.

Nanlaki ang mga mata ko at tumalikod. Anong ginagawa niya dito? Nasaan ba si Jazz? Mag-isa lang si Jeff doon at nakatalikod mula sa akin kaya hindi niya pa ako nakita.

Lalapitan ko ba siya at babatiin? Tatanungin kung anong ginawa niya doon para makapagsimula kaming ng conversation? Ano ba ang dapat kong gawin? Gusto ko siyang kausapin pero nahihiya akong mag-approach sa kanya.

Ilang beses niya akong tinext, gusto niya raw akong makasabay ulit. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero gusto kong maging magkaibigan ulit kami.

Kailangan ko siyang makausap. Mamaya ko na hahanapin si Jazz.

"Kate..." ramdam ko ang paninindig ng mga balahibo ko nang marinig ko ang mababa niyang boses. Eto na! Siya ang tumawag sa akin!

Inayos ko muna ang bangs ko bago dahan dahang hinarap siya. Nagkunwari akong nabigla.

"Oh, J-Jeff! Nandito ka pala." Tapos tumawa ako ng peke. Napaka-awkward!

Siguro iniisip niyang abnormal ako.

Ngumiti siya.

Shet, ang gwapo niya talaga! Kaya nga crush ko siya. Mas lalo siyang gumwapo ngayon kumpara noon. Mas mahaba na ang kanyang buhok at naging mas malaman ang kanyang braso dahil sa muscles.

"Actually," aniya at nagkamot ng batok. "Ako yung nagpatawag sayo dito."

Natigilan ako. "Ha?"

"Gusto kitang makausap simula nung nakabalik kayo rito pero I never got the chance. Hindi ka rin nagre-reply sa mga text ko." Wika niya at yumuko.

Matangkad siya. Sobrang tangkad niya habang ako'y nasa 5'5 lang. Tumingala ako para tumingin sa kanyang mukha pero ang nakita ko lang ay yung mala-anghel niyang ngiti at mukha pa siyang nag-g-glow dahil sa moonlight. Idagdag niyo sa image ang puti niyang shirt.

Nag-iwas ako ng tingin.

"N-Nag-change number ako." Pagsisinungaling ko. Na-receive ko lahat ng text niya pero hindi lang ako nagre-reply.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon