21: ACQUAINTANCE PARTY

1.4K 32 10
                                    


^Mico and Hanz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Mico and Hanz

Sinong mas mesherep? Hindi ka makapili noh?

****

Chapter 21 — Acquaintance Party


Jazzella's Point Of View

"Jazzella naman! Alam mo namang ayaw kong mamasyal dito!" reklamo ni Jeff nang makarating kami sa loob ng mall. Kanina pa to maingay. Ang sarap isako.

Nasa entrance pa lang kami, pinagtitinginan na kami ng mga tao. Hindi ko alam kug head turner ba kami o sadyang maingay lang ang kasama ko.

"Sorry ha? Close tayo?" Malay ko bang ayaw niyang magshopping. Siya yung nagpresentang sumama sa akin, tapos ako pa ang masama? Jusq.

"Eh kasi naman eh! Hindi ko ba nasabi sayo?" huminto sa paglalakad. Agad ko namang hinawakan ang pulso niya at tsaka hinila ulit. "Na tuwing pumupunta ako ng mall, pinagtitinginan ako ng mga babae?"

Ginulo pa niya ang buhok niya sabay ngisi. Ang hangin naman niya. Porket gwapo at maganda ang katawan, pwede na niyang ipagmayabang?

Tinignan ko siya ng masama. "Isa pa Jeff, baka gusto mong itapon kita sa basurahan."

Aangal pa sana siya nang pinandilatan ko siya ng mata. Para tuloy kaming mag-ina. Mabuti na lang at nadala siya sa sindak.

"Jazzics?" basa niya sa sign at tumingin sa akin. "Ikaw pala ang may-ari ng Jazzics? Bakit hindi ko yun naisip."

Umiling ako. "It's just under my name but it's not mine. It's my mom's."

"Pero ikaw ang nagde-design? Ang ganda kaya ng mga damit dyan. Bumibili nga ako minsan eh." Aniya habang nakakanganga.

"Yung iba lang ang gawa ko."

Pumasok kaming dalawa. Lumingon ako sa entrance kung saan ko iniwan si Jeff, baka takasan niya ako. Nakita kong nakatayo siya malapit sa window at nakatingin sa isang malaking poster.

Lumapit ako sa kanya tsaka ko siya siniko ng mahina. "Ganda noh?" asar ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng konti habang nakatitig pa rin sa poster.

"Sobra." sagot niya at mas lumapad ngiti niya. Napairap na lang ako. Ang corny niya. Akala ko mahihiya siya.

"Kinilig ka naman?" I asked him with a hint of irritation. Nakakaloka to. Tinulak ko siya ng mahina sa braso tsaka lumayo sa kanya.

"Aray!" Kanina ko pa napansin na ang OA niya. "Bakit? Maganda naman talaga si Kate ah!" inis niyang wika sa akin at sumabay ako sa paglalakad.

"Sinabi ko bang hindi? Tumahimik ka nga, ang daldal mo."

Poster ni Mayka yung tinitigan niya. Ginawa ko siyang model ng apparel ko for fun, silang dalawa ni Kelly. Pumayag naman sila kasi trip daw nila.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon