27: ONE WORD FROM YOU

276 6 0
                                    


Chapter 27

Jazzella's Point Of View

Naglalakad ako sa corridor ng mag-isa nang mapansin ko si Mico sa lobby, malapit sa mini pond ng garden, at may kausap na babae na sa tingin ko ay junior high pa lamang.

"The thing is," narinig kong sabi ng babae nang dumaan ako malapit sa kanila. Balewalang nakikinig lang ang kausap niya habang nakapamulsa at mukhang naiinip na. "I like you."

I stopped on my tracks to listen further. Was that a confession? May nagkakagusto pala sa tukong to? Sabagay, nung acquaintance party nga ay maraming nagtitilian sa kanila.

Tumango si Mico pero nang makita ako ay kaagad na sumilay sa labi niya ang napaka-mahal niyang ngiti at kumaway sa akin. Lumingon rin yung kausap niya at nanlaki ang mga mata nang makita ako. Wala naman akong ginawa ah, bakit mukha siyang nagulat?

"I already told you all that I like someone else. Please understand." He rejected politely and patted the girls head. "Makakahanap ka rin ng taong para sayo."

Nauna akong maglakad nang makita kong iniwan niya yung babaeng naluluha at nilapitan ako tsaka binati na may malaking ngiti sa mukha. "Magandang umaga, Jazzella."

"Good morning din." Matamlay kong sagot. Umagang-umaga dumidikit siya sa akin. Kaya nababawasan ang energy ko eh. May asungot na naman.

Wala na uling nagsalita sa amin. Nanatili akong tahimik, which is my usual self, habang nagha-hum siya ng kung anu-anong himig na pumapasok sa utak niya.

"Marami palang nagkakagusto sayo noh? Umaamin pa talaga ng harap-harapan." I started nang mapansin kong sinamahan niya pa rin ako papunta sa fourth floor kung nasaan ang classroom namin. Ang alam ko kasi ay nasa ground floor ang room ng 11B kaya as a form of gratitude dahil hinatid niya ako, kinausap ko na lang siya.

"Ay, ako pa?" pagmamayabang niya habang nasa unahan ko siya at nakaharap sa akin. Patalikod niyang hinahakbang ang hagdan at nakapamulsa habang may dala-dalang case ng guitar.

"Wow, gwapo mo ah." Sarkastikong pahayag ko at umirap sa kawalan.

"Ano pa nga ba?" he bragged again kaya natawa ako. Ginawa niya pa kasi yung pogi sign na laos na.

"Ewan ko sayo. Umalis ka na nga." Natatawang tinaboy ko siya nang makarating kami sa harap ng pinto.

"I'm glad I made you laugh this early in the morning." He stated while staring at my eyes. I suddenly felt conscious, baka may muta ako. "I like seeing you smile."

Lumunok ako ng sariling laway at kaagad na nag-iwas ng tingin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sometimes, I act aggressive towards him so he'll get shy. Kung masyado naman siyang straightforward sa akin, ako naman ang mauutal.

"Alis na nga sabi eh." I said coldly to hide the embarrassment. Nakangiti naman siyang umalis sa harap ko kaya lumapit ako sa nakangising si Mayka at tulirong Kelly para umupo.

"May taga-hatid sundo ka na pala. Hindi ako nainform." She teased kaya binatukan ko siya.

"Gaga. Nakita ko lang siya sa lobby. Don't get any funny ideas."

"Bes," tawag ni Kelly na ngayon lang ako kinausap at walang emosyong na tumingin sa akin. "Nakauwi na si daddy."

"Oh, so? Kailangan ba tayong magbunyi kasi nandito na si uncle Alec?" panundyo ni Mayka kaya sinamaan siya ng tingin ng isa.

"Eh kasi naman eh!" she whined after hitting Mayka's arm. "Gusto nilang ipakilala ko Varquez sa kanila."

Nilibot ko ang tingin sa paligid pero hindi ko mahanap si Hanz kaya bumaling ulit ako sa kausap namin. "Ano namang problema dun? Bakit ka nagmamaktol?"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon