34: ATTRACTION

227 6 0
                                    


Chapter 34

Jazzella's Point Of View

I was sitting alone at the canteen outside the gym when someone stood at my side. I looked up and saw a familiar girl with thick eyeglasses. Siya yung nasa gym noong monday, nung hinihintay ko si Neil na nagpapractice.

She smiled at me, her white teeth showing off. Tinanggal ko muna ang earphones tsaka ko siya pinakinggan.

"Hi." She greeted me. Hindi kaagad ako nakasagot kaya nagpatuloy siya, pinakita niya pa sa akin ang dala niyang tray. "Can I share a table with you?"

"Ah—" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Konti lang ang tao ngayon kaya maraming bakanteng lugar. Bakit siya makikiupo sa akin? Maybe she wants to ask something. Oh well, it's not like I mind. Besides, hindi ko naman pagmamay-ari ang canteen. "Sure." I smiled.

Niligpit ko muna ang mga libro na nakatambak sa harap ko para may space ang tray niya. Ngumiti ulit siya sa akin at nagpasalamat bago nagsimulang kumain. Pinabayaan ko lang siya sa ginagawa niya habang nagpatuloy ako sa pagta-type sa laptop ko. Hindi naman siya maingay kumain kaya hindi ako naabala.

What distract me is her stare. Kanina pa siya tapos kumain since konti lang ang dala niya, pero nasa harap ko pa rin siya at ramdam ko ang titig niya sa akin. Sinulyapan ko siya para masiguro kung sa akin nga ba siya nakatingin pero nung lumingon ako sa kanya ay nagulat ako, sa akin nga siya nakatitig. Ngumiti siya sa akin nang makita ang reaksyon ko, I only smiled awkwardly at her in return and fixed my attention at the laptop in front.

Sinubukan ko ulit sumulyap at napagtantong nakatitig pa rin siya sa akin kaya kaagad akong nag-iwas ng tingin.

"I'm Gwen." She suddenly introduced and held her hand out kaya natigil ako. I didn't see that coming. "Gwenyver dela Serna."

Oh! "Ikaw ba yung Gwen na kausap ni Neil nung nakaraang araw?" I asked, surprised, and reached for her hand to shake. "Ang editor-in-chief ng School Fortnightly?"

"Ah, binanggit niya pala ako sayo." She said. "Ikaw ang girlfriend niya diba? Si Jazzella Ramos."

I blushed. Konti palang ang nakakaalam sa relasyon namin ni Neil since hindi kami masyadong show-y sa public. Hindi kasi ako malambing kapag maraming nanonood, nakakahiya. Ayaw ko ng PDA since some stares are uncomfortable.

Madalas kaming magkasama ni Neil tuwing madilim na at wala na masyadong tao dahil iyon naman ang uwian namin, lalo na siya dahil gabi sila natatapos magtraining.

"Paano mo nalaman?" tanong ko para umiwas sa titig niya.

"I know most of this school's news. At nakita ko kayo noong lunes na magkasama." She answered simply. Oh... yeah. Nandoon nga pala siya.

Minulat ko ang mga mata ko para mawala iyon sa isip ko. I sighed.

Noong lunes pa nagsisimula ang intramurals pero di ako pumapasok. Mas gusto ko pang tumambay dito sa kwarto ko kahit mainit. May aircon naman pero pinaayos ko. Mag-iisang taon na yun dito sa condo pero ngayon palang yun pinalinis.

I'm just at my bed, lying while unconsciously staring at the ceiling. Wala akong ginawa ngayong araw pero bakit pagod ako? In fact, pagod ako the whole week.

Wala akong ibang ginawa kundi ang mag-internet, magbasa ng libro, kumain, at matulog. Hindi ako lumabas ng condo for 4 days since may stock naman ako ng pagkain, marunong akong magluto kahit tamad ako.

Hindi ko rin alam kung pumasok ba si Mayka at Kelly since hindi ko naman sila kinamusta. Palibhasa may boyfriends, may kasama. Sana hindi pa gumaling ang paa ni Jayzee, at sana rin busy si Hanz sa photography club. Para walang kasama ang dalawang yun.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon