40: NASASAKTAN AKO

210 6 0
                                    

        ^Hanz Varquez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Hanz Varquez

It's been three weeks since I last updated, so here you go :) Full of errors, pagpasensyahan na.

****


Chapter 40 — Nasasaktan Ako


Mayka's Point Of View

Alas siete ng gabi nang napadesisyonan namin ni Jazz na lumabas. Kanina pa namin tinatawagan si Kelly pero hindi niya sinasagot kaya nag-alala kami. Mabuti na lang at nagtext si kuya na nahanap na niya ang kaibigan namin.

"Ano kayang nangyari..." I muttered while walking down the silent hallway of the building we're staying.

"Hindi nagrereply si Hanz sa akin kaya malamang ay hindi sila nagkaayos." Sagot ni Jazz habang diretso ang tingin.

Umiling ako sa sarili. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa ni Hanz pero nirerespeto ko pa rin siya. Kung ayaw niya pang magsalita, hindi na namin siya pipilitin.

Pangalawang beses ko siyang nakitang umiyak na parang bata. The first time was when Suzy broke aunt Melly's gift to her, her phone. Yun yung araw na napagdesisyonan naming tatlo na pumunta sa Canada. Kaya hindi ako mapakali, baka gagawa na naman siya ng sarili niyang desisyon nang basta basta.

But I trust her. I know she would never leave us. She's our friend and we would never betray each other.

Medyo malayo pa kami mula sa pupuntahan namin pero naririnig na namin silang nagkakantahan. Nasa isang open cottage ang lahat, kasama si teacher Kazzi at ang mga myembro ng Student Council. Sabog na sabog silang lahat hanggang sa makita nila kaming pumasok.

"Welcome to our very own Hugotan Session!" bati ni Bubbles na may hawak na microphone. "Nagmahal. Nasaktan. Bumirit."

"Buti dumating kayo!" bungad ni Aljo sabay akbay sa aming dalawa ng kasama ko. Winakli kaagad ni Jazz ang braso niya pero hindi naman siya mukhang naiirita. Tumatawa pa nga siya habang pinapanood si Bubbles na kumakanta.

"May barbeque doon, baka hindi pa kayo naghapunan." Lumapit si Jeff sa amin na may ngiti kaya hindi ko napigilan ang pamumula ng pisngi ko. Nakabukas ang mga butones ng shirt niya kaya kitang kita ko ang loob. Ang nagsisilayang abs. "May mga alcoholic beverage din dun sa ilalim ng mesa. Kumuha lang kayo."

"Sige, salamat." Sabi ni Jazz nang hindi ako sumagot. Kumapit ako sa braso niya. "By the way, yung sinabi mo kagabi—"

"J-Jazz!" bulyaw ni Jeff sa kanya kaya napatingin ako sa kanyang mukha. He looked flustered and shock. Pasimple niya akong itinuro gamit ang mga mata niya habang nakatingin kay Jazz. "C-Can we talk about that later?"

Kumunot ang noo ko. May private conversation ang dalawang to?

"Talk about what?" I mouthed Jazzella at palihim na kinurot si braso.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon