11: NANGINGIBABAW

14K 237 11
                                    


^Jayzee

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Jayzee.

****

Chapter 11 — Nangingibabaw


Jazzella's Point Of View

Iniwan ko sila sa counter nang may lumapit na matangkad na lalaki sa akin. Gwapo siya pero mukhang babaero. He looks attractive yet hypocrite pero alam ko namang kaya ko siyang patumbahin kung mamanyakin niya ako. Isang sipa lang sa notch, okay na.

Bigla niya akong hinatak sa aking bewang at hinigit papunta sa dance floor. Nakita ko nalang ang sarili ko na nasa gitna. Kailangan talagang i-expose sarili ko sa mga taong to? Sabagay, di naman ako makikita kasi madilim.

Humarap yung matangkad na lalaki sa akin tsaka niya ako hinawakan sa bewang at nilapit sa kanya. Muntik na nga akong masubsob sa kanyang dibdib kasi ang lakas niyang makahatak.

Kung titignan mo kami, para kaming magkayakap habang sumasayaw. Naamoy ko nga yong pabango niya. Ang lapit lapit ko na talaga sa kanya. Pinilit kong lumayo pero hindi niya ako hinayaang pakawalan.

"Dance with me, baby." bulong niya na ikinagulat ko. Nakikiliti ako kasi ang lapit ng labi niya sa tenga ko. Naramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

At dahil sa sinabi niya, sumayaw ako. Bakit pa ako mahihiya? Wala namang makakakilala sa akin kasi madilim naman.

I danced and danced, forgetting the fact that he's a stranger. I don't even know his name, but who cares? I'll be making the most of my life.

Kembot lang ako ng kembot habang nakataas ang mga kamay nang nag-drop ang bass. Umikot-ikot ako habang sumasayaw. I don't care kung tatawagin nila akong slut. Pakialam ba nila? Nasa bar ako, anong gusto nila, magpapabebe ako dito? Magsta-study? Marami akong nakilalang fvcker doon sa Canada na mas malala pa sa kanila.

Nagulat ako nang pagharap ko sa kasayaw ko kanina ay wala na siya doon. Saan pumunta yon? Leche, tinakasan ako ng gagong yun? Aalis na sana ako sa dance floor nang may matapakan akong malambot na bagay sa sahig.

Pagtingin ko, yung matangkad na lalaki na kasayaw ko kanina! Anong nangyari sa kanya? Gustong matulog kaya humiga sa sahig? Aba, akala niya hotel tong bar na to?

"Hey. Get up." tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. Hawak-hawak niya lang ang pisngi niya na parang konti nalang, mababaliw na siya sa ngisay.

"Fck. That fcking hurts like hell, dude! What's your problem?" sigaw niya. Teka, anong pinagsasabi ng taong to? "What the fck is your problem?! Why'd you punch me in the face?" he added while looking pass at me. Kahit todo sigaw siya, hindi siya pinapansin ng mga tao. Eh ang ingay ba naman ng bar.

Baliw siguro tong isang to. Maiwan na nga, baka mahawa pa ako sa ka-abnormal niya.

Babalik na sana ako sa counter nang may humila na naman sa akin. Kanina pa nila ako hinila-hila ah. Hindi ba sila naaawa sa akin? Pagtingin ko, lalaki na naman. Ugh. Bigla siyang sumayaw sa harap ko, yung nakakadiri tapos ngumisi siya sakin. Hindi naman siya pangit pero malisyoso kasing tignan kaya nanindig ang balahibo ko.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon