43: HIS GIRLFRIEND

178 6 1
                                    


^Mayka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Mayka.

I will try to update this Saturday :)

****

Chapter 43 — His Girlfriend


Mayka's Point Of View

Naglilibot kami sa buong mall para matunaw ang kinain namin, or so I thought.

Nagsh-shopping kaming tatlo ni Kelly at Jazz. Minsan ay pumapasok kami sa mga boutique kapag may makikita kaming agaw pansin. Tinanong ko nga si Jazz kung may Jazzics ba dito pero wala daw.

Naghahanap ako ng doll shoes sa Robinsons habang yung dalawa ay nasa sofa, nagta-try ng heels.

Ewan ko kailan nagsimula ang ganito. Yung maarte na kami. Hindi naman kami... shopaholics noon. Tuwing nagma-mall kami noon, hanggang window shopping lang kami dahil hindi kami sumusuot ng mga ganito.

Ngayong nagbago na kami, ito na ang inuuna namin. Masyado na kaming conscious sa looks namin. Hindi gaya noon na simple lang at walang arte.

Ngayon, kapag walang kulay ang kuko ko ay feeling ko ang panget ko na. Kapag wala akong eyebrow tuwing lalabas ay nai-insecure ako. Kapag dry at chapped ang lips ko ay wala akong gana.

"Mayk, bagay to sayo." Sabi ni Kelly at pinakita ang black na 4 inch heels. May gold linings ito sa strap kaya nagandahan ako. "Kuya, may size 6 kayo nito?"

"I'll check, ma'am." Sabi nung salesman at umalis. Umupo muna ako sa sofa katabi niya at tinitignan siya.

"Bakit?" nakakunot noo niyang tanong.

Sinulyapan ko si Jazz.

"Wala na daw kayo?" diretso kong tanong kay Kelly.

Nabigla siya sa tanong ko pero kalaunan ay nagpatuloy sa pagsuot ng straps ng heels na hawak niya.

"Yeah, nakipaghiwalay siya sa akin kagabi."

"So?"

Mas lalong kumunot ang noo niya at tinignan ako. "So?" ulit niya.

"Ano nang plano mo?"

Napabuntong hininga siya at nagiwas ng tingin. Tumayo at umalis si Jazz nang mapansin na tumahimik si Kelly.

"Wala. Anong pakialam ko?"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung may karapatan ba akong tanungin to o ano pero nagpatuloy ako.

"Diba in love ka na sa kanya?"

Her lips formed a thin line. Straight lang ang tingin niya habang nagiisip ng sagot. "Ano naman ngayon? Kailangan ba nasa relasyon kami kapag in love ako sa kanya?"

"So hanggang tingin ka na lang ba? Ganon?" singit ni Jazz habang hindi nakatingin sa amin. Nasa takong ng stilettos ang atensyon niya.

"Edi anong gagawin ko? Magpapaka-desperada katulad nung ex niya?" nakangiwing sagot niya. "Sasabihin ko ring binuntis niya ako para balikan niya ako?"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon