36: NICE VIEW

180 9 0
                                    


Chapter 36

Kelly's Point Of View

Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa na kakain tsaka lumabas. Paglabas ko ay nagulat ako na may tao palang nakasandal sa tabi ng pinto. It was Hanz.

"Took you long enough." He stated while his hands are inside his pockets. I only smiled, apologetic. "Let's go? Kanina pa ako gutom."

Tumango ako kaya umalis na kami. Nang makalabas sa building kung saan kami tumuloy ay bumati sa amin ang white sands. Napangiti ako at tumingin sa kanya. I've always wanted to do this.

"Do you want to walk by the beach?" I asked. He rather looked surprise so I'm guessing he didn't see that coming.

"Yeah, sure. I'd like that."

Nauna akong tumakbo papunta sa dagat. Malalim ang buhangin kaya muntik na akong matapilok, naiwan ko pa yung isa kong tsinelas.

Nakangiti at nakapamulsang naglakad si Hanz papunta sa akin. Kalmado ang itsura niya dahil sa suot niyang puting short sleeves button down at denim pedal habang tinatangay ng hangin ang buhok niya patalikod.

Pinulot niya yung tsinelas ko at lumapit sa akin. "Akin na yang isa." He said, referring to my slippers. Nagtatakang kinuha ko yung isang pares at binigay sa kanya. Hinubad niya rin yung tsinelas niya kaya pareho na kaming naka-paa.

Ngumiti ako sa kanya at naglakad ulit papunta sa dagat. Sumunod siya sa akin.

Binasa ko ang paa ko sa tubig para mawala ang init. Moments later, I found myself playing with it. Tuwing may alon ay tumatakbo ako palayo para hindi ako maabutan ng tubig. Kapag huhupa naman ay bumabalik ako. Natutuwa ako kaya hindi ko napansin na kumukuha na pala ng litrato si Hanz sa akin gamit ang phone niya.

 Natutuwa ako kaya hindi ko napansin na kumukuha na pala ng litrato si Hanz sa akin gamit ang phone niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hoy!" reklamo ko. Tumawa lang siya kaya sinubukan kong kunin ang phone niya pero kagaya ng ginawa ko kanina sa tubig ay tumakbo lang siya palayo tuwing lumalapit ako. Imbyerna. "Baka ang pangit ng mukha ko jan! Stolen pa more!" sigaw ko.

Hindi siya sumagot at patuloy lang ang pagpicture sa akin kahit papalapit ako sa kanya. Ang kulit!

"Varquez, isa!" I warned but he didn't even flinch. Palibhasa nasanay na sa mga suntok ko. Immune na. "I-delete mo na kasi yan."

"Edi kunin mo sa akin." He replied while still walking backwards.

"Hanz Varquez! Ang dami ko nang stolen jan! I-delete mo na nga kasi." I tried to run to catch him but the attempt failed since we have at least 2 meters distance.

"Habulin mo nga kasi ako." Aniya ulit. Ngumiwi ako.

"Ayoko! Ang baduy!" I whined.

"Edi ipo-post ko to lahat sa facebook!" he threatened kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi pa rin siya natinag kaya padabog akong naglakad palayo sa kanya.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon