31: FAMILIAR SCHOOL

316 9 1
                                    



Chapter 31

Jazzella's Point Of View

Pumasok si teacher Kazzi sa club room at nakasunod sa kanya si Aljo at Bubbles na may dala-dalang cartolina, illustration boards, at mga coloring materials.

"Good afternoon." Bati niya sa amin kaya bumati kami pabalik. "Kumpleto na ba kayo?"

"Nandito na po kaming lahat." Sagot ni Aljo. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ang paligid. Katabi ko ngayon si Kelly at Mayka. Nakita ko rin sa isang sulok si Grethel, Rhea, at Stacey. Kasama rin nila si Suzy na sa tingin ko ay tuliro at wala sa sarili. Kanina pa siya tulala, sinasaltik yata.

Si Hanz at Ryce naman ay tinabihan si Jayzee na medyo okay na. Nakakalakad na siya ng maayos pero may benda parin ang paa.

Bumaling ako kay Mayka. "Kulang pa tayo diba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya.

"Nagpa-practice pa si kuya at ang iba." Aniya. Mas lalo akong nagtaka. Bakit kami magsisimula kung wala pa ang iba?

"We all know that the finals of the basketball district tournament is tomorrow," Simula ni teacher Kazzi sa gitna ng platform. "And to show our support to your fellow members Mico, Jeff, Markhel, and Neil, we will be cheering for them tomorrow."

Hindi nag-react ang iba, mukhang ako lang yata ang walang kaalam-alam sa schedule ng club namin. Poor me.

Mukhang alam ko na ang silbi ng mga art materials na dala nila.

--

Inayos ko ang snapback na suot ko nang nagulo ng hangin ang mahaba kong buhok. Nandito kami sa ngayon sa open field, hinihintay ang susundo sa amin.

Umupo ako sa bleachers dahil sa pagod. Kalahating oras na kami dito pero wala pa rin ang iba. Tumabi si Mayka sa akin kaya bumaling ako sa kanya.

"I'm starving." I pouted kaya ngumiwi siya.

"Inuutusan mo ba ako?" padabog niyang tanong kaya nag-iwas nalang ako ng tingin. Hihingi lang sana ako nung dala niya burger eh. Ang sungit.

"Sino ba ang inutusan ni teacher Kazzi na kumuha?" naiinip na tanong ni Suzy. Kung siya nalang kaya ang kumuha para may kwenta naman siya sa buhay. Akala mo naman kung sinong maraming ginawa.

"Si Bubbles at Kelly." Sagot ni Ryce kaya natahimik si Suzy. Lalaki lang talaga ang katapat ng bunganga niya.

Hindi na ulit sila nagsalita at nagkanya-kanya silang umupo sa bleachers. Mabuti nalang at hindi masyadong matirik ang araw. Baka kanina pa kami nasunog dito sa kakahintay. Nakasuot pa naman ako ng shorts.

Mamaya na ang finals ng basketball league sa high school tournament at lahat kaming magka-club ay pupunta doon para suportahan ang apat naming kasama. May ibang students din na magche-cheer sa kanila kaya ni-ready ng Student Council ang school bus para sa service nila.

Tapos na ang lahat ng midterm exams namin kaya malaya na kaming lahat. Mabuti naman tapos na ang sakit ng ulo.

"Nasaan si Kazzi?" tanong ng bagong dating na si Kelly na may dala-dalang cartolina, kasama niya si Bubbles na dala rin ang mga illustration board.

"I'm here, why?" sagot niya mula sa malayo, nagpapasilong sa ilalim ng puno. Suot niya ang itim na wayfarer at may kausap sa phone niya. Boyfriend niya siguro.

"Ah." Bubbles uttered. "Nandito na po kami. Tara na?"

Teacher Kazzi's brows poked. "Hihintayin pa natin ang Underdogs."

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon