12: THE PHOTOGRAPHY CLUB PRESIDENT

11.4K 241 41
                                    


^Ryce Ocampo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^Ryce Ocampo

****


Chapter 12 — The Photography Club President

Jazzella's Point Of View

"Jazz..." narinig kong may tumawag sa akin pero hindi ko siya pinansin at binalot lang ng kumot ang katawan ko. Inaantok pa ako. "Gumising ka na..." dagdag niya tsaka ako niyugyog pero sinipa ko lang siya kaya lumayo siya ng konti. Pasalamat siya at inaantok ako, wala pa akong lakas.

"Gising na! Gising na! Ayie, gigising na ang best friend namin." May narinig akong bagong boses. Pero di ko pa rin sila pinansin.

"Jazz. Gising ka na diba? Diba?" paninigurado ni Kelly. Ang kulit! Kitang natutulog pa yung tao eh! Di ko parin sila pinansin at sa halip, kinuha ko yung isang unan at tinakip sa tenga ko. Hah! Mapagod sila sa kakagising sa akin.

"Jazzella, gigising ka na o kikilitiin kita?" banta pa niya tsaka sinundot ang tagiliran ko. Tsk! Nakakainis na ah! Wag nilang hintayin na maubos ang pasensya ko. Kahit noon sa Canada ay ganito nila ako ginigising kahit na nakakainis. Hindi pa rin sila nagbago.

"Gising na, Jazz." Deadma. Bahala sila sa buhay nila. Magsawa sila.

"Jazz, tanghali na." ani Kelly. Oh? Anong pakialam ko? Kahit magdamag akong matutulog, I don't care.

"Babangon ka na diba?" Hindi pa. I miss my bed, we need more quality time.

"Jazz, may masarap na pagkain doon sa kusina." Tapos? Mas mahal ko pa ang kama ko. Tataba lang ako kakakain.

"Putangina Jazzella, gumising ka na!"

Agad akong napabangon nung may sumigaw sa tenga kong may nakatakip na unan pero na out of balance ako pagtayo kaya...

*BLAG*

Ayun, nauna ang mukha ko sa paghulog mula sa kama. Aray! Nasira na tuloy ang maganda kong umaga. Tsk.Hinimas ko muna ang noo kong namumula at mukhang magkakabukol pa bago ko sila sinamaan ng tingin.

"Ano bang kailangan niyo? Bakit nandito kayo sa condo ko?" tanong ko sa kanila at tumayo.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Sht na hangover to. Naparami yata ang inom ko kagabi pagkatapos kong makausap si Neil.

Ano nga ulit yung nangyari kagabi? Ang sakit talaga ng ulo ko. Oh yeah. Neil, the mini drama, that one guy that I kissed...

Wait, what?

Kiss?

"Sino yung hinalikan ko?!" bigla akong napasigaw. Sino yun? Sino ba yung lalaking yun? Shoot. Di ko nakita ng maayos. Sayang. Mukhang gwapo yun eh.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon