[28] Talk About Stress

156K 3.6K 374
                                    

[28] TALK ABOUT STRESS


LYZA'S POV

"Guys, si Lyza nga pala. Asawa ko."

Grinant nga ni Derrick yung promise niya sa akin na ipapakilala niya ako sa mga empleyado niya sa Midas Bar. Hindi pa naman nagbubukas ang bar at tanging mga personnel and staffs, bartender and waiters, Disc Jockey and most importantly, security team ang nasa harapan ko ngayon. They were all smilling at me.

"Ngayon, ayokong mauulit sa kanya ang nangyari recently," maotoridad na sabi ni Derrick habang ako naman ay nakaupo lang sa silya na pinalilibutan ng tauhan niya. "Lyza," umupo si Derrick para lumevel sa akin. "Pakituro sa akin kung sino yung nagpalabas sayo dito."

I smiled sheepishly and stood up. Nilibot ko ang tingin ko sa mga tauhan niya hanggang sa huminto ang paningin ko sa dalawang bouncers.

"Those two," I said while pointing a finger on those bouncers. Napayuko naman ang dalawa. I never intended to do this, but Derrick's the one who asked me to. Bahala na sila.

"Jack! Stone!"

Huh? Jack and Stone ang pangalan nila? 

Lumapit naman yung dalawa kay Derrick habang nakayuko pa rin. Wow, ang lalaki ng katawan pero pagdating kay Derrick tumitiklop naman.

"Boss, pasensya na ho."

"Sinisigurado lang namin ang kaligtasan ng customers kaya naging istrikto kami."

Napataas ang kilay ko sa depensa nila. Wow. "So, ibig mo bang sabihin ay mukha akong harmful?" Mataray na sabi ko. Sorry not sorry, I have been really like this ever since.

Pinatong ni Derrick ang kamay niya sa balikat ko para pakalmahin ako. Kaya pinagkrus ko nalang ang mga hita ko. Naku, ayoko silang tignan. I'm afraid my baby can get their facial features. No way.

"Hindi naman po sa ganun, Madam. Ano lang po... Bawal kasi ang buntis dito. May sinusunod lang kaming protocol," katuwiran nung Jack.

I rolled my eyes on him and looked up at Derrick. "Saw that? He's talking back at me."

Huminga muna ng malalim si Derrick saka niya hinarap yung dalawang bouncers. "First warning, Jack and Stone. Pag umabot yan sa tatlo, alam niyo na ang gagawin ko."

"Pasensya na, boss," sabay na sagot nila

In the end, nag-apologize sa akin ang dalawa niyang bouncers. Itinuro ko pa kay Derrick yung aksidenteng bumangga sa akin na waiter. At isa siya sa mga napagalitan. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako. Sh-it. Sorry not sorry, naka-on ang bitch mode ko tonight.

8PM na. Actually, kakabukas lang ng bar few minutes ago pero mukhang crowded na agad. Dinala ako ni Derrick sa private lounge para dun kumain ng dinner.

"Okay ka lang ba dito, Lyza?"

Umupo ako sa red couch at dumampot ng fries at isinubo ko ito. "I'm fine in here. Besides, Jena and Theo will be here shortly."

I called the siblings to accompany me here tonight. Alam ko naman na hindi ako maasikaso ni Derrick kaya kinontact ko na yung dalawa, and fortunately, go naman ang magkapatid.

"Gamitin mo lang yun intercom na yun kung may kailangan ka ha? Kailangan ko ng bumalik sa baba," sabi niya pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. "10PM, uuwi na tayo."

Panay ang foodtrip ko habang hinihintay ang magkapatid, pero umabot nalang ng isang oras ay wala pa sila. Naubos ko na nga lang yung mojos, pero wala pa rin sila. Are they still coming?

My Psycho Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon