ISY28.

25.4K 655 25
                                    

🙋 sa mga silent readers! 😁

~~

Tulalang nakatitig lang siya sa isang magandang babae na nakangiti na sa harapan niya. She looked like a freaking Barbie doll. Gusto niya tuloy maiyak. Nakakainggit ang honey-colored skin nito. She pouted as she looked at her pale skin. Mukha talaga itong Barbie habang siya naman ay mukhang maputlang manikin.

"Hi!" Anito na ikinasinghap niya. Pati boses nito babaeng-babae. Ang hinhin.

"Ahm.. Hello!" Aniya habang pilit na ginagawang mahinhin ang boses niya. Annoying daw kasi ang boses niya ika ng best friend niya. Hindi naman ito sinungaling,so naniwala naman siya dito.

"Is Sen inside?" Nakangiti parin ang mukha nito na walang kablemish-blemish. Nakakainsecure talaga to the highest level ang gandang taglay nito. Ngunit dagling nawala ang ngiti na nakaguhit sa mukha niya nang marinig ang pangalang binanggit nito.

"Bakit mo siya hinahanap?" Aniya sa mataray na boses. Mukhang nabigla pa ito sa pag-iba ng tono ng boses niya. Napangiwi ito at napakagat-labi.

"I knew him. I'm sure he wants to meet me,Miss."

Aba't! May pa I'm sure he wants to meet me pa itong babaeng to! Masasakal niya talaga si Brian kapag nalaman niyang isa ito sa naging babae nito.

"May appointment kaba sa kanya?" Napailing ito na ikinangisi niya. Wala naman pala. Sorry, Barbie girl! No can do.

"You're not his secretary, right? Hindi naman kasi siya nagsabi sa akin na nagpalit siya ng secretary."

Hah! Her brows raised to the nth level upon hearing what she said. Sino ba itong Barbie doll na ito? At bakit naman magsasabi si Brian kung magpalit man ito ng secretary.

"Please? I just want to talk to him, miss. This is important." Pakiusap pa nito sa malambing na boses. Ready na siyang tarayan ito nang biglang mapasigaw ito at nakangiting tinakbo ang maliit na distansya patungong nobyo niya. Niyakap nito ng mahigpit ang nobyo na tuwang-tuwa naman.Hindi makapaniwalang napatitig siya sa dalawa na masayang nag-uusap. Gusto niya tuloy batuhin ng sapatos ang gagong si Brian. May Barbie doll lang sa harapan nito nakalimutan na siya nito. Sabagay, who would choose a simple mannequin in a world full of dolls? Lalo na kung ang barbie doll ay hindi mukhang bride ni Chucky. Napaismid siya dahil sa sobrang pagkabitter na kanyang nararamdaman.

"Belice?What are you doing here?" Kunot na kunot ang noo nito habang naglalakad palapit sa kanya. Tss. Napaismid siya. Asan na napunta ang baby? May katabi lang itong Barbie doll initsapwera lang siya? Ang landi talaga ng gago.

"Nagtatrabaho."Kibit-balikat na sagot niya. Pasimpleng inirapan niya ang babae na ikinabigla nito.

"Then why are you in my secretary's table?"

"Nagpapractice akong maging secretary. Bakit? Bawal?" Puno ng pait na saad niya na nagpaigting ng bagang nito. Wala siya sa mood na matakot dito. Naiinis siya at gusto niyang maiyak dahil hindi niya maramdaman ang pagmamahal na sinasabi nito. Bakit? Dahil sa babaeng katabi nito? Is she his ex? Nakakapunyeta lang ang nararamdaman niya. She thought she's over being insecure. Akala lang niya pala.

"Let's talk later, Belice. I'll just have to talk to her first."

"Makipag-usap ka sa sarili mo! I hate you!" Singhal niya at padabog na nilayasan ang mga ito. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya. Dire-diretso lang siyang nagtungo sa opisina niya at agad dinampot ang bag niya. She's fucking tired of this! Pagod na siyang masaktan. Pagod na siyang mabalewala.

Napailing lang siya at hindi niya napigilang mapaluha nang makasakay na siya sa kotse niya at hindi man lang ito sumulpot para pigilan siya. Inis na pinahid niya ang luhang nag-uunahang tumulo sa pisngi niya. Bakit ba napakaiyakin niya? Nakakainis na.

Ikinabit niya ang seatbelt at agad pinatay ang kanina pa tumutunog na cellphone niya. She heaved a deep sigh as she tried to calm herself. She drives slowly. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Napailing siya at napangiti ng mapait. Hindi siya tanga para hindi makita na may gusto ang babaeng Barbie doll na iyon sa nobyo niya. At imposible namang hindi nito alam iyon. She was gone for how many years. Malay lang niya kung nagmahal man ito ng iba. It's possible that he loved someone else after her. Ngunit masakit lang talagang tanggapin. She bit her lower lip to prevent herself from crying too much. Itinabi niya ang sasakyan at isinusob niya ang mukha sa manibela. Hindi niya mapigilan. Ang sakit-sakit talaga ng heart niya. Mas masakit pa ito kaysa nang malaman niyang pinaglaruan at pinagpustahan lang siya ng mga ito ilang taon na ang nakalipas.

She tried to composed herself after crying for how many minutes. Tinitigan niya ang namamagang mga mata sa salamin. Kinaya niya ang sakit noon. Kakayanin niya din kung anuman ang mangyayari ngayon.

Nagdrive siya patungong condo unit nito. Mabilisan siyang kumuha ng ilang damit at inilagay sa isang backpack. Maghohotel nalang muna siya. Ayaw na muna niya itong makita dahil siguradong mag-aaway lang silang dalawa. Dali-daling umalis din siya at agad dumiretso sa isang hotel. She checked in for a couple of days. Mag-iisip muna siya ng mabuti bago niya ito kausapin. She needed to be sane to be able to talk to him.








"What?!" Dumadagundong ang boses na saad niya sa harap ng assistant ng nobya niya. Dagling namutla ito na ikinailing niya. "She called in sick?"

"Yes, Sir. Kinuha niya lang po ang bag niya kanina at dali-daling umalis. Tumawag po siya mga ilang minuto pagkatapos nun. Sabi niya na masama ang pakiramdam niya." Kinakabahang pahayag nito habang nakadistansya na sa kanya. Natakot atang mabigwasan niya.

"Bullshit! Why the fuck is her phone off?" Nangangalaiting napasabunot siya sa buhok dahil sa sobrang inis at pag-aalala narin sa nobya.

"Why are you worried about her, Sen? She's just your employee,right?" Anang Thalia na nakahawak na sa braso niya. He stared at her pretty face. Napakaganda parin nito. Gandang bumihag din sa kanya. But she has Belice now. Her baby. She's more than enough for him.

"She's my girlfriend,Thalia." Mahinang anas niya ngunit sapat lang para marinig nito. Napakurap-kurap ito. Halatang hindi makapaniwala sa binitiwan niyang mga salita.

"Girlfriend?" Anito habang napapailing. "How? I thought you don't have a girlfriend, Sen?"

"I'm sorry, Thalia." Hindi niya gustong saktan ang babae dahil naging parte din naman ito ng buhay niya. But she has Belice. Mas ayaw niyang saktan na naman ito. And there's Zeke. He's madly in love with her. Ayaw na niyang maging komplikado pa ang lahat.

"No! No!" Naiiyak na napakapit ito sa braso niya." Paano nalang ako, Sen? Paano tayo? You promised me marriage!" Histerikal na pinaghahampas siya nito sa dibdib. Pasimpleng sinenyasan niya ang assistant ng nobya na agad ding patalilis na lumabas ng silid.

"I'm so sorry, Thalia. I don't want to hurt you but I've made a decision already."

"No! Don't say that, Sen! You're hurting me! You're fucking hurting me!" Umiiyak na pinilit nitong abutin ang labi niya. Umiwas siya at hinigpitan ang pagkakakapit dito ngunit sadyang mataas din ito kung kaya't naabot nito ang nakaawang niyang labi. He was so shocked that he can't move. The door suddenly opens. Nanlalaki ang matang napatingin siya doon. Agad na lumayo siya sa pagkakahalik ni Thalia. Bigong mga mata ang sumalubong sa kanila.

Damn! Fucking shit! He pretty messed up. Big time.




**

A/N: Sadyang masakit ang umibig. Walang forever. 😂

I SEE YOUWhere stories live. Discover now