Chapter Seventy Seven- The Last Fight

405K 8.1K 2.1K
                                    

SILVER’s POV

The line went dead.

No! No!

Tumunog ulit yung phone kaya sinagot ko agad.

“ZYLIE?!”

“Anong Zylie? Si Mikaela ito.”

“Where is Zylie?!”

“Hindi ko alam! Hinahanap din namin siya, kasama ko boyfriend ko at si Alyanna. Nawala na lang siya sa tabi namin kanina. Ano ka ba naman! Bakit ba hindi mo naman sinabi na nandun si Cleo? Na nandun pala siya sa Decathlon?"

"W-what? I didn't know, too! Listen Mika--"

"No Silver, you listen to me. Remember what we said? What I said before? Kalimutan mo na yun? You can never break up with Zylie... Wag! I mean, hwag muna. Shit, hindi ko alam kung ano talagang naiisip mo pero pwede bang kung ayaw mo na talaga… Hwag muna… Kahit hwag muna…"

"What? Anong hwag muna? You expect me to break up with her?"

"Saglit lang Silver. My boyfriend might be wrong. But you must never add stress to Zylie. No more anxieties. Hindi niya kakayanin eh. Kaya kahit ano pang narealize mo, hwag na hwag kang makikipagbreak ah? Please?"

"I don't understand. Paanong hindi niya kakayanin?"

"She might... do some things to hurt herself! She might even... Oh My God! Anong gagawin ko!? Anong gagaw—“

“Mika! Keep yourself together! Talk to me! Anong sinasabi mo?!”

“Silver she might do things…. Oh My God! Basta Silver never break up with here."

"B-but I think I just did." I realized the horror.

"ANO?!"

"I didn't! I swear! But maybe she thinks I did."

"STUPID!" halos boses naiiyak na si Mikaela.

ZEUS' POV

Hindi ko halos maintindihan yung sitwasyon nung umuwi ako ng bahay. Umiiyak si mama. Nakatungo si papa. Pati si kuya Zac hindi na rin nagsasalita. Nalaman ko ang tungkol sa videos, pati issue tungkol kay kuya Zac. 

Hindi ako makapaniwala.

Pero mas lalo akong hindi makapaniwala na pinalayas ni mama si Zylie.

"MA NAMAN! ANG BATA-BATA PA NI ZYLIE SAAN NAMAN PUPUNTA YUN? GABING-GABI NA PAANO PAG NAPAHAMAK YUN?!"

"Ang bata-bata? Sana inisip niya yan bago niya ginawa yung mga kabalbalang yun!”

“MAMA! HINDI NAMAN YUN SCANDAL MA! THEY ARE NOT EVEN HAVING SEX! FOR GOD’S SAKE!”

“Gumagawa nga siya ng kung ano-ano sa loob ng pamamahay natin, paano pa kaya sa labas? At bakit pati sa guro niya? Bakit pati doon?"

"Kahit na mama! Papa naman! Yung kay Terrence? Sa akin lang, ang tingin ko doon, nalunod siya at hindi yun masama!"

Hindi na sila nagsalita. These people can't be reasoned out tonight. They are too emotional. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakasalubong ko pa si Zylie kanina pero hindi ko man lang naramdaman! Damn it!

Nagring ang telepono ko. Si Mikaela.

"Oh Mika?" baka kasama niya si Zylie.

"Kuya Zeus? Nasaan ba si Zylie? Nandiyan ba sa bahay?"

"Wala nga eh.” Shit lang “Baka pupunta diyan sa inyo, pakitext naman ako. May problema kasi dito sa bahay..." lumabas ako ng kaunti para hindi na rin marinig nila mama "... malalaman mo rin naman kung diyan pupunta si Zylie sa inyo, pero pinalayas kasi siya dito sa bahay eh."

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon