Chapter Fifty- Mistletoe

557K 10.5K 1.7K
                                    

ZYLIE's POV

“Tsk, tsk ,tsk… Tingin lang sa taas… First time po ba siyang make-up-an?” tanong nung bakla habang nilalagyan ako ng make-up ko dun kay mama na nakaupo sa may likod ng kwarto. Sabi ko kasi ako na lang ang magme-make-up, ayaw nila pumayag. Kinuha pa talaga yung bakla dun sa parlor sa susunod na kanto.

“Hindi naman…” sagot ni mama

“Naluluha po kasi siya, simpleng make-up lang naman ito katakut-takot na luha na ang lumabas, ibang klase ang baby nyo misis…” sabi na naman nung bakla. Baby talaga ang tawag sa akin?

Ngumiti lang si mama.

“Sorry…” sabi ko na lang. Di naman kasi talaga ako sa make-up naluluha eh, naalala ko na naman kasi yung nangyari nung nakaraang araw. Tapos nagiging automatic na lang na nagtutubig yung mata ko.

“Nandito na escort mo!!!” narinig kong sigaw ni kuya sa baba.

“Bababa muna ako…” tumingin muna si mama sa relo niya. “Ang aga naman dumating ng escort mo.” sabi niya sabay tayo at lumabas ng kwarto ko.

Sinabi ko na sa kanila na si Buknoy magiging escort ko sa Christmas ball. Madami silang tanong. Kesyo, ‘Nasaan daw si Silver?’, ‘Sino daw si Buknoy?’, “Bakit daw hindi si Silver?’ Lahat yun di ko sinagot. Palagi kong iniiwasan.

 Hanggang sa huli, sabi ko na lang hindi na ako aattend. Tumigil na rin sila magtanong. Alam kong parang ang sama ko pang anak kasi ako pa ang nanakot sa maghulang ko para hindi na sila magtanong. Pero wala akong maisip na sabihin.

Kilala nila si Silver eh. Pinahiram pa sila ng kotse dati. Tinawag niya pa na mama ang mama ko. Kahit walang alam sila mama at papa kung anong tunay na nangyayari sa amin ni Silver, alam kong alam nila kung gaano kalapit yung taong yun sa akin. At alam ko naman na aasahan nila na si Silver ang magiging partner ko.

Kaso nga hindi…

At eto ako ngayon, kabado sa kung ano mang mangyayari mamaya. Di ko talaga alam kung anong mangyayari. Wala akong planong kahit ano. Alam ko na baka masaktan lang talaga ako sa mga makikita ko mamaya. Kasi hindi ko pa nga nakikita silang dalawa na magkasama, naiirita na ako. Pano pa kaya mamaya.

Peo naisip ko lang, na mas lalong hindi ako mapapakali, kung magmukmukmok ako dito sa bahay sa oras ng Christmas ball. Sa kaiiisip kung ano ba ang nangyayari. Kung anong ginagawa nila. Kung anong ginagawa niya.

Pupunta ba ako para kunin ang talagang akin? O para makita at mapatunayan na hindi naman pala talaga siya s’akin? Para makita lang na parang di naman siya naapektuhan talaga?

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon