Chapter Fifty Eight- Raining Inside

523K 8.4K 1.4K
                                    

ZYLIE

Suot niya na naman ang perky na headband. Di ko alam kung bakit parang medyo naiinis ako sa kanya nung nakita ko siya sa bukana nung pinto.

Dahil ba naalala ko kung paano siya pinagbuhat ng bag ni Silver? Yung time na halos ipagsigawan ni Silver na partner sila sa Christmas Ball? O yung kung paano sila naging rubbing elbows nung prom?

Ay ewan. Nahihiya din naman ako. Kasi, kung totoo lahat ng kasweetan ni Silver sa akin, parang ang nangyari ay kawawa naman si Bettina. Parang ginamit lang siya. Nawala na nga ang escort niya, pati pa yung glory ng pagiging Vander Princess.

Tinulungan pa nga niya ako tumayo nung natapilok ako at napatumba. Pero di mapigilang kumunot yung noo ko. Di na nga ako nagabalang umalis sa kama. Bukod sa hindi ko naman kakayaning tumayo agad, parang gusto kong makita niya talaga akong nasa may kama. >O<

"Jeremy..." sabi niya habang nakatingin lang kay Silver. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng sulyap. Modulated pa yung boses niya habang biglang hinawakan yung wrist ni Silver.

Aba, parang ako gusto ko ng sabihin: "BRUHA KA?!!!" pero syempre hindi ko naisaboses. Napatingin na lang ako eh.  Pati si Ate Poty na nasa likuran lang ay napatingin na lang.

"Hmm?" sagot naman ni Silver. Kaasar kasi di man lang tabigin yung kamay eh. O kaya umiwas na lang kung di niya kayang maging harsh. Hay nako. Nandito kaya ako. Brrrrrr.

"Mag-usap tayo sa labas."

"Ehem ehem..." ubo-ubo ako kunwari. At dapat obvious na nandito ako. Parang kanina, I really feel sorry for her dahil may kasalanan din naman ako sa mga nangyari nung Christmas ball. Alam ko na unfair naman talaga. Pero kasi, nakakaasar naman to.

"Tara?" sabi na naman ni Bettina, habang medyo hinihila na si Silver palabas.

Talagang dinededma ang 'ehem' ko ha!! Ang feeling ko ngayon, parang gusto ko nang manghampas gamit yung saklay. Argh. Kelan pa ako nagging brutal?

"Bettina..." nagsimulang magsalita si Silver. Aba sige, baka di ko na naman pala kelangang gawing paddle ang saklay ko. Galingan mo sa pagsasalita Silver Jeremy Torres. "... I'm busy."Dugtong niya sabay sulyap sa akin.

"Busy??" tska lang tumingin sa akin si Bettina. "Saan naman?" Tska niya lang ako napansin? Huh? Nagbubulag-bulagan ba si Bettina? Kunwari di niya ako nakikita? O defense mechanism niya lang dahil nasaktan siya sa mga nangyari nung Christmas ball?

Malamang sa akin. Busy siya sa akin.

"Busy here." Ibang klase talaga si Silver Jeremy. Napabitaw tuloy si Bettina sa pagkakahawak. Hinila pababa yung magandang t-shirt niya. 

"You need to come with me." Sabi ni Bettina after ilang seconds ng makabawi siya sa sinabi ni Silver.

"Whatever you want to say, you can say it here.

"The scholastic decathlon."

"We are on vacation, why can't we--"

"Seriously..." mukhang depressed na si Bettina. "... what happened to you Jeremy??"

Umiling lang si Silver. Alam ko gulung-gulo na si Bettina. Ayaw naman kasi magsalita nitong si Silver ng maayos. Pailing-iling na lang diba?

"This is crazy. Pumunta ako dito para kausapin ka, masasayang lang pala ang effort ko."

"I'll just uh... call you later."

"HA??! BAKET?? PA?" napareact naman ako. Di ko napigilang mapasalita na rin. Parang naasar ako dun sa thought na tatawagan ni Silver si Bettina.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon