Chapter Forty- Crystal Ball

614K 9.9K 1.9K
                                    

SILVER's POV

Malaki na talaga siya. Siguro nung huli ko siyang nakita, elementary pa siya at may ponytail pa sa ulo. Chubby version ng ate niya at tahimik lang din, manang-mana. That was years ago.

Pero ang nakadungaw ngayon sa bintana ay dalagita na. Halos magkamukha na nga sila eh. Sila ni Cleo.

"May girlfriend na siya bakit?!" naguilty agad ako ng nagsalita si Zylie. Sa sobrang kabiglaan ko nang nakita ko si Clarice, sa sobrang kalaliman ng naisip ko, ng inabot ng utak ko, nakalimutan ko siya ng panandalian. Napakasama ko.

"Ah! Sige kuya, see you around! We'll see you around."

See you around daw? We'll see you around? We? Does that mean...

"Ahh.. S-silver sino yun?"

Napailing na lang ako. Hindi... Wala yun. Napadaan lang ang bus nila. Baka field trip lang...

"W-wala yun wag mo intindihin."

"Eh kasi--"

"San mo gusto magpunta?" pagiiba ko ng usapan. Kailangan kong makalimutan na nakita ko ngayon si Clarice Madrigal. Ano naman hindi ba? Dahil ba don? Makikita ko na rin ba ulit si Cleo Reese? Tss. Kahit sa pangalan nakakalito. "Ano saan?

"H-ha? Kahit saan..."

"Pasensya na..."

"Bakit?"

Why do I feel guilty? Humihingi na agad ako ng pasensya.

"Basta... Pasensya na..."

"O-Okay."

Para makampante siya, I held her hand. Held her so tight. Inisip ko. It will be fine. It will be alright.

"Gusto mong kumain?"

"Busog pa ako..." matabang na sagot niya.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw ang nagyayaya lumabas, tapos wala ka naman palang plano."

Nakakagulat ang tono niya. Syempre gusto ko lang naman malaman kung may gusto ba siya. Kesa naman dinadala ko siya sa kung saan-saan.

Pero tama siya. Wala naman talaga akong plano. 'Diba't nilabas ko lang naman talaga siya dito ng biglaan? Very unplanned.

"Sorry. I told you, pasensya." sumasama na pakiramdam ko.

Nagkaroon ng kaunting akward silence sa pagitan namin. Naglalakad na lang kami, pero hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Ahm, Sorry din. Silver. Di dapat kita sinabihan ng ganun."

Umiling ako. Wala naman siyang dapat ihingi ng sorry. Ako naman talaga lahat.

Lumiko kami sa isang kanto. Wala na talaga kaming mapuntahan. Puro kainan ang mga nakapaligid pero wala ni isa ang gusto namin. Pero napatigil kami doon sa makulay na shop na maraming lobo at sash na may nakalagay na malaking sign na HAPPY ANNIVERSARY DONYA PASITA!

"Ma'am, Ser! Anibersare spisyal ! Mga kupols! Mga labers! Pasok lang po kayu! May tyans pow kayung manalo ng mga Prebes!"

"Prebes daw? Ano yun?" inosenteng tanong ni Zylie "Parang gusto ko yata ng prebes na yan ah. Tunog masarap."

"Freebies yun." natatawa-tawa ako. At lihim na rin na nagpasalamat dahil kahit papaano ay nag-lighten ang mood.

"Ay shit."

Nagtawanan kami.

"KAYO PO SIR POGI AT ANG KYOTIPAY NA KASAMA!!! Tray owur games!! Baka mapanalunan niyo ang pelow na ito, o kaya ang kopul nekleys na ito, o kaya etong magic krestal ball!"

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon