Chapter Fifty Three- Lies

573K 9.9K 1.3K
                                    

ZYLIE's POV

Sa pagmamadali ko sa pagbaba pa lang ng kama, nakalimutan ko sandali na may sprain na naman yung fail kong kanang paa. Napaupo tuloy ako sa sahig ng kwarto.

Aray… Paano ba ako bababa nito. Eh ang sakit nga… Si Silver naman kasi, alam kong di niya naman kasalanan na mapahamak ako kina mama… Pero bakit ba hindi niya agad ako inuwi kung di rin naman kami pupunta sa loob ng ospital?

At ala-una na daw ako inuwi nung lalaking yun?

“MAAA!!! Tulong namaaaan!!!” sigaw ko pero parang hindi naman nila ako naririnig. Gusto ko sanang isigaw ng bonggang bongga ang pangalan ni Silver, sigurado naman akong tutulungan ako nun pero baka mas lalo akong pagalitan nila mama. Ano ba naman to?

Wala na akong nagawa at pinilit kong hinubad yung gown. Sa pilit kong pagbukas ng zipper sa likod, may naalala ako. Hala ka. Dahil lang sa tunog ng zipper kinabahan na ako? Gusto kong matawa hahaha. Kumuha lang ako ng simpleng t-shirt at pajamang maluwag dahil yun lang ang madaling isuot. Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ko ang  mukha kong nagtransform na sa isang panda. 

Pagkatapos nun, gumapang na lang ako sa abot ng aking makakaya papunta sa may pintuan. At lumabas. Gapang ulit papauntang hagdanan at humawak ako sa gilid para makababa. Habang pinoproblema ko ang hindi paghulog at pagprotekta sa buhay kong malas, iniisip ko na rin ang sasabihin ko sa oras na makababa ako. Iniisip ko kung anong sasabihin ko kina mama, kay Yanny… at syempre kay Silver.

Waaah. Gusto kong batukan sarili ko eh.. Kasi naman, ang dami-dami kong problema pero bakit parang natatabunan ng kilig lahat. Naiisip ko pa lang na nasa baba siya at naghihintay para sa akin, anlayo-layo na ng nararating ng utak ko.

“Oh? Nasaan na ang anak mo?” narinig kong mahinang sabi ni papa ng medyo nasa gitna na ako ng hagdan.

“Nasa taas. Susunod na yun. Bumaba siya kung ayaw niyang maging grounded” Sagot ni mama.

Grounded?? Ako magiging grounded?

“Makakababa ba yun? Di ba may sprain yun?”

Buti pa si papa. Naalala ang sprain ko. Thank you mama sa pag-aalala.  

“Tsk… Oo nga pala..” mahinan sagot ni mama. Hula ko ay naguusap sila sa tabi ng hagdanan. At sina Yanny at Silver ay nasa sala. Malamang… Medyo natatabingan kasi ang hagdanan naming mula sa sala.

“Eto na po pababa na!!! Malapit nang makababa…” sabi ko na lang pero gusto ko sanang sabihin Ngayon niyo lang naalala yung sprain ko? Kanina pa ako gumagapang dito! Pero siyempre hindi panahon ngayon para barahin ang magulang. Mageexplain pa ako sa kanila eh.

Itinuloy ko ang paupong pagbaba sa hagdan. Nakatungo lang ako habang tinitignan yung mga baitang. Yung tipong pwet ko unti-unting humahakbang. Nakahawak lang ako sa pader sa tabi, at ang bigat ko ay nasa kaliwang paa. Mahirap pero iniisip ko na lang na marathon ito ng mga pilay at ang finish line ay yung pinakababa.

LUBDUBLUBDUB

Eto na naman. Nagpapalpitate na naman ako. May naamoy na naman kasi akong pamilyar sa akin. Bakit ba kasi ganun yung pabango niya. Parang lovespell.

Tumingin ako sa harapan ko. Siya nga. Syempre narinig niya yung pagsigaw ko at malamang sinalubong niya ako ngayon sa hagdan namin. Ang problema, mukha pala akong tanga na kinakaldkad ang sariling pwet makababa lang.

“Pfhh!” natawa siya “Lika na nga…”

“Ayy! T-teka!!”

Binuhat niya ako. Lover’s carry. Napahawak tuloy ng mahigpit payakap sa likod niya. Itong si Silver talaga. Nung naglakad siya, papapaalis ng hagdanan, tska ko nakita na nasa harap naming sina mama at papa.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon