Chapter Five- Ménage (July 31, 2011)

710K 13.1K 1.2K
                                    

SILVER's POV

Poste.

Poste ng Meralco.

Muntik na kaming mabangga sa poste ng meralco. Real shit, unang beses kong mawalan ng kontrol sa manibela. And as the circumstance chose it, it's my mom's car. Buti na lang at wala kaming kasunod na sasakyan kundi lagot ako kay mommy kung madadali ang kotse niya ng gasgas and bumps or even worse. Lagot din ang student's license ko. It's a lucky escape.

"Oh!" sabi ni Zylie

Oh. mababangga na kami "oh" lang ang sinabi niya. Ibang klase. Dahil ba siya yung may kasalanan? Kung hindi ba niya ginawang makasalanan yung kalalagyan ng kamay ko, eh di sana hindi aabot sa swerving ang pangyayari. Pero kahit kasalanan niya. 'Oh' lang talaga ang battle cry niya kung sakaling mamamatay na pala kami kanina?

To get the record straight, I admit it's not true. Not even the slightest of it.

The... Her... um bosoms aren't really 'flat' katulad ng sinasabi ko, ng inaasar ko. Hindi naman pancake. Nakakahiya mang pagusapan 'to. At dahil nga nakakahiya kaya dinadaan ko sa asar. It started when she heard about the 'jellies' doon sa kulot na kasama ko sa scholastic decathlon. The succeeding bosom metaphors were just damage control. That's what I've thought. But apparently, hindi naging ganun.

Hindi ko naman talaga sinadya na makita ang undergarments niya. Dinaan ko na lang sa pambubuska ang pagkapahiya ko sa nagawa ko kaninang umaga. Ang kasalanan ko lang siguro, natuwa ako sa mga reaksyon niya.

Dahil nga sa kawalan niya ng reaksyon sa ilang bagay, simula ng makita ko kung paano siya maasar, na parang kapag gusto ko na siyang paliitin at ilagay sa bulsa ginawa ko na. Ang kyot kase. Yung tipong gusto ko ng kurutin siya sa pisngi. Ang taba kasi lalo na kapag naasar. Kaso hindi naman kami close para bigla na lang ako mangurot ng ganun. At hindi ko talaga alam kung pano ipakita ang appreciation.

Kaya ganun na lang ang gulat ko ng dinala niya yung kamay ko sa dibdib niya. My hands on fire. Lalaki pa rin ako. Gold star, Oo. Kaya kong magmaneho ng isang kamay pero not when my right hand is on fire. I was literally on smooth and soft blistering fire. A fire with a heartbeat. 

See, what have I become? Corrupted. 

Kaya hindi ko na na-kontrol ang manibela at muntik na nga kaming madisgrasya. Tintigan ko siya. Di talaga ako sanay magalit at magsalita kaya hanggang tingin na lang. Naiinis talaga ako sa kung anong pwedeng mangyari kung di ko lang naagapan yun, ng dahil sa pinaggagawa niya.

"Sorry." sabay pa naming sabi. Mukha naman siyang nihihiya. Hindi ko naman alam kung bakit din ako nagso-sorry. Dahil ba nahawakan ko siya, doon? Kahit siya naman ang talagang nagpahawak. How can I ever unlearn this day? Is it even possible to unlearn something?

Hindi na kami nagimikan pagkatapos nun. Itinuro niya na lang yung daan papunta sa bahay niya. At syempre dahil may sprain nga siya, binuhat ko siya hanggang kanila.

*knock knock knock*


"May tao ba sa bahay niyo?" I asked. Wala kasing sumasagot sa katok ng pinto

"Maaaaaa!" sigaw niya ng mukhang walang nakakapansin sa mga katok.

"Zylie Ikaw na ba yan? Anak alam mo ba tumawag ang kuya mo at nagpadala daw siya. Alam mo bang halos triple ang perang ipinadala niya nga--" dirediretsong sabi ng isang may edad na babae na sigurado akong nanay niya. May hawig sila nito, panigurado ganyang-ganyan rin ang itsura ng babae nung kabataan niya. Maliit lang rin, at maamo ang mukha. "A-anong nangyari?!"

Tumitig muna ito sa ayos namin ni Zylie. Buhat-buhat ko ang anak niya (and I just wish she realized she's hurt and not something else.) At sana ang tanong niya ay para sa nangyari kay Zylie at sa hindi kung saan pa man at kung bakit isang estranghero ang nasa porch nila.

"Sprain mama." Narinig kong paliwanag niya dahil natigil ang sinasabi ng nanay niya ng makita si Zylie na buhat-buhat ko na parang kuting.

"Ano ka ba naman anak! Ano na naman ang ginawa mo? Nasaan ang injury? May mga sugat ba?" inalalayan kami nito papasok sa bahay nila.

Malinis. Yun ang una kong napansin. Bukod sa ilang 3rd year textbooks na nakakalat sa sala. At mga oil paint na halatang ginamit sa oil paint in canvass na project ng 3rd year. Kay Zylie lang lahat. Gusto ko tuloy matawa. Siya lang ba ang makalat sa bahay nila?

"Di ka na nasanay diyan kay Zylie, lahat na ng disgrasya kinuha niyan." Sabi naman nung lalaking pumasok para salubungin kami. Yun ang tatay niya. Soft ang features nito at kahit papaano ay makikita mo pa rin sa mukha ni Zylie ang wangis ng ama. Nakakamangha talaga ang genetics kung paano naipapasa ang genes bilang blueprint ng katawan ng isa tao, sa mga offspring. Kung paanong may mga variations ang alleles ay naibibigay sa mga anak-anak.

"Hijo! Hijo!"

"Opo?" kausap na pala ako ng nanay ni Zylie. Bakit ba ako nagiisip ng tungkol sa alleles sa ganitong oraS?

"Salamat hijo ha!"

"A-ah. Okay lang po."

"Ikaw talaga ang laki-laki mo na, nagpabuhat ka pa sa kaibigan mo. Sa taba mong yan hindi ka na nahiya!" sabi naman nung isang lalaking kamukhang kamukha talaga ni Zylie. Sigurado ako kapatid niya. ito. Grabe. Genes... 

May kuya siya. At dalawa. Siguro dalawa dahil sa narinig ko kanina. Nagpadala daw ng pera ang kuya nito? May isa pa siyang kuya. Kamukha din kaya niya?

"Kuya naman eh!!!" todo react naman si Zylie sa pang-aasar ng kuya niya. Grabe kamukha talaga niya. Alternately, tinitignan ko sila. Dahil mas nauna akong makita si Zylie, ang weird na tuloy makita ang ganung mukha sa katawan at buhok ng isang lalaki.

Ibinaba ko si Zylie sa isang upuan matapos ko mapagkumpara ang magkapatid.

"Ayos lang yan pre. Culture shock? Happens to the best of us." nakahawak ito sa mukha na tipong kakandidato ng Mr. Pogi. Sanay na ba ito na may nabibigla kapag nakikita amazing resemblance nilang magkapatid? Natawa ako, culture shock daw? Di na lang ako nakipag-argue kahit parang iba ang alam kong depenisyon ng bagay na yun. Kahit papaano naman ay shocked ako ng split second "Ano nga palang pangalan mo?"

"Silver." 

"Ahhh. Salamat Silver! Sensya ka na dito kay utol." turo nito sa kapatid.

Umiling ako para sabihing ayos lang yun. No harm done.

"Classmate kayo?" umiling ako sa unang tanong

"Batchmate."

"Ahh... Mabuti, close kayo ni Zyla??"

His brother. Probing. I wonder why I am not annoyed. Yet.

"So, so." I Don't really know what to say. Hindi ko naman masabing Yes, we're close. Baka sabihin ni Zylie, hindi naman talaga at ngayon nga lang kami nag-usap. And I don't want to say No, we're not close dahil baka mapatapon ako sa Dapitan ng pamilya niya na inuwi ko siya ng ganun eh hindi naman pala kami close. And... baka masaktan naman siya kapag sinabi ko ring hindi kami close... What? What am I thinking seriously?!

"Ikaw Zylie pag kumuha ka ng boyfriend yung kasing edad mo na ha! Katulad nitong si Silver, hwag na yung kagaya ni Terrence. Hwag yung mga kasing edad ni kuya Zac, Pag matanda sa'yo, magugulang na yung mga yun."

Nakakunot si Zylie. Mukhang naasar, pero agad ding nagbago at biglang tumungo. 

Not that I really observe her everyday to come up with observation. Hindi naman sa dati ko pa siya inoobserbahan. Ang totoo ay hindi ko naman siya binibigyan ng atensyon. Wala naman akong makitang pwedeng bigyan ng atensyon sa Vander maliban na lang kapag kusa ko silang nababalitaan. Katulad minsan na inaabot siya ng kamalasan, madalas naman strong ng itsura niya.

Pero this is the first time I ever see her with this abrupt change of expression. Weird. And such a curious thing.

Curious. I found myself curious kung sino man ang nabanggit na pangalan. Terrence.

"Hwag po kayong mag-alala, iingatan ko po si Zylie. Diba pancake?" I winked.

gusto ko lang siyang asaran para hindi na siya tumungo ng ganun. I didn't realize I've said BIG words. 

And did I just wink?!

*later*


Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon