Chapter Eighteen- To the Carnival

593K 10.1K 575
                                    

SILVER's POV

Sa lahat ng practice namin ng basketball, eto na yata ang pinakamatagal. Hindi ko alam kung natatagalan ba ako dahil gusto ko na agad matapos.

Iniisip ko kasi... kung anong iniisip ni... pancake sa panahong ito.

I don't know when did I start thinking other people's way of thoughts pero sa ginawa ko kanina. Yung una kapilyuhan lang, pero yung pangalawa. I really kissed her. At hindi ko inaasahan, na kaya niya rin... ang humalik. I kind of expected her to be stiff... but she's not. And she kissed me back like she knows what she's doing. Like she's prepared for this.

Dahil ba sanay na siya? Kanino naman siya nasanay? Dun sa Terrence na yun?

"Pasa mo dito!!" sigaw ni Fred sa di kalayuan.

Napabato ako ng malakas. Namalayan ko lang na napalakas pala ang pagpasa ko ng bola nung naibigay ko na.

"Aray!" sabi ni Fred. Dumaplis kasi sa kamay niya yung bola.

"TORRES! This is basketball and not shotput. Anong klaseng chest pass yun? Do we need to go back to passing fundamentals or what?" sigaw ni coach.

"Sorry... coach..."

"Seryoso ka Silver muntik mo pa akong maputulan ng daliri. Napakalapit ko napakalakas ng pagbato mo pre."

Nagtuloy-tuloy pa rin ang laro and I tried my best not to mess up. Ako rin naman ang mahihirapan dahil hindi rin kami pauuwiin hangga't hindi pa nakukuntento si coach.

Kaya when I saw a good chance, I made a shot. Enough to satisfy our coach.

"Waaaaah! S. I. L. V. E. R!!! GO SILVER!!!!" mag nagchicheer pang mga babae doon sa bleachers. Weird people. Pero at least sa mga satisfied na sigaw nila, mukhang nasatisfy din si coach.

Naglakad na ako palabas ng court kahit hindi pa sinasabi ni coach. I know him too well.

"I think we should pack up. See you tomorrow." Narinig kong sabi ni coach kahit saglit na inakala ko na papagalitan niya muna ako.

"Batas na naman si captain." Narinig kong sabi nung isang miyembro ng team. Ako batas? Eh ayaw ko nang maglaro. Kahit i-banko niya ako sa susunod na laban pero wala na talaga akong ganang maglaro. Hindi na ako makapaghintay umalis sa court.

"Hayaan niyo na si Silver." Sabi naman nung isa.

"Silver... here, towel." Biglang sumulpot si Bettina from nowhere. HIndi ko alam na nanonood rin pala siya ng mga practice na tulad nito.

"Thank you..." kinuha ko yung pamunas sabay naglakad na ng mabilis.

"Wait... Silver..."

Hindi ko siya pinansin. I defied coach dahil gusto ko ng lumabas. At kahit si Bettina pa ang lumapit, hindi na rin ako mapipigilan.

Naturalmenteng wala ng tao nung tuluyan na akong makalabas. Kaunti na lang ang estudyante na natira sa school. And needless to say, the pancake is out of sight. What do I expect? Na mag-linger pa siya sa loob ng school matapos lahat ng nangyari. Sa kanila. Sa amin? Sana lang di na siya ginulo nung mayabang na teacher na yun.

Sumakay ako ng sasakyan ng hindi na nagbother magpalit ng damit. 

I drove on heavy foot. Really really fast. Naiinis ako ng di ko maintindihan. Nakakainis na kapitbahay ko nga pala ang mayabang na teacher na yun na gumugulo sa tanging taong napansin ko sa school. Nananadya ba talaga ang pagkakataon? 

I am preparing to park ng makita kong may tumakbo mula sa kabilang bahay.

"Si Zylie ba yun?"

Gusto ko munang kusutin yung mga mata ko. Iniisip ko na ba siya masyado na nakikita ko na siya kahit dito sa loob ng subdivision?

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon