Chapter Fifty Five- Balloons

568K 11.9K 1.9K
                                    

READ FIRST BEFORE YOU VOTE

 

Next chap na pero Zylie pa rin.

 

CHAPTER XXXXVI- ZYLIE

Nakatingin ako sa malaking screen ng telepono niya at naaninag ko ang sarili ko na medyo nakarecline sa backseat. Madilim ang kuha pero alam kong ako yun. Yung nagkalat kong make-up. Yung gown kong black and white at ang magulo kong buhok.

“Ano ulit?” sabi ng boses ni Silver na may hawak ng camera ng oras na iyon. Binuksan niya pa yung ilaw sa loob ng sasakyan at mas lalo ko pang nakita kung gaano ako ka-haggard. Tanggal yung isang false eyelashes ko kaya mas lalo akong nagmukhang weird. Tapos dahil sa kaiiyak ko kalat kalat na yung mga itim-itim na galing sa eyeliner ko.

“Silver… Silver Jeremy.” sabi ko mula sa video. Grabe lang. Ang weird nga pag nakikita mo yung sarili mo na natutulog. Lalong weird na nakikita kong nagsasalita ako. Nakakahiya. Nakakaloka.

O____O

Biglang nagulo yung camera. Ipinatong niya pala sa upuan kaya wala kong makitang kahit ano kundi yung putting seat cover. Ang susunod na nakita ko na lang nakaupo na siya at nakaunan na ako sa kandungan niya. Itinaas niya pa ako ng kaunti na parang baby na hinehele.

“Ano ba tong ginagawa mo?? Bakit mo inirecord?!?!” singal ko kay Silver na nakahawak pa rin sa manibela ng kotse niya. Alam na alam ko nagpipigil siya ng tawa. Gustung-gusto ko na talaga ibalik sa kanya yung telepono niya, dahil kitang kita ko yung kalat-kalat na lipstick ko.

>///<

Naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi. Lalo na yung mga muntik ng mangyari. Di ko magawang isauli yung telepono niya dahil may parte ng utak ko na nagsasabing Manuod ka pa Zylie Manuod ka pa Di pwedeng di mo yan panuorin.

 

 

“Anong sabi ng pancake ko?” sabi niya sa akin habang hinahawakan ako sa pisngi. Ansabeh ng paos –paos na boses niya habang hinahaplos ako? Ang awkward lang talaga dahil hindi ko alam kung paano niya nagagawang i-video yun ng ganun ka-calm.

“Pag umalis ka ulit… Di ko na talaga kaya…” sabi ko na naman. Parang ako mismo di makapaniwala sa mga sinasabi ko. Ako ba talaga yung nagsasalita? Tulog ba talaga ako? Ano ba naman yan. Sobra naman yung bibig ko. Waaaaaaaaaaaah.

Masyado na akong engrossed sa pinapanuod ko na di ko namamalayan na masyado ng mahigpit ang hawak ko sa telepono niya.

“ Dito lang ako…” sabi niya na naman habang nakatingin lang sa akin. Grabe lang talaga, paano niya nagagawang ivideo ang mga ganitong pangyayari? Isang braso kasi nakaalalay sa ulo ko tapos yung isa naka-extend para ma-record ang mga nagaganap. Baliw talaga siya.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon