Chapter Fifty Four- Evidence

548K 10.2K 736
                                    

READ FIRST BEFORE YOU VOTE

 

Zylie ulit. XD Kelangan eh. Yae na. Next time na si Silver. 

 

CHAPTER XXXXVc- ZYLIE

“Last night was the most wonderful night I ever had…”

O////O

“AT BAKIT?!”

Napayakap ako sa sarili ko.  Iba kasi yung naisip ko sa sinabi niya. Daig ko pa ang may amnesia, bakit di ko alam yung nangyari kagabi? Nakatulog lang naman ako ah.

“Haha.” Tumawa siya ng kaunti. Kahit pagtawa tinipid din? Pero okay lang dahil tumagal naman ang ngiti sa mga labi niya habang nakagharap sa akin. Para niya akong pinagtatawanan.

“Bilog.”

Yun yung huling sinabi niya bago niya itinuloy ang pagmamaneobra ng sasakyan palabas sa harap ng bahay namin.

Isang huling sulyap ang ibinigay ko sa pituan namin. Alam ko kasi na mamaya, mahabang paliwanagan na naman ang aabutin ko sa harap nila mama at papa. At ipinapanalangin ko na nasa bahay ang mahal kong kuya Zeus mamaya. Kelangan ko ng makakapitan.

(__ __”)

Tumingin ako kay Silver na nakangiti pa rin ng kaunti. Sobrang naa-appreciate ko yung ganitong tanawin lalo na’t bilang na bilang lang yung pagngiti niya na abot hanggang mata. Kung hindi lang sana ako kinakabahan sa lahat ng pangyayari, eh di sana okay na.

Si Yanny kasi eh. Eto talaga yung kinakatakot ko eh, yung maging ganyan kami ni Yanny. Nung pinili kong hwag sabihin sa kanya, si Silver ang muntik ng mawala sa akin. At naramdaman kong hindi ko kaya yun. Kaya hindi lang sa harap ni Alyanna. Maging sa lahat ng junior at senior high school, inamin ko na.

Pero ngayong nagawa ko naman ang hindi ko makaya-kayang pag-amin dati. Mukhang si Yanny naman ang mawawala sa akin. Hindi ba pwedeng wala na lang umalis? Wala na lang magalit? Bakit kaya ganun? Idagdag pa ang mga nangyari kay Bettina.

Siya yung napiling Vander Princess pero hindi niya man lang nakuha ni isang glory. Bukod sa ako ang hinalikan sa ilalim ng mistletoe, iniwan pa siya ng Prince niya na mag-isa sa harap ng maraming tao. Di na ako magtataka kung bakit siya tumakbo sa CR. Kung ako din ang nasa sitwasyon niya, baka ganun din ang ginawa ko. Haie. Si Buknoy pa.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon