Chapter Two- Bosom Buddies (July 29, 2011)

938K 14.1K 2.8K
                                    

Reyna ng Kamalasan (Part 1 and Part 2) is now PUBLISHEDunder Summit Media- Pop Fiction
Php 195 each | Taglish | Available in bookstores, newsstands, and convenience stores nationwide!

Reyna ng Kamalasan (Part 1 and Part 2) is now PUBLISHEDunder Summit Media- Pop FictionPhp 195 each | Taglish | Available in bookstores, newsstands, and convenience stores nationwide!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MIKAELA's POV

"PRESENT!" sigaw ko sagot sa teacher na tumatawag attendance, randomly. Siya lang yata ang ganun, hindi alphabetical ang attendance. Pero mabuti na rin dahil kung hindi, matagal ng tinawag ang Carbonnel, Zyla Lienne.

Na hindi ko alam kung saan na napunta at nagpaalam lang magpapalit ng uniform sa locker room.

Yun ay parang 15 minutes ago... Ganun ba talaga dapat katagal? O dapat na akong mag-alala? Maaga na nga umalis si ma'am Dina kaya maaga rin siyang nakababa, pero anong nangyari?

"Hwag mong sabihing nagdrama siya sa locker room dahil sa nalalapit na pag-alis ni ma'am?" hinawakan ko yung kwelyo ni Alyanna pero agad ko ring binitawan matapos niya akong suklian ng maasim na mukha. "Right, hindi nga umiyak yun nung nangibang-bansa yung panganay nila eh nuh?" kahit halos kasabayan lang yun nung quote paglalaho unquote ng ex niya.

"Awwww... Si kuya Zachary Lay "The Pogi" Carbonnel!" si Yanny with matching sparkling eyes. Made me think. ngayon ko na lang uli narinig yung pangalan na yun.

"Anobayan! Tignan mo ikaw!" kinurot ko siya ng bahagya sa tagiliran "Lahat na lang crush mo! Pati mga kuya ni Zylie hindi mo pinatawad! Pati tuloy ako nawawala sa sinasabi ko!" Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa pinto, still no sign of Zylie "Nasaan na si Zyla? Labasin ko na ba?"

"Baka nasi-CR? Tumae muna? Nabalisawsaw at natagalan kasi hindi makawiwi?? Pwede naman ding hindi naman talaga siya pumunta sa CR in the first place? What are the odds? Madami namang pwedeng gawin sa pagdaan papuntang locker room. Pwedeng nakaramdam ng sakit ng tyan at ayun, kinausap muna si mayor. Or something..."

Baliw talaga 'tong si Yanny. Half of me wants to strangle her, habang yung kalahati, tawang-tawa na. Alam ko naman kasi na deep inside alam ko nag-aalala din yan. She's just trying to lighten up the mood dahil alam naming dalawa na hindi natae o kung ano man si Zylie. Minsan kasi, malingat lang kami dun sa babaeng yun, nadulas na pala, or sumabit na lang at nakaladkad ng sasakyan. (Which really happened btw)

Sumabit talaga ang strap ng bag niya sa dumadaang sasakyan at nawala na lang siya habang kausap namin. Nagulat na lang nga kami ni Alyanna nun eh! Buti na lang at tricycle lang yun at hindi mabilis o malaking sasakyan. Pero ganun pa man, ikaw ba naman makaladkad ng sasakyan habang nasa sidewalk ka naman? Baka Zylie na ang pangalan mo.

Pero hay nako. Hindi pa rin ako naniniwala na siya ang reyna o kahit dyosa ng kamalasan katulad ng pinagsasasabi ng mga tao sa school. Nagkataon lang talaga na ganun. Basta sa tingin ko, coincidence lang yun. Nakakainis na sisikat na nga lang siya, sa ganung moniker pa. 

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon