Chapter Twenty Nine- The Ice Cream Man

552K 9.3K 571
                                    

ZYLIE's POV

Etong si Alyanna! Talagang pinili pa talaga yung table na malapit kina Silver.

Alam nilang dalawa na sa lahat ng tao, ako yung hindi fan ni Silver. Sa lahat ng tao sa school. Well, si Mika, given na yan na walang epekto sa kanya ang karisma ni Silver dahil meron na siyang Jupiter. Pero ako? Wala lang. Naasar pa nga ako dati kapag OA yung mga tao sa paghanga sa kanya diba? 

Magugulat kaya siya? Magagalit? O mabibigla kapag sinabi kong ako pala yung gusto ng gusto ng lahat. Hahahahahahahaha! Nakakatawa habang iniisip ko. Eto na ba yung sinasabi nilang... haba ng hair.


HAHAHAHAHAHA!

“HOY MGA UGOK! BAKIT PAREHAS KAYONG NGUMINGITI MAG-ISA?" Nagulat naman ako kay Mikaela. Nasa harap kasi namin siya habang magkatabi kami ni Alyanna. Kailangan ko ng itigil ang pagdedaydream kung ayaw kong maging kasing topak ni Alyanna.

"Wala ah!" tanggi ko. 

Tumingin si Mika kay Yans.

“E-ehh kasi… ang gwapo ng batok ni Silver…” natatawang sabi nito.

Tumingin din naman ako. Oo nga ang gwapo ng batok niya.

Lumingon din si Mika.

"Kelan pa naging gwapo ang batok? Ang alam ko lang, masarap ang batok. Lechon you know. Pero gwapo? I don't think so." 

Tawa-tawa lang si Alyanna.

“Pero ikaw bakit ka ngumingisi—ngisi din dyan na parang nababaliw na?” ibinalik niya sa akin ang tanong. Oh men, akala ko nakaligtas na ako sa probing eh.

“Hindi ah! Ano lang… ano…” ano nga ba?? “… natatawa lang ako sa pagmumukha nitong si Yanny hahahahahaha!” tinuro ko na lang si Alyanna.

"Wow ah. Ako pa sinisi mo? Ehhh ano na nga yung iku-kwento mo?”

Like a boomerang, bumabalik lahat ng issue sa'kin.

“Wala yun! Hehe… Hehehehe!”

"Wala, talkshit si Zy, nagpromise na ikukwento niya tapos ayaw naman pala."

"Daya naman."

"Guys naman! Hindi ako talkshit!"

“Okay... Kahit clue lang…” lukot na mukha ni Mikaela

“Love life ba yan???”

Okay... sasabihin ko na ba?

They are asking the right questions. I can't lie. 

I nodded.

“OMG LOVELIFE NGA!" halos mapatayo si Mika kaya sinenyasan kong tumahimik lang. Nasa malapit lang si Silver oh.

“Oh My God Zyla Lienne! Don't tell me... Don't tell me nagbunga ang date mo kagabi!"

WHAT?!

 "Shhh! Anong pinagsasabi niyo? Bunga ng date? Kadiri kayo! With Buknoy? Kadirs!"

“EHH KASI KATATAPOS LANG NG DATE NIYO KAGABI!!!”

“AT YUN LANG ANG NANGYARI KAGABI! DAHILAN PARA MAGING GANYAN KA KABALIW NA PANGITI-NGITI. I'M SURE SI BUKNOY TALAGA ANG DAHILAN NG MGA NGITI."

Nakakahiya! Ang iingay nila at ambibilis nila magconclude. Tapos… tapos si Silver ayan na lumilingon na!!!! Kyaaaaaaaah!!!

“ANO? ANO BANG NANGYARI? NAREALIZE MO NA MAHAL MO NA SI BUKNOY??” malakas na sabi ni Alyanna.

“Shucks oo nga Zylie!! Sinagot mo na si Buknoy?” sabi ng nasa kabilang table.

What is happening to the world? Sino bang nagsabing si Buknoy!? 

Buti na lang hindi lumilingon si Silver… May kausap kasi siya… Kausap niya si…

Si Bettina.

“ANO NA NGA???” nangungulit pa din sila. Gusto pa rin nila akong magsalita kahit nakapag-conclude na sila ng bagay-bagay.

“Wala… Wala pala akong sasabihin.” Tumayo na ako. Di naman kasi yata totoo na may gusto siya sa akin. Ayun kasi siya oh. Kausap si Bettina. Magkadikit pa yung elbows nilang dalawa. Hindi sila kumakain. Parang may pinaguusapan silang seryoso na magkalapit na magkalapit sila. Di man lang siya lumingon talaga?

Di talaga maintindihan tong si Silver… The master of pushing and pulling. Hobby niya ba yun? Joke time lang ba siya lagi? Feeling niya ganun ang appeal niya? Pipi daw pero bakit kausap si Bettina at parang ang dami-daming sinasabi?

“Uy saan ka?” si Yanny

“CR..” sagot ko.

“Balik ka agad ah!” sabi ni Yanny.

“ZYLIE!!!!!” May sumigaw.

This is not happening. Masyadong masama ang damdamin ko to deal with this. Si Bernardo, nandiyan na naman. Pwede po bang magtago sa ilalim ng lamesa? 

Anong gagawin ko? Eh iniwan ko siya sa ice crea parlor matapos pabilihin ng sandamakmak na flavors at bugahan sa mukha ng makulay na ice cream. Sabi ng utak ko, Run Zylie, Run!

Nagtatawanan na naman yung mga tao.

“Eh ayan na pala ang boypren mo Zy!”

“Ayan na naman si masugid!”

“Si Buknoy mong nilalangit, nilalangaw pati puwit!”

Nakakaasar! Ang dami kasing drama sa buhay! Bakit dito pa napili sa canteen mag-emote?

“Bakit mo naman ako iniwan Zylie baby??!! Bakit paglabas ko ng CR wala ka na?? sabi niya habang dinuduro-duro pa ako!

“You left him??”

“Aww iniwan ka Buknoy?”

“Kawawa ka naman”

“Baka kasi tinulaan mo na naman?”

Ang dami talagang nakikisabat sa mundo eh nuh?

“Naghilamos pa ako ng sobra. Nag-mouthwash pa nga ako eh!” nagpatuloy pa talaga siya magdrama!!! “Pero paglabas ko wala ka na… Naglilinis na sila… PATI IKAW WALA NA RIN!!”

Tinuro niya rin si Silver. “Wala ka na rin!!!” OA na sabi pa niya!!!!

Dinamay kasi niya ang isa sa pinakamalaking pangalan sa Vander. 

Ano nga naman ang ginagawa ni Silver Jeremy Torres sa isang date ng dalawang nobody?

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon