Chapter Thirty Two- One Pancake Apology

555K 10.5K 923
                                    

ZYLIE's POV

*poke poke*

“Zyyyyyyy!”

Kainis! Tinutusok-tusok pa yung pisngi ko! Badtrip na nga ako buong araw eh! Buti na lang hindi ako kinausap nung dalawa kong makukulit na kaibigan. Napansin yata na badtrip ako.

Pero kasi... eto naman ngayon! Nakasunod na naman po! Ang makulit na Bernardo!

“Uyyyy… Hindi ka ba talaga tinakas ni Silver?”

Silver silver! Puro na lang Silver! Kelan ko ba hindi maririnig ang pangalan na yun? Nung walang kwentang tao na yun na wala na lang ginawa kundi pakiligin ka tapos ideny ka. Bwisit. Huli na talaga to. Hindi na ako maniniwala sa kanya. Sa kahit na anong sabihin niya. Sa kahit na anong gawin niya pag kaming dalawa lang.

I've learned my lesson.

Tumigil ako sa paglalakad.

“Pwede ba! Ano.. Tigilan mo muna ako. Masakit ang puso ko ngayon!”

SAY WHUT? Anong ka-corny-han ang pinagsasasabi ko? Masakit ang puso? Oh no no.

“…. Hindi ano lang… mabigat lang ang dibdib ko.”

“Mabigat ang dibdib mo?” parang gulat na gulat niya pang tanong.

Geez that sounded so wrong my dear.

“TSK! Ano bang iniisip mo? Hwag mo na nga akong sundan kasi! Wala ako sa mood! Badtrip ako! Tska diba sabi mo di mo na ako guguluhin kapag pumayag ako makipagdate sayo? Eh ano pang ginagawa mo?”

“Eh kasi hindi naman natuloy yung date natin. Di mo pa nga nauubos yung ice cream eh!”

Naawa naman ako. Kasi naman umalis naman talaga ako eh. Si Silver naman kasi! Usap daw.Isang salita, nagpabingwit naman ako. Aish kasalanan ko talaga ito eh!

“Sorry naman.” Napakamot tuloy ako. Ano bang excuse ang sasabihin ko sa kanya. Ang sama na kasi ng mukha niya eh. Ang asim na. “Ano kasi.. ano.. Buknoy… ay Bernardo pala… uhmm. Nung time na yun... naalala ko na may nakalimutan pala ako sa school. Eh baka mawala na… kaya hindi na ako nagpaalam. Tumakbo na lang ako palabas.”

“Eh bakit sabi nung babae doon sabay daw kayo lumabas??”

At may witness pala. Okay alam ko na ngayon na hindi ako magaling gumawa ng krimen. Talo na agad ako, sa witness pa lang. 

“A-ahm! Alam mo! Nagkataon lang yun! Wala siyang inorder kaya lumabas na rin siya! Tapos ako tumakbo na papuntang school. Yun, ganun lang yun!”

Kung anu-ano nang sinabi kong kasinungalingan eh. So bakit ba ako nagsasayang ng pawis sa kili-kili para magexplain sa kanya? Gusto ko bang gumaan ang loob niya, o gusto ko lang din magsinungaling sa sarili ko na dapat hindi na lang ako kay Silver sumama. Na dapat yung sinasabi ko, yun na lang ang nangyari.

“Akin na yang bag mo ihahatid na kita sa inyo.”

“Bernardo… “ inharang ko yung palad ko sa harap niya. “Awat na. Hayaan mo na ako makauwi. Please lang. Please please.” Nakiusap na talaga ako. Gusto kong makahanap ng peace of mind eh.

Tumango siya ng tumango ng tumango. As in sobrang daming tango. Naawa naman daw talaga ako. Kainis. Cute naman siya. Medyo magulo lang yung hairstyle niya madalas… Pero hindi ko talaga siya gusto eh. Nakakainis lang. May mga tao kasi, na hindi mo lang talaga type. 

Alangan ipilit mo hindi ba?

“Okay. Uhmm. Ingat ka na lang Zylie…” tapos nginitian niya ako. ^___^

Here comes the guilt.

Pagkaalis niya. Tinahak ko na ang daan pauwi. Eh malapit na rin pala ako sa bahay eh. Buti na lang napaalis ko na si Buknoy. Kung hindi malalaman niya pa ang bahay namin.

“Nandito na po ako!!!!” Sigaw ko.

Kasi naman. Parang ang tahimik. Karaniwan naman medyo maingay kasi nakabukas palagi yung TV. O kaya nagluluto si mama sa oras ng pag-uwi ko kaya maingay. Minsan naman si papa o si kuya Zeus nagigitara.

“Wala talagang sumasagot? May ilaw naman eh.”

Pagpasok ko…

“Low.”

“Ma!!!! Pa!!!!” sigaw ko. Pinaglololoko ba nila ako? Anong ginagawa niya dito? Si SIlver. 

“Wala sila.”

At panong wala sila? Bahay namin ito. At siya pa ang makakaalam na wala ang pamilya ko. 

“Mama!!!! Nasaan po kayo?"

“Wala nga sila.” Narinig kong sabi niya. Sumunod pala siya sa akin. Pumanik kasi ako dahil baka nasa taas lang sila mama. Paglingon ko, nakalagay yung dalawang kamay niya sa bulsa.

“Nasaan sila? Paanong wala sila. Did you kill them?”

"What? Are you serious?" gusto kong matawa. Nanonood ba siya madalas ng TV shows?

"Nasaan nga sila?

“Uhm. Binigyan ko sila ng movie ticket?” sagot niya.

“Niloloko mo ako! Nasaan sila? Hindi nagtitiwala si mama agad-agad.”

“Pinahiram ko ang kotse ko.”

Iisa lang yung tono niya pag nagsasalita. Monotone.

So pinahiram niya yung kotse niya? Kaya pala wala akong napansing nakaparada sa harap! Kasi kung nagkataon baka hindi na sana ako pumasok kung nakita ko yun.

“Ayaw naman nila ako paghintayin sa labas. Kaya pinapasok ako. Hintayin na lang daw kita.”

Huhuhu Mama! Bakit? Bakit pinagpalit niyo ako sa movie ticket? Paano kung rapist pala ito at buong pusong ibinigay niyo na po ako?

"So..." 

“Uhm Sige magpapahinga na ako. Hintayin mo na lang sila---” gusto ko talaga siyang iwasan. Hindi ba nangako na nga ako sa sarili ko na last na yung kanina? Yung sa canteen?

Pero. Shit. Ayan na naman siya. Alam niya bang nasa bukana kami ng hagdan? Niyakap na naman kasi niya ako. At alam niyo ba yung feeling? Tapos hinahaplos-haplos niya pa yung buhok ko? Ganito ba yung mga behavior ng isang serial killer? HIndi kaya pinatay niya na talaga yung pamilya ko? Tapos papatayin niya na rin ako?

Pero bakit ganun? Parang iba naman yung sinasabi ng utak ko?

“Ahh… Silver… Please lang… Papahinga na ako.” Sabi ko habang tinutulak ko siya. Kasi naman. Madadala na naman ako. Maniniwala na naman ako sa mga effects niya. Tapos… Sa school sa harap ng maraming tao… wala na naman siya.

“Galit ka ba? Di ko alam kung bakit ka galit. But I'm sorry.”

"W-what?" I scoffed "Paano naman ako magagalit? Bakit naman ako magagalit diba? Eh wala ka namang ginagawang nakakagalit?! Tignnan mo hindi mo nga alam kung bakit ako magagalit?" Psh, You've gotta be kidding me."

“Sige na pancake. Sorry na.”

Omg ghad. Bakit po naglalambing ng ganito ang lalaking ito?

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon