Chapter Twenty Six- Sweet Face

545K 8.8K 1.2K
                                    

ZYLIE's POV

Sinusubo ko yung icecream habang lumilingon ako sa pangahas na pumasok at hindi marunong magabsa.

Si Silver!

“AY! Ano ka ba!” sabi nung nagse-serve kanina sa amin doon sa babaeng nasa counter “ Sir welcome po… open pa kami!” 

Open daw bigla? Eh ang laki-laki na nga ng karatula, may ilaw-ilaw pa. CLOSED na.

Napaka-unfair naman pala sa mga ice cream parlor na katulad nito, dahil lang gwapo yung customer, pwede na silang mag-open ulit? 

Ano bang ginagawa niya dito. Sinusundo niya ba ako? In my dreams.

“Oy! Pareng Silver musta???” biglang sabi ni Buknoy. Hindi ko na malunok yung icecream. So kelan pa naging mag-pare si Buknoy at si Silver. Alam ko mas matanda si Buknoy sa kanya pero, mas matalino naman 'di hamak si Siver.

At bakit ako nagco-compare? Hindi naman pinansin ni Silver si Buknoy. Meaning, hindi talaga sila magpare.

“Eto po yung list ng flavors. Kahit sa akin na lang po kayo umorder.” salubong ng serbidora.

Maya-maya, amoy na amoy ko yung pabango niya mula sa likuran ko. 

Si Buknoy naman, weird na ginagawang tubig ang ice cream at nilalaklak. Pagbaba niya ng baso ng ice cream, nalagyan pala yung ilong niya.

“Wahaha. Bernardo! Yung ilong mo kumakain.” turo ko sa may ilong niya. Nakakatuwa talaga.

“Ha??" Hindi niya ba naramdaman na malamig na yung ilong niya?

“Dito oh? Dito?” tinuturo ko yung ilong niya… tsaka yung ilong ko.

“Ano?”

“Yung ilong mo may ice cream!!!!” sigaw ko

“HA??” sabi niya habang pilit na tinitignan ng mata niya yung ilong niya. Mukha talaga siyang ewan. “AY!!! Wahahaha! Nalagyan pala yung ilong ko. Masarap kaya kainin ng ganun yung ice cream. Try mo!”

Habang iniinom ko yung ice cream base sa mga rekomendasyon ni Buknoy, biglang nagsalita si Silver.

“Wala dito yung gusto ko!” reklamo niya. Natunaw na yung ice cream ko lahat-lahat tapos wala pala dun yung gusto niya? 

“Anong flavor po ba? Masyado na pong marami ang flavors ng ice cream namin sir. May iba pa po ba na wala sa menu?”

“Meron."

"Ano po yun sir?"

"Pancake. Pancake flavor.” tanong ni Silver

WHAT?

Sa sobrang gulat ko, napabuga ako…  Naibuga ko lahat ng nasa bibig kong ice cream…. Sa mukha ni Bukoy!!!

“*gulp*

"OW! Sorry!! Sorry Buknoy!!! Sorrrrryy!!!”

“Ah!! Okay lang! Heehee!” napatayo siya “Okay lang Zylie babes.” Nakatayo na siya at pinupunasan din ang sarili niya.

Kinuha ko yung tissue at pinunasan ko siya. Pero malagkit pa din. Nakakahiya… Nakatawa si Buknoy kahit ang colorful na ng mukha niya dahil sa icecream. Naawa tuloy ako. May mga nuts-nuts at marshmallows pa. Siya naman kasi. Bakit ko rin ba siya ginaya at ininom namin ang ice cream?

“CR muna ako…  Dyan ka lang ah! Ahehe! Okay lang okay lang talaga! Hwag ka na mag-alala!”

Sobrang naguilty ako. Ako’y talagang naawa. Maghihilamos siya sa CR. Nahihiya naman daw ako habang sinusundan ko siya ng tingin.

“So ano na pong order niyo?” nagpatuloy yung serbidora. Mukhang natigilan din sila sa mga nangyari sa amin.

“Wag na pala.” Sagot ni Silver. "Okay na ako."

Parang adik talaga yun. Napatingin na tuloy ako sa likod ko. Kawawa yung istura ni ate. Matapos magexplain ng lahat lahat ng flavors, hindi naman pala oorder ang isang ito. 

“Pinagbigyan ka na nga pumasok dito kahit close na tapos hindi ka naman pala o-order!” napasigaw tuloy ako. 

“S-saan ka pupunta?” sabi ko… sabay takip sa bibig. Hala! Yung bibig ko papaluin ko na eh. Pakialam ko ba kung saan siya pupunta diba?? Pero kasi… diba… nagpancake siya?? Baka inaasar niya na naman ako eh.

Pumunta lang ba talaga siya dito para asarin ako ng Pancake?

Tumayo siya sa may pintuan, Binuksan niya lang yung pintuan, pagtapos tumingin siya sa akin habang maluwang na nakabukas ang pinto.

Tumango siya. Na parang nagyayaya. Hanuba naman kasi ito! Hindi nagsasalita! Tinatawag niya ba ako or what?

“T-tawag mo ako?”

“Usap.”

Usap daw??? Mag-uusap kami? Seryoso na ba 'to? 

Nakakakaba naman. Tumingin ako sa CR kung saan nandoon si Buknoy.

Tapos tinignan ko ulit si Silver na nasa may pintuan. Nakakuot na ang noo niya. Bakit ba ako natatakot? Wala naman akong utang na loob sa kanya.

“Hala… Silver…” di ko alam sasabihin. Kasi si Buknoy nasa CR eh.

“Bahala ka…” tapos nun papalabas na siya.

“HINDI!!! Wait!!" Lumingon siya. Tumitig siya sa akin. Pagtapos lumabas na siya. At ako naman, eto… sumusunod sa kanya. Lumabas na rin ako. Parang tanga, na nang dahil sa kakarampot na sinabi ni Silver… napalabas na rin at humabol sa kanya.

 Baliw ba ako? O uto-uto?

*later* 

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon