Chapter Sixty Seven- Pain

416K 8K 1.3K
                                    

BASA MUNA BAGO BOTO.

 

CHAPTER LVII- SILVER

 

“When I fight with you, I’m really fighting for us..because If I didn’t care, I wouldn’t bother.” Para akong binuhusan ng tubig sa sinabi niya. I’m not really mad. I realized I’m not mad. How can I be so mad at her? Mali lang talaga ang timing ng lahat.

Marami pa akong kailangang ayusin. This is not to compromise her. But I want to sort things out first bago ko sabihin sa kanya. Hindi ko naman alam na nandoon din siya sa ospital. Mas lalo lang naging magulo ang lahat.

As soon as I turn around, nakita ko kung paano siya nahimatay. She’s white as a sheet. And to my dismay, nakita kong si Terrence ang nakasalo sa kanya. Not that I’m not thankful na may nakasalo sa kanya, pero si Terrence yun eh. Things are becoming worse and worse.

“Zylie.” Tinapon ko ang payong at lumapit sa kanila. Tinignan ako nung Terrence na yun. Binuhat niya rin ng maayos si Zylie. She’s dripping wet. And in other man’s arms. Sht.

“CAN YOU LOOK WHERE YOUR HANDS ARE?!?!” I snapped. And he gave me a rotten smile. From there I swear I want to strangle him to death. Kung hindi niya lang buhat si Zylie. Nilayo niya na si Zy. He took her into his car. Dadalhin niya na ito marahil sa ospital.

I couldn’t get through. I know kaya ko siyang agawin mula sa ex niya. Pero between us, nandoon si Mika.

“Umalis ka!! Umalis ka!!!” sinigawan ako ni Mikaela, naiiyak siye pero I know she’s mad. Furious at me.

“Wag ka ng lalapit! Kung makikipagbreak ka, sabihin mo na. Sabihin mo na lang agad. Bakit mo ginaganito si Zylie?! Ha? Ha?” I wanted to explain. Pero no words came out from my mouth. “’Di mo ba lam pinagdadaanan niya?”

Napatutop ako ng noo. My head hurts so bad.

“Akala ko pipi ka lang!! now she’s hitting me. I can’t blame her, though. Galit siya sa’kin. “Malala pa nga yata! Alam kong may kasalanan si Zylie! Pero bakit naman ganun?! Di ka nakikinig?! Bingi ka ba? Bingi?! Ha?! At Bulag ka din ba? ‘Di mo ba nakita yung mga sugat niya?! Wala kang kwenta!!! Nang dahil sa’yo nasaktan siya! Nasasaktan siya!!!”

“WHAT?!” I didn’t know. I held her hands. Hindi dahil sa pinipigilan ko siya from hitting me. Pero para mas lalong maintindihan ang mga sinasabi niya. “Kaya ba siya nasa ospital?”

“Ahhh ganun pala? Nagkita pala kayl! Kaya pala nawala siyang bigla! Feeling mo nandun siya para sundan ka lang? Ang kapal ng mukha mo?! Hinabol ka niya nung time na iniwan mo siya. Pero wala palang kwenta! Walang kakwenta-kwenta yung pinagaksayahan niya ng panahon! Anong napala niya? Mga sugat lang na tiniis niya ng ilang araw para hindi lang mahalata ng magulang niya!”

“What exactly happened?!” I urged

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon