Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags

538K 8.7K 1K
                                    

ZYLIE's POV

Suddenly, I'm not intrested in my donut. Hindi ko na nga yun nagalaw eh. Nakarating na nga ulit kami sa room, pero nasa kaliwang kamay ko pa rin ito. Nalamutak ko na. You can't even recognize na donut pala ito. 

“Ikaw kasi eh…” bulong na naman ni Mika. Alam ko naman yung ibig niyang sabihin eh. Yung sa nangyari kaninang recess. Ako nga siguro yung may kasalanan. Kung anu-anong kasinungalingan yung pinagsasasabi ko para lang kay Yanny. Sa sobrang katarantahan ko, sinabi ko nang kami na ulit ni Terrence. Ano ba namang gusot to! Kasalanan ko kaya anong gagawin ko? Wala akong karapatang magalit.

“Di ko kasi alam yung gagawin ko eh. Naiintindihan mo naman ako Mika diba? Ikaw nga nagulat eh, si Yanny pa kaya?” 

"Pero Zy, hindi maitatama ng isang kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan. Hindi yan katulad ng algebra na por que parehas negative eh magiging positive. Hindi. Lalo lang magiging magulo kapag patuloy ka lang magsisinungaling."

“Eh kasi… si Alyanna... Alam mo naman kung gaano niya kagusto si--"

"Zy! Wala ka bang tiwala kay Alyanna? Tingin mo ba magagalit talaga siya sa'yo at uunahin niya yung pagkacrush niya kay Silver kesa sa pagmamahal niya sa'yo? 

Lalo akong nakonsensya. Maling-mali talaga ako.

“S-sorry!! Ano nang gagawin ko nito!?”

“Hwag mo nang alalahanin si Yans, sa tingin ko, may mas mabigat ka pang problema…”

Si Silver.

“OH YEAH!” masiglang sabi ni Yanny pag pasok sa classroom. Mabuti na lang at nag-CR muna siya at nakapagusap pa kami ni Mika ng ganito. "A-anong nangyari sa inyo? Para namang may namatayan kayo diyan." 

“Eh kasi..." sabi ni Mikaela "Wala pa talagang partner si Zylie.”

“Ha?? Eh diba kanina kasasabi mo lang nung bumibili tayong doughnut, na may partner ka na? Si Sir diba?”

“Ahh.. Eh.. Kasi nga… ano… bawal yun diba? C'mon Yans, pwede ba yun? Student-teacher?” salo ni Mika.

Si Mika na lang ang nagsasalita. Ang sama talaga ng loob ko. 

“Uhmm.. Sabagay. Issue yun pag nagkataon. Tska doon siya uupo kasama ang mga teachers. Wala naman akong nabalitaang teacher na nagsayaw ng estudyante. Pero malay mo naman Zy, lalo pa ngayon na kayo na ulit.” hininaan pa ni Yanny yung boses niya. Lalo tuloy akong nakonsensya sa pagsisinungaling ko. “Okay lang yan. Ako nga eh, nangangarap na maging escort si Silver, pero may partner na pala siya. Tsss Okay lang yun. Di naman talaga ako kilala nun. Buti nga kayong dalawa ang gwapo ng boyfriends niyo, gwapo si Jupiter, gwapo si Sir.. Hayyy Ako single at walang gwapong papa.”

Hinawakan ni Mika yung balikat ko kasi alam niya yung nararamdaman ko habang sinasabi yun ni Yanny. Ahh!! Nakakainis ang feeling.

“Yanny naman eh…” sabi ni Mika. "Okay lang yan."

“Hahaha! Ano ba! Wag kayong malungkot para sa akin. Ang tatanda ng boypren niyo nuh. Hindi ko type."

“AH GANON?!”

"Basta ako, mangangarap na lang kay Silver. At least magka-age kami. May pag-asa pa rin ako hangga't hindi nagiging official na sila ni Bettina. Hindi ako mawawalan ng pag-asa."

~

Lalo tuloy akong naging uneasy buong araw. Hanggang lunch. Kasi naman, makikita ko na naman si Silver. Ayaw ko na nga sana lumabas sa canteen pero baka lalo akong mahalata ni Yanny. Maayos kaya ito kung lalabas ako?

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon