Chapter Forty Five- Blown

536K 10.7K 2.3K
                                    

PLEASE READ PO MUNA BAGO BUMOTO. TALAMATS


"A-ano??" di naman kasi ako makapaniwala. Parang akong adik na nagngangangawa. Di ko akalaing ganon nap ala kasama yung loob ko. Tapos bigla niya akong babawian ng ganung salita??

"Totoo..."

"Ulitin mo nga... yung sinabi mo..."

"Oo nga..."

Ang gulo niya kausap.

"Alin nga yun?"

Waaaaaah!!! Gusto kong ulitin niya... Kasi naman!!!! Bakit dito? Bakit sa loob pa ng isang cubicle niya sasabihin yun? Tama naman diba yung narinig ko...

"Narinig mo na nga eh..."                                                                              

"Ayaw namang ulitin, siguro hindi totoo..."

"Totoo nga!! Haist!"

"Sige kaw pa magalit! Baka nakakalimutan mo! Ikaw an---"

"Love you..."

Nababaliw ako. Masyado niya akong binibigyan ng rollercoaster feeling. Alam mo yung inis na inis lang ako sa kanya, tapos ngayon biglang yun yung sasabihin?

"Ah... Uh... Uhm... Lumabas na tayo...." awkward kasi... Biruin mo ba naman kasi... Si Silver Jeremy Torres, nag 'love you' sa malas na katulad ko? Sa loob pa talaga ng CR... Twice??? Diba? Dalawang beses?

"Tapos di ka sasagot?"

Waaah!!!  Matapos niya akong paiyakin ng bongga, babawian niya na naman ako.

"Anong sagot mo..." seryoso na naman siya. Di ko alam kung pano siya nagiging ganun kaseryoso ngayon eh panic mode na yung puso ko.

"Ayoko sumagot... Baka niloloko mo ako..."

"Hindi nga! Pumasok na nga ako ng CR ng babae lahat-lahat! Di ka pa rin naniniwala?"

"Bakit? Sukatan ba ng lahat ang pagpasok sa CR ng mga babae?"

"Huh?? Zylie naman??"

"Sumagot ka na... Bago pa kita anuhin dito..."

"ANOOO???"

Anuhin?? OH MY GOD! Ano bang ibig niyang sabihin? Dapat na ba akong matakot? Dibale sisigaw naman ako ng malakas eh... Waaaah. Pero makakasigaw ba ako?

"Biro lang..."

Nakahinga ako ng maluwag. Grabe naman siya magbiro... Hindi nakakatawa...

"...Pero sumagot ka na... Paulit-ulit na lang tayo... Tayo na diba?" sabi na naman ni Silver. Init na init na ako grabe. Pawis na pawis na ako. Ngayon lang ako nagstay sa loob ng cubicle ng may kasama at ganoon katagal. Take note lalaki pa ang kasama ko. Wah.

"Paulit-ulit ka nga eh!!!" nung isang isang araw pa kasi issue kung kami na eh. "Pero ngayon ang gulo-gulo pa rin natin!"

"Hindi naman magiging magulo. Nagtatampo ka pa. Sabi mo kanina... Akin ka... Pero ako, hindi sayo..."

Nakakahiya naman pala yung sinabi ko!!! Gawa lang yun ng pagdaramdam ko kanina!

"E-eh! Parang g-ganon kasi!!!" pilit na tinatagan ko yung pagsasalita ko. Pilit ko ding tititignan siya diretso sa mata niya kahit medyo madilim pa rin.

"Si Silver..."

He kissed my cheek.

"...ay..."

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon