Chapter Twenty- Wrong Person

593K 9.7K 1.6K
                                    

SILVER's POV

I know it's weird. Pero I'm also curious. Tacsiyapo? I've never heard of that word before.

Parang low-quality yung mga babasagin. Yung iba may lamat sa dulo. Alam kong may ganitong practices sa Greece dati na medyo ipinagbabawal at hindi na ginagawa ngayon. Katulad ng pagbabasag sa mga glasses sa Jewish traditions, merong pagbabasag ng plato na isang stereotypical image ng foreigners sa greeks.

Couldn't help but share. Pero hindi niya naman pinansin.

"WAAAAAAAAHHH!!"

Sumigaw siya! Haha. Simigaw siya ng malakas habang binabato yung pinggan. Natawa talaga ako. Grabe din pala maglabas ng sama ng loob itong si Zylie. Hindi ba't sanay lang ako na NR siya sa mga pangyayari? Kaya ngayong wala siyang pakialam, lumabas man lahat ng ugat at litid sa mukha niya. Lumaki man ang butas ng ilong niya, makasigaw lang at makapaglabas ng sama ng loob.

Nagtinginan din yung mga ibang dumadaan. Napakaingay niya.

Napaisip ako. Hindi ba't ayaw na ayaw ko sa mga eskandalosang tao. Yung mga pala-sigaw? Pero I don't know why. I can see, she doesn't have any pretenses. This is Zylie. 

Plus the fact that... I still find her kyot.

"WALANGHIYA KAHHHHHHHH!!!!!!"

"I HATE YOU SO MUCH TERRENCE!!!!!!!" sigaw niya na naman bago ihagis yung pinakahuling pinggan na hawak niya.

Yun na... Talagang lumabas na sa bibig niya yung pangalan nung pedo na yun. Na siya talaga ang dahilan ng sama ng loob niya ngayong araw na ito. 

Tumingin siya sa akin. Parang naiiyak na naman siya. Naalala na naman ba niya? Ayoko ng umiiyak siya, naiinis akong makita yung katulad nung kanina.

Kaya niyakap ko siya. Flip whatever.

Nung marinig ko yung mga tao sa Mendel na malakas na namang nagbubulungan, parang natauhan na naman ako. Pero bago pa ako makahiwalay, si Zylie naman yung yumakap. Just as we are feeling cozy...

"Hala!! Yung kamay ni ate dumudugo!!" may sumigaw na isa.

Nagbitiw kami. Tinignan ko agad yung kamay niya. There's a big cut on her index finger.

"Ay... nahiwa pala ako." 

So hindi niya napansin na nahiwa na siya? Sabi na nga ba't may mga lamat na ang mga ibang plato at sapat nang makahiwa. 

"Lika na..." Alam kong may first aid sa kotse kaya kailangan siyang madala dun. She's had a fair share of injuries at kahit maliit na hiwa lang, parang sobra-sobra na.

"Does it hurt?" tanong ko when I noticed she's biting her lip.

"Medyo..." sabi niya sabay ngiti.

The cut was short, but deep. I cleaned it bago ko nilagyan ng band-aid.

Nagpasalamat siya and then I asked what happened.

"Di ko alam, di ko talaga naramdaman na nahiwa na ako eh..." mahinang sagot niya.

"No... I mean, anong nangyari... kanina... paanong nandoon ka? Sa bahay nung Terrence na yun?" Bigla kong naitanong. Hindi ko rin alam bakit napakarandom ko.

"Huh? Wala naman kasi—"

"BAKIT NGA?!"

Napataas na boses ko. Gusto ko na talagang malaman.

"A-anong bakit?"

"Anong nangyari?! Do I have to repeat myself over and over over?" 

Nakita ko ang hesitations at awkwardness sa mata niya.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon