Chapter Twenty Five- Ice Creamed

572K 9.1K 967
  • Dedicated kay Charlyn de Jesus
                                    

ZYLIE's POV

Yung nakakairita na talaga si Silver. Wala na siyang awa. Inaapi na nga ako sa sinulat ko. Bakit sa akin, hindi naman double meaning yung sinulat ko, bakit nila ako binabastos?

Si kuya Zac kasi yung naisip po. Palagi niya kasing pinapaglaruan yung organ ko sa bahay. Kasi kahit gusto ko ng grand Piano, Organ lang ang kayang bilhin nila mama. Di ko naman inakalang panget pala ang kalalabasan nito.

“Zylie…” yun na lang yung nasabi sa akin ni Mikaela nung umupo ako. Nakakahiya naman kasi. Hindi naman ako tanga, naiitindihan ko ang pinagtatawanan nila.. Green lang talaga ang mga utak nila.

I officially hate this day. Sabi ko na nga ba at si Terrence ang nagdadala ng kamalasan sa buhay ko. Simula nung umalis siya, minalas ako. At simula din nung bumalik siya, mas lalong nagkada-leche-leche ang mga pangyayari.

Mas lalo akong nagdread sa dismissal dahil nakapangako nga pala ako kay Buknoy. Date? The horror. Anong gagawin ko? Pwedeng dito na lang ako sa classroom? Di na ako lalabas? O kaya tatalon na lang asko sa bintana para makatakas? Kakainis naman eh! Is there any other way out? Aliens please kidnap me, now.

Huhuhu. 

“Tara na Zylie! Di ka pa ba tatayo diyan?” sabi ni Mikaela habang niyuyugyog yung balikat ko. Excited na sila umuwi. Sino ba namang ayaw umuwi?

Nakayuko na lang kasi ako sa desk. Halos lahat ng classmate ko nakalabas na…

“Uy anoba? lalabas na kami ni Mika… tara na anong problema mo? Hwag mo nang dibdibin yung organ chuchu!” sabi naman ni Alyanna.

Iyak na ako. 

“Zylie! Hwag ka nang magpacute!! Nandyan si Jupiter sa labas… Bilis…”

Si Juipter yung boyfriend ni Mika. Eh di siya na ang may lovelife.

Buti pa siya, masayang lalabas ng school kasi naghihintay ang kanyang love of her life. May nagaabang din sa akin. Kaso... si BUKNOY! HARUJOSKU!

Di na talaga ako lalabas! Dito na ako matutulog. Nakakabadtrip na nga si Silver. Pati si Buknoy at si ORGAN! 

*toktoktok*

“ZYLIE KONG NILALANGIT? ARE YOU THERE?”

OH MY GAD! Nandito na siya? Anak talaga siya ng gremlins! Ano nang gagawin ko? Ano na? Wala na akong tataguan. Pumasok na siya sa classroom. Wala na akong kawala.

“Yee. Sabi ko na nga ba eh. Ang sabi nila tumakas ka na daw! Kanina pa kita inaabangan doon sa labas hehe. Hehehe. Buti naisipan kong pumasok ulit! Ahehehe ahehehe. Alam kong hindi mo kayang gawin yun.” Jusko po! Para siyang baliw! Tawa siya ng tawa! Salita pa siya ng salita. Talaga bang naniniwala siya na hindi ko siya kayang i-ditch?

“Teka!! Ako nang magdadala niyan!!!” nagulat ako nung inagaw niya yung bag ko.

“Ako na… Gentleman ako Zylie baby! Excited ako sa date natin hehe. Matagal-tagal na akong nagiipon para dito. Akala ko... akala ko talaga mahihirapan ako na papayagin ka... Pero grabe Lord. Buti pumayag ka agad!”

“HE! Ako na! Ako na magdadala ng bag ko! Bilisan na natin para makauwi na ng maaga. Di ako pwedeng magpaggabi masyado.”

“Oo! Oo! Sige sige! Saan mo ba gusto kumain? Bibilisan lang natin!”

"A-at... at pagtapos nito hindi mo na ako guguluhin?" pagkumpirma ko. Aba kailangan kong makasigurado! 

Tumango naman siya kaya sinabi ko sa sarili ko. It's only worse before it gets better.  

“Saan mo ba gusto? ahehehe.” Tae tanong ng tanong eh.

"Ako talaga ang pipili? Promise?" 

“ahh Oo naman Zylie babes. Anything for a princess like you.”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon