Chapter Fifty Six- Love and Hate

573K 10.6K 1.2K
                                    

READ FIRST BEFORE YOU VOTE

 

CHAPTER XXXXVII- SILVER

 

 

Pumunta muna ako sa loob ng kwarto bago bumaba. Alam kong naghihintay sa akin si Zylie sa baba at hindi siya gaano makakagalaw dun gawa na rin nung sprain niya pero saglit lang naman kaya ako pumunta sa kwarto.

^____^

Ikinopya ko muna yung nakuhanan ko sa computer ko para backup. Mahirap na baka may magbura o mabura ng di inaasaahan. Napapatawa na lang ako dahil matagal na panahon na nung huli kong ginawa ito. Nung huli akong magvideo ng kung anu-ano.

“Kuyaaaaaaaaaaaaa!!! Ang tagal moooooooo Si Ate Zyzy natumba!!!”

O____O

Tsk. Talaga nga naman. Palagi na lang may nangyayaring di maganda. Kaya hindi maiwan-iwan eh.

“WAIT!”

Syempre dali-dali akong bumaba. Baka nasaktan na siya dahil mas inuna ko pang ilipat yung video file sa PC bago ko siya asikasuhin.

“ANG TAGAL MO KUYA!!!” salubong sa akin ni Orange habang nakita kong papasok na si Zylie habang inaalalayan ni Ate Poty papasok.

“Hindi okay lang naman…” sagot ni Zy habang iniuupo siya sa dulo ng sofa.

Nilapitan ko siya syempre. Lumuhod ako sa may paanan niya para tignan kung may nangyaring masama na naman sa sprain niya.

“Kyaaaaaaaaaaaaaah kileeeeeeeg!!”- Orange

Nilingon ko sila at parang nanalo sa lotto si Orange habang tumatalon-talon habang magkahawak kamay sila ni Ate Poty.

O____o

“Shhhh…” sabi naman ni Lemon na nandito rin pero may hawak na libro.

“Go away.” Sabi ko sa kanila.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon